TLL 42:

46.7K 1.4K 155
                                    

#unedited

...

42.

Candice woke up extra early, may naisip siyang plano bago matulog kagabi  Nakapag isip isip kasi siya, kasalanan din noong quote na shinare ni Jose sa kanyang timeline sa FB, talagang patama sa kanya. Ang loko talaga, ang sabi doon, minsan, hindi sapat ang mga salita lamang, kailangan ng mga kilos para maipakita ang pagmamahal. She is not thinking to do that with him, maraming bagay naman na pwede niyang gawin para dito, kagaya nang mga bagay kung saan siya magaling, pagluluto, paglilinis ng bahay and all.

She brought her backpack, 11 am pa naman ang klase niya, dala niya ang kanyang uniform para mamaya. She wants to spend time with him. Hindi pa naman ito umuuwi sa mansion ng pamilya nito, becauase of a childish reason na nagseselos daw ang daddy nito dahil mas mahal siya ng mommy nito. I mean , sinong ama ang ganoon? Meron ba talaga o ginogood time lamang siya ni Ren, pero because of that reason, may lakas ng loob siyang bisitahin ito dahil sa mag isa nga lamang ito, unlike sa bahay nito na maraming mga mata na nakatingin.

"Gising na ang loko." She smile as she read his morning text. Hindi na siya nagreply tutal malapit na naman ang jeep na sinasakyan niya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito, oo at nainis siya kagabi, pero ramdam naman niya na guilty ito sa sinabi, kaya nga rin hindi siya tinantanan kagabi hanggang sa nakasiguro ito na wala silang problema.

Wala naman talaga kaya nga nandito siya, bumabyahe para naman isorpresa ito. She wants to know his reactions, saka isa pa gusto niya nang sabihin dito ang mga bagay tungkol sa kanyang pagkatao. Kung saan siya nagmula at paano at kung bakit ganoon na lamang ang galit ng ate niya sa kanya. She will share her secret because she trust him, she believe in him, she loves him.

"Good morning manong guard!" Masigla niyang bati doon sa matandang guard, kilala naman siya ng mga staff doon kaya wala na siyang kahirap hirap na tumuloy. Hindi gaya ng karamihan na sinusuri, hinihingan ng ID, syempre for security purposes.

"Ano kayang lulutuin ko sa kanya?" Bigla siyang kinabahan nang makapasok, tatawagin na sana niya ang pangalan ni Ren ng may marinig siyang boses ng babae. Nanggagaling iyon sa kwarto ni Ren. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman habang gumagawa ng hakbang patungo doon, para bang may mangyayaring hindi maganda. Nakabukas ang gilid ng pinto kaya naman nasisilip niya ang nangyayari sa loob, nakaupo si Ren sa dulo ng kama, nasa harap naman nito si Eunice.

"Ren, listen carefully," papalit palit ang tingin niya kay Ren at Eunice, her sense tells her not to butt in, kahit gustong gusto biya nang sirain ang moment ng dalawa,"sorry for lying that I don't like you...the truth is matagal na kitang mahal, una pa lamang kitang makita, mas minahal kita kapag pinapakakita mong gaano ka kabait sa akin....alam ni Dion yun, kaya lang puno ako ng takot... takot na takot akong mahalin ka,"  napatakip siya sa kanyang bibig, napakabigat sa puso ng kanyang narinig...Namulat si Ren na hindi siya mahal ni Eunice, yun naman pala ay mali, mahal siya nito? Pero bakit ? Ano ang kinakatakot nito? Ang sasabin ng ibang tao? Hindi niya maintindihan!

"Why are you saying this now?" Iyon ang naging sagot ni Ren, hindi niya mabasa ang nasa isipan nito, naguguluhan na ba ito? Nalilito? Iiwan na ba siya nito, kasi finally yung babaeng mahal nito ay mahal na rin siya? Maiiwa na naman ba siya ulit, kinagat niya ang kanyang labi para mapigil ang nagbabadyang luha...bakit ganito kasakit?

"Sorry Ren but I can't give you up...I want to show you how much I love you, Please love me again, please own me," Nagmamakaawa ito, tumayo ito ng tuwid at humawak sa laylayan ng damit , napatanga siya sa sunod nitong ginawa,  hinubad nito ang damit sa harap ni Ren na nakaupo lamang. Nasasaktan siya dahil nakatingin lamang si Ren, nasasaktan siya dahil binibigay ni Eunice ang bagay na hindi niya pa kayang ibigay. Nasasaktan siya dahil posible na dito sila matapos, pero hindi siya tatakbo, hindi siya tatakbo na parang duwag at magsisisi sa huli. She will let them know na nakita niya lahat, she will let them know na wala silang karapatan na gawin siyang tanga.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon