TLL 10:

56K 1.6K 83
                                    

May shooting sa amin bukas :)
Matuloy kaya?

...

10.

Lahat sila ay napatingin sa paalis na si Candice, para itong nasilihan sa bilis ng bawat hakbang.

"Hindi mo ba susundan yung mahal mo?" Mabikis niyang siniko si Josh sa narinig, kanina pa siya nito inaasar, kanina pa rin siya nagtitimpi."Masakit yun ah!"

"Tigilan mo nga ako sa mga pang-iinis mo, hindi na nakakatuwa." Ingos niya dito.

"Pero ikaw tuwang tuwa ka kapag naiinis mo si Darna mo?" Boses yun ni Dexter, babatukan niya sana ito pero wala na pala ito sa kanyang tabi, nakaupo na ito sa pwesto ni Candice kanina.

May point naman din kasi ito, hindi tuloy siya nakasalita, natutuwa siya kapag naiinis ito, nakakatuwa kasing asarin, saka may atraso naman ito sa kanya, kaya tama lang na gumanti siya kahit konti.

"Hindi mo maamin sa sarili mo na crush mo si Candice no?" Napanganga na lamang siya sa sinabi ni Josh.

"Si Eunice ang cru- ,teka nga bakit na ito ang pinag -uusapan natin?" Nagtinginan lang ang dalawa, tapos sabay na tumingin sa kanya, nakakainis lamang dahil alam naman ng mga ito kung sino ang kanyang gusto.

"Wala akong gusto sa kanya, kung yan ang gusto nyong marinig, end of conversation!" Putol niya sa mga ito. Tawa lang naman ang sinukli nga mga ito, muling nagtingan , nag uusap sapamamagitan ng mga mata.

"Okey, kung hindi mo nga gusto, sundan mo nga raw?" Si Dexter, bumilang lang ito ng tatlo bago tumayo si Ren at tinahak ang daan na pinuntahan ni Candice.

Iiling iling na lamang ang dalawa sa kinikilos ng kanilang kaibigan.

"Reverse psychology." Komento ni Josh na nag-umpisa ng kumain, hayaan muna nila si Ren na dumiskarte.

...

"Pangit, mayabang, mapangmata, isang hunghang,maiitim ang gilagid,mabaho ang kilikili,mabaho na paa."litanya ni Candice, nakaupo siya sa student center, nasa lilim iyon ng mayabong na puno, gusto niyang matulog sana kahit konti bago mag umpisa ang isang klase, pero mukha ng mayabang na si Ren ang nakikita niya, nakangisi, nang iinis, nakakaloko.

"Mahilig ka talagang magsalita mag isa ano?" Napaigtad siya ng makita naman ito, mayabang na naman itong tumabi sa kanya. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit biglan na lamang itong sumusulpot kung kailan mas pinipili niyang mag -isa. " Ang baho naman dito, amoy pupo, ganito ang pabango mo kaya siguro natitiis mo no?" Lumapit pa ito para singhutin siya, hindi naman siya nakakilos agad, wala pa rin itong ideya kung ano ang nagiging epekto nito sa kanyang sistema. "Parehas nga," kinukurot kurot pa nito ang ilong.

Tumayo si Candice para makalayo dito, lumipat siya sa katapat na bangko.

"Eh di umalis ka, arte nito, sino kasi nagsabi na pumunta ka dito?" Inirapan niya ito, kahit medyo gusto niya ito, hindi niya pipigilan ang kanyang sarili na tarayan ito... konti pa lang naman, kayang kaya niya pa itong patayin at paglahuin na parang bula, pero sa ginagawa nitong pagsunod sunod sa kanya...hindi niya alam kung saan siya patungo.

"Para maiba naman...namimiss ko rin ang makaamoy ng mabaho, " luminga linga ito sa paligid, konti lamang silang nandoon, karamihan mayroon ng klase, at sa lawak ng university, marami talagang matatambayan ang mga estudyante, yung may aircon at mababango.

Hindi naman talaga mabaho, sadyang pintasero lamang ang lalaking kasama.

"Wow ha," komento niya.

"Lumaki kami sa squater hanggang mag seven ako, laman ako ng kalsada, bumibili ng pandesal pag dating ng umaga, nangungulit ng kapitbahay...nakakamiss yun," nakapangalumbaba ito sa kanyang harapan, nakangiti ito habang sinasabi iyon, may kakaibang kislap sa mga mata nito. Ayaw niyang paniwalaan ang sinasabi ng bibig nito, pero habang magkahinang ang kanilang mga mata, ipinaparating nito na totoo yun.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon