TLL 69:

44.4K 1.3K 79
                                    


4/25/2016

#unedited

...

69.

"Pasensya na po, natuwa po kasi si Benjo sa tubig sa fountain sa plaza, hindi ko na po nabawalan." Paliwanag ni Ren sa mga magulang ni Benjo pagkahatid niya sa bahay nito, masakit ang kanyang lalamunan pero pinipilit niyang magsalita.

"Ganoon ba, nakulitan ka siguro sa aming anak ano? Minsan lang kasi talaga siya lumabas, madalas lamang siya dito sa bahay o kaya sa mga kapitbahay, hindi na rin naman kasi kami ganoon kalakas para dalhin pa siya sa mga lugar na iyon. Alam naman natin an kailangan niyang ng ibayong alaga at pasensya. " Inutusan ng ginang ang anak para maligo, nakalabi naman na sumunod ito. "Ikaw din, maligo ka rin iho, mukhang ang tamlay tamlay mo, mukha kang magkakasakit. " puna nito sa kanya.

"Sige po, pasensya na po ulit." Umalis na rin siya para magtungo sa kanyang bahay, katabi ng kay Candice, nasa loob na noon si Portugal.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" Puna niya dito...Mag aalas nuwebe na at tapos na dapat ang duty nito, hindi naman kasi sila natuloy sa orihinal na plano na mag overnight doon.

"Okey ka lang po pa boss? Hindi ka naman po ba nagtatangkang mag suicide?"

"Bakit ko naman gagawin yun? Hindi naman ako baliw para magpakamatay!" Saway niya dito.

Napahawak naman ito sa dibdib.

"Mabuti po, akala ko nahawa na kayo sa alaga nyo." Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, tukoy kay Benjo na hindi na rin iba sa kanya. Una talaga nakakaasar ito at nakakapikon, pero hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Portugal.

"Hindi baliw si Benjo, nakapag aral ka kaya dapat alam mo ang kaibahan ng baliw sa may kapansanan, pero kahit man ganoon siya, hindi mo dapat minamaliit ang mga katulad niya." Pangaral niya dito, natahimik naman ito at nagyuko ng ulo.

"Patawad po boss, itong bibig ko po talaga minsan ay walang preno."

"Sige na ,umuwi ka na." Tatalikuran niya na ito para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Kumpleto na rin naman ang mga gamit niya na kailangan sa bahay. May mga stocks na rin ng pagkain.

"Sigurado po ba kayo na okey lang kayo?"

Itinaas niya na lamang ang kamay para itaboy ito.

"Sige po, basta maligo kayo bago matulog."

Sa halip na tubig ang kuhanin niya ay naglabas siya ng mga beer in can, nilagay niya yun coffee table at nag umpisang uminom. Hindi niya sinunod ang mga bilin sa kanya na maligo, hindi niya alintana ang sakit ng kanyang ulo. Gusto niya lamang uminom sa ngayon.

"Hello?" Inabot niya ang telepono at sinagot, hindi nagsalita ang nasa kabilang linya kaya naman tinignan niya ang caller ID.

"You're drunk." It' s a statement rather than a question.

"How did you know?" Nasa wisyo pa naman siya, buo ang boses kahit na malat.

"I sense alcohol, my husbands not drinking and I think of you."

Ren chuckle. Ran maybe a bitch oftentimes, yet she's the sweetest when kindness visits her.

"So the twin connection is true." Mapait siyang napatawa matapos lumagok muli ng kanyang iniinom, pang lima niya na iyon.

"What happened?" She asked with concern.

"She's with someone else, she just can't take me back." Naiiyak siya sa katotohanan na iyon.

"I'm sorry, I ruin your time with her...kung sinabi ko noon sa'yo , hindi sana ganito."

Yes, if only she did, but it's too late to blame anyone. Mas malaki ang kontribusyon niya kung paano sila nasira, Candice have the every right to love someone else. Hindi niya nga lang talaga matanggap because he is aiming for another chance.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon