TLL 23:

48.4K 1.5K 98
                                    

#unedited

...

23.

Nag-iwas ng tingin si Candice, hindi niya kailangan ng awa mula dito. Kuntento na siyang manghingi ng awa sa dalawang pamilya na nagtataboy sa kanya.

"Mukha naman na ikaw yung tipo na hindi mahilig magkalat ng tsismis," sabi niya na lamang dito. Muli siyang tumingin dito ng nasupil niya ng ang emosyon.

"Don't worry, your secret is safe," tumango na lamang siya at walang paalam na umalis. She will trust her words. May pagkakaparehas naman kasi sila, parehas silang walang magulang, yun nga lang ito, mahal ng mga kumupkop dito, samantalang siya, nakikiamot.

Napunta siya sa dulo ng hall, wala na siyang ganang pumasok. Naupo siya doon, wala siyang pakealam kung may multo doon, maging siguro ang multo maawa sa kanya kaya di siya tatakutin.

Her life. Akala niya noon, isa siyang prinsesa sa isang libro, kumpletong pamilya, may mommy at daddy, kahit nag iisang anak lamang. Lawyer ang daddy niya, sa bahay lang ang kanyang mommy, kasa kasama niya. Maglalaro sila nito buong araw, sa gabi parehas silang mag aabang sa daddy niya galing sa firm. Sabay magdidinner at breakfast, napakasaya.

Pero hindi pala siya ganoon kaswerte. Hiram lamang pala ang kasiyahan na yun, papunta sila sa Metro ng maaksidente ang kanilang sasakyan. Namatay ang kanyang parents. Hindi niya maintindihan kung bakit daddy niya lamang ang nasa chapel at may isang pamilya na umiiyak. Wala ang kanyang mommy, na hindi niya alam kung nasaan ang bangkay. Ayaw mabanggit ang pangalan ng kanyang mommy. Hindi niya alam kung bakit pero kalaunan, naintidihan niya rin.

Bunga pala siya ng isang bawal na relasyon. Kasal at may anak sa iba ang kanyang mga magulang, pero ang nakakalungkot doon.

Wala ni isa sa kanila ang nagsabi ng, tahan na, wag ka ng umiyak.

Wala. Dahil buhat ng mamatay ang kanyang mommy at daddy, nawalan na siya ng pamilya.

"Hoy dito ka lang pala, diyan na yung prof natin," tinignan niya si Jose, napaalis ang mapaglaro nitong hitsura. Marahil nabasa nito sa kanyang mata ang problema.

"The Fort, hubarin mo polo mo, pahiram," nangingilid na ang kanyang luha... bumabalik ang lahat ng sakit, parang eksena sa pelikula... nagfaflaahback lahat. Ang kulit niya kasi, hindi na sana siya dapat lumapit kay Sir Von, pero nagbakasakali pa rin siya.

Hinubad naman nito ang damit, hindi na nagtanong pa. Pagkaabot nito, agad niya iyong binalot sa kanyang ulo. Yumuko siya para walang makakita, katulad ng dati. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit, umiyak siya ng umiyak... iiyak siya ngayong death anniversary ng kanyang pamilya.

Iiyak siya dahil sobrang sakit, iiyak siya dahil nakakpagod umasa sa pamilyang ayaw sa'yo.

Iiyak siya dahil....mahirap at nakakaiyak talagang mag -isa.

Naramdaman niya ang pag upo ni the Fort sa kanyag kaliwa, kinabig siya nito, sinandal sa balikat habang umiiyak. Wala itong sinasabi, tinatapik lang ang kanyang likod.

"There's a rainbow awaits after the rain," bulong nito sa kanya maya maya.

Kung meron, bakit ang tagal yatang huminto ng ulan.

"At alam mo ba sa dulo ng rainbow kung ano ang naroon?" Tanong nito.

Suminghot singhot si Candice, saka nag angat ng mukha. Mugto pa rin ang mata pero okey na siya.

" ano?"

" Yamashita Treasure, kasi made in Japan yung rainbow."

"Siraulo ka kamo," binatukan niya tuloy ito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon