TLL 58:

56.8K 1.6K 164
                                    

#unedited

...

58

"Aalis ka daw sabi ng daddy mo?" Napalingon si Ren sa pinto kung saan nakatayo ang kanyang mommy, karga nito si Rein.

"Yes honey, pupunta ako ng Bataan para sa next project ng company." Sagot niya dito habang patuloy sa paglalagay ng gamit sa kanyang dalawang travelling bag. Ok na ba ang dalawa? Mamimili na lamang siya doon kung sakaling kulangin siya ng damit.

"Buti napapayag ka ng daddy mo? Akala niya ayaw mo yub, but Ran insisted." Napalingon siya bigla sa sinabi nito...so Ran is? Yung kakambal niyang yun talaga...hindi niya alam kung boto sa kanya o hindi. Hindi niya masabi kung nilulubog siya nito sa putikan o hinihila siya nito paalis doon.

"Diba doon mo kami pinanganak?" Napangiti naman ang kanyang honey sa kanyang sinabi.

"Yup, maganda ang lugar na yun, tahimik, sabi nila kaya daw hindi iyon tinatamaan ng bagyo dahil may malaking espada daw iyon sa may Pilar, saka may malaking krus na tinatawag na Mt. Samat kaya daw natatakot ang bagyo, pero hindi ko naman napuntahan yung Mt. Samat."

"Talaga? May ganoong kwento? Sige pupuntahin ko yun." Pangako niya sa sarili, more than work he will treat it as vacation. Tama na yung panahon na nabalewala niya si Candice, tama si Ran, mababaw yung pagmamahal na meron siya...hindi niya napanindigan ang bawat salita kay Candice. Kumabaga, puro lamang siya satsat kulang sa gawa...hindi niya masisisi si Candice kung nalimutan siya nito, pero hindi siya susuko...pero kung mababaw nga ang pagmamahal niya, hindi na sana niya ito nararamdaman ngayon, napalitan na sana ni Eunice na nakasama niya sa nakalipas na taon...pero hindi...si Candice ang hanap niya noong mga panahon na iyon, ang bawat pagkamiss niya dito ay binubuhos niya sa pag aaral at pagmamanage ng kanilang negosyo sa ibang bansa. Kinuha noon ang oras niya, pero hindi ang puso niya.

"Mukhang masaya kang aalis ngayon, kumpara sa dati." Komento ng kanyang honey, naupo ito sa kanyang kama, si Rein naman ay gumapang papunta sa kanyang mga inaayos na damit, isa isa na naman nitong tinatanggal ang mga nilagay niya doon. Syempre naman, di hamak na masaya sya ngayon, alam niya kung saan niya makikita si Candice, bukas na bukas din, hindi mayayari ang bente kwatro oras na hindi sila magkakaharap, sisiguraduhin niya iyon!

"Halata ba honey?" Kakamot kamot siyang napatingin dito, gumanti naman ito ng ngiti.

"Nauna ng umalis si Ran, ikaw naman ang susunod, nakakalungkot rin pala." Niyakap nya ang kanyang honey, ito pa rin ang una sa kanya, kung hindi sa tatag at lakas ng loob nito wala silang lahat ngayon. Alam niya ang love story ng kanyang mga magulang ,masalimuot ang parteng iyon, pero ang mga pangyayaring iyon din ang dahilan kung bakit masaya at matatag sila ngayon. Sabi nga, salamat sa mga aral.

"Honey naman,pumayag ka na kaya na maghanap ako ng maanakan." Tudyo niya dito.

"Mommy! Hug!Hug!" Natawa ng sumali ang cute na si Rein, niyakap din niya ito, at hinalikan ang mapulang pisngi. Napailing na lamang si Ren ng makita na nagkalat na lahat sa kama at sahig ang mga damit na nilagay nya sa maleta. Natanggal na ng kanilang bunso.

"Baby, bakit mo ginulo ang damit ni kuya?" Kunway reklamo niya dito, tumawa lamang ito na parang nang aasar lang...may nagiging kamukha ito habang tumatagal, yung ngisi at pagiging pilya, kaibahan lamang, palangiti ito...pero masyado pa itong bata para magsabi, pwede pa itong bumait at wag matulad sa isang iyon na nasa isip niya.

"Mukhang ayaw ni baby na umalis si kuya?" Pumalakpak pa ito.

"Excuse ma'am, tumatawag po sa landline si Sir, " dumungaw ang maid nila sa pinto.

"Sige salamat." Dadalhin muna sana nito si Rein kaya lamang ayaw pa nitong sumama.

"Sige na honey, ako muna ang magbabantay kay Rein, kausapin mo muna yung topakin mong boyfriend."

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon