TLL 17:

48.3K 1.7K 191
                                    

Too tired, gusto ko ng matulog.

#unedited

...

17.

" Sorry, kilala ba talaga kita?" Inulit pa nito ang mga salitang iyon.

"Nagpapatawa ka ba?" Pilit na tumawa si Ren sa inaasal nito pero ang kaharap na babae ay seryoso lamang na nakatingin sa kanya. Para itong nakakita ng alien sa harapan. "Anong hindi ako kilala? Isang linggo ka lang nawala , nagka amnesia ka na? Anong drama yan? Ano nga bang nangyari sa'yo?" Hindi niya napigil ang sarili dahil sunod sunod na lumabas ang mga tanong na iyon, masisira ang ulo niya kapag hindi siya sinagot nito.

"Tsk, Sino ka ba sa akala mo? At saka ano bang paki mo?" Umirap ito at nilampasan na siya, kaya lamang mabilis siyang kumilos at hinarangan ito. Nauntog pa ito sa kanyang dibdib ng dahil doon.

"Aray naman!" Singhal nito sa kanya." Bakit ka ba kasi nakaharang sa daan?" Sapo nito ang ulo. Marahil ganoon katigas ang kanyang dibdib.

"Hindi kana nakakatuwa!" Ganti ni Ren pabalik dito, maging ito rin ba ay pagtitripan siya?" Renzenn Calvin Romualdez, yung mahilig manlibre sa'yo, imposibleng makalimutan mo,  sa gwapo kong ito." Nakahalukipkip na ito sa kanyang harapan.

"Ano ngayon sa akin, kung sino ka? Waka akong paki!" Mataray na sagot nito sa kanyang pagpapakilala, pero bakit nga ba niya ginawa yun? Halata naman na nagkukunwari lamang ito.

"Aba't-" napigil ang sasabihin ni Ren ng sumulpot ang mga kaibigan. Nagsisunod pala ang mga ito.

"Oops, nag-aaway na naman ba kayo? Ngayon nga lang ulit kayo nagkita, nag -aaway na kayo? " si Josh yun na naka-akbay sa kanya.

"Don't tell me hindi mo rin sila kilala? Iuuntog ulit kita kung saan ka nauntog para makilala mo ulit kami." Hindi talaga siya magpapatako dito.

Matalim lamang itong nakatingin sa kanya.

"Ano ba ang ganap?" Curious na tanong ni Josh, pabaling baling ang tingin sa kanilang dalawa. Hinihintay ni Ren na magsalita ito, pero nakahalukip kip lamang ito sa kanilang harapan, inip na inip at iritable ang hitsura sa kanila.

"Walang ganap, Diyan na kayo." Nilampasan na sila nito tuluyan, napanganga na lamang si Ren, susundan sana niya ito kaya lang may pumigil sa kanya.

"Don't. Galit sya sa'yo, yun ang malinaw sa kilos niya." Si Dexter.

"Ba-bakit naman siya magagalit? Maayos yung huli naming pag-uusap." Paliwanag niya kay Dexter. Wala siyang naalalang mali na ginawa nya, masaya silang nagkwentuhan hanggang sa naghiwalay.

"Maayos nga ba talaga? Marami kang hindi alam sa babae," si Josh na napapailing, hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Ren, kahit naman maloko siya, hindi nakaligtas sa kanyang obserbasyon ang sakit sa mata ni Candice.

"Ang arte niya, akala mo kung sino? Buti nga pinag aaksayahan ko siya ng panahon." Giit ni Ren, ngumisi tuloy ang dalawa sa sinabi nito. Si Josh ang nagsalita para sa parehas nilang opinyon no Dexter.

"Yun naman pala eh, nag-aaksaya ka lang pala ng panahon, so ngayon na si Eunice na ang lumalapit sa 'yo, di mo na kailangang mag aksaya ng panahon. Hindi mo na kailangang makipagkulitan at makipag inisan kay Candice. Hindi ka na mag aaksaya ng oras diba? Feeling ko naman hindi natin magiging kaklase si Candice next sem, so hindi na talaga masasayang ang oras mo." Mahabang lintanya ni Josh habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Ren habang dinidinig ang bawat salita.  Nagkaisa sila noong una ni Dexter na kailangan ni Ren ng isang diersion para hindi lamang kay Eunice umiikot ang mundo nito. Dumating si Candice, kabaliktaran ni Eunice ,pero ibang Reng ang nakita nila kapah si Candice ang kausap nito, mas may buhay, mas masaya, mas may ningning ang mata. Akala nila si Candice na yun, kaya naman nagsilbi silang tigatulak. Yun pala sa huli sila ang nagpahamak kay Candice.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon