TLL 7:

48.9K 1.4K 57
                                    

#unedited

...
" patay" tanging nasabi ni Candice sa sarili, kanina niya pa hinahanap ang susi sa kanyang bag, pero hindi niya makita kita, sa tantya niya naiwan ito sa kanyang locker.."kapag minamalas ka nga naman..".sinilip niya ang oras sa kanyang cellphone, alas dos na ng madaling araw, tahimik na ang buong kalsada.

Wala siyang nagawa kung hindi ang maupo nalang sa tabi, wala naman siyang lakas ng loob para gisingin ang mga kasama niya sa bahay. Hindi naman na siya makabalik sa shop dahil sarado na ito.

" Ay bata ka bakit diyan ka nakatulog?" Tinapik siya ni Lola Mildred, kapitbahay nila, may dala itong walis tingting. Ugali na nito ang magwalis sa umaga, papasikat na nga ang araw, tumayo na siya at nag inat-inat.

"Good morning po!" Masaya niya pang bati dito. Sino kaya ang unang lalabas?

"Diyan ka natulog?"
Napakamot siya sa ulo, ganoon na nga ang nangyari.

" Hay naku, pinapak ka na ng lamok diyan, pumasok ka muna sa bahay ko, baka mamaya pa magising yang mga kasama mo sa bahay." Tinanggihan niya amh paanyaya nito.

" Hindi na po lola salamat na lang, saka hindi naman po ako pinapak ng lamok, alam nila na hindi ako masarap, saka magigising na rin po sila ate o si kuya, naiwan ko po kasi yung susi ko."

"Ikaw talagang bata ka,"

Kahit suntok sa buwan sana isa sa pamangkin niya ang magbukas ng pinto, umaasa pa rin siya, pero hindi nga talaga siguro pabor sa kanya ang pagkakataon, seryosong mukha ng kanyang ate ang nagbukas sa kanya ng pinto.

Sermon ang inabot niya dito mula sa gate hanggang sa pagpasok sa living room.

Nakatungo lamang siya sa mga sermon nito, lalo naman kasing hahaba kapag sumagot pa siya.

" at bakit nakasuot ka ng ganyan? Saan ka gumala at nagliwaliw? Wag mong sabihin na tumutulad ka na rin sa malandi mong ina? Ginagawa mo na rin yung mga gawain niya kung paano niya naakit ang daddy ko?" Napalunok si Candice habang nakakuyom ang kamao sa likod.

Ilang beses niya na rin itong narinig sa haba ng panahon na pagtira niya kasama nito. Bukod sa kumakain siya mula sa pinaghirapan nito, kumakain din siya ng mga pang alipusta patungkol sa kanyang ina.

" Bakit? May nakita ka na rin ba napamilyado na tao para akitin? Kahit ganyan pa lang ang edad mo hindi na ako magtataka!" Patuloy nito.

" a-ate tama na." Mahinang usal niya dito, namumuo na ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Wala siyang ginagawang masama.
Wala siyang balak na masama.
Wala siyang ideya sa kung ano ang nangyari noon.

Pero bakit ipinaparamdam nito ba kasalanan niya lahat?

"Pinapaahimik mo ako sa sarili kong bahay!?" Umalingaw ngaw ang bosea nito. Tinaas niya ang kanyang mga mata , pulang pula na ang mukha nito sa galit.

Lagi naman.

Pero ate niya ito, alam niyang sa kanilang dalawa, siya ang dapat na umunawa. Labis na nasaktan ang kanyang ate sa ginawa ng daddy nila, pati ang pagkamatay ng mommy nito.

Lumapit ito sa kanya at gaya ng dati nakatikim siya ng sampal mula dito sa kanyang kanang pisngi.

Mahapdi.

Pero walang kasing hapdi ng nararamdaman ng kanyang puso.

Paulit-ulit na lang. Laging ganito sa oras na tumitingin siya sa mga mata nito.

Gusto lang naman din niyang sabihin na masakit din ang lahat para sa kanya.

Pero hindi.

Hindi iton maiintindihan ng kanyang ate.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon