TLL 6:

53.6K 1.4K 96
                                    

Çhange the genre, from Rom to GenFic...no need to explain, si Ren po to, na paborito ko daw.

Nytpips..til next time

#Unedited

....
"Huli ka!" Dinampot ni Ren si Candice, dalawang araw na rin itong nakakatakas sa kanya. Ngayon nga ay nasa mga kamay niya na ito.

" Yabang bitawan mo nga ako!" Bulyaw ni Candice sa kanya, napangisi lamang siya dahil hindi niya iyon gagawin. Kailangan na makaganti siya dito, mas dumoble pa tuloy ang trabaho niya dahil sa ginawa nito, mas pinahirapan siya ng kanilang instructor dahil sa kagagawan nito.

Nakakainis!

" Asa ka!" Hinila niya ito sa isang bakanteng kwarto. Isinandal niya ito sa pinto, ang talim ng tingin sa kanya nito.Aminin man niya o hindi, ito lang ang babaeng palaban sa kanya, syempre maliban sa kanyang kakambal.

" Nakakainis ka!' Singhal nito. Hinawakan ni Ren ang dalawang balikat nito para hindi makakawala sa kanya.

" Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan? Ng dahil sayo napahirapan ako-"

Tumawa ito ng pagak.

....

" Wow ha, ang babaw ng pinaghuhugutan ng galit mo, saka isa pa, ideya din yun ng kambal mo, sinunod ko lang!" Pagtatanggol ni Candice sa sarili, patawarin sana siya ni Ran sa pagsasangkalan niya sa pangalan nito.

" what?" Hindi yun alam ni Ren.

" Na- naawa  siya sa akin, kasi nga naman iniwanan mo ako..
Buti pa yung kambal mo may puso, ikaw wala!"

Huli na para mabawi  ni Candice ang kanyang nasabi, mukhang mas nagalit pa ito. Nakalimutan niya yung kasabihan na  "stop singing when the baby fell asleep".. yung kadaldalan niya talaga minsan walang mabuting naidudulot.

" Tama ka, wala akong puso. Wala na yung puso ko sa akin, binigay ko na sa babaeng mahal ko." Napalunok siya sa sinabi nito. Tumalim ang lalo ang tingin nito mas lalo siyang idiniin aa pinto.

" Anong gagawin mo?" Natatakot niyang tanong dito.

Ito na ba ang katapusan nya? Putspa naman, ni wala pa nga siyang first kiss mamatay na siya agad?

" Kung ano man ang gagawin ko sa iyo? Hindi ako magdadalawang isip...kasi nga wala akong puso diba? Dapat kasi kinilala mo muna ako bago mo ako binangga." Banta nito sa kanya.

Nasasaktan na siya sa pwersa na binibigay nito sa kanyang balikat.

Pero hindi pwede.

Hindi matatapos ang buhay niya ng ganito na lamang. Kita nya na pahihirapan na naman siya nito.

" Bitaw!" Utos niya.

"Ayoko" winasiwas niya ang kanyang kamay. Hindi niya sasaktan ang mukha nito.

Sasaktan niya ito sa parte na hindi nito malilimutan.

Bahala na!

Basta kailangan niyang makatakas

" Sabi ko bitaw diba?" Nagulat ito ng maramdaman ang kamay niya sa parte ng pagkalalake nito. Nilakasan niya ang loob. Mahirap talaga ito.

Magkakaroon siya ng trauma na dadalhin niya habang buhay,peri kailangan niyang makatakas.

" Anong balak mo?" Namutla ito sa kanyang ginawa. Para sa isang playboy? Nakakamangha.

" Mamimitas ng bugok na itlog"  she gritted her teeth. Binuhos niya ang pwersa sa kanyang kanang kamay  , dinakot at piniga ang alaga nito.

Napahiyaw ito sa sakit, kaya naman binitawan siya...nagkaroon siya ng pagkakataon na kumaripas ng takbo.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon