TLL 60:

53.7K 1.3K 104
                                    


Si YongPal kasi eh....well nakakuha na ako ng inspiration kay Ron :)

#unedited

...

60

"Ren, I am ordering you to get out, kung hindi tatawag ako ng pulis!" Madiin niyang sabi dito habang kinukuha ang kanyang phone. Kapag hinayaan niya ito ng ganoon na lamang, iisipin nito na wala siyang isang salita, na ayos lang sa kanya ang kinikilos nito.

"Hayaan mo muna ako, ngayon...just let me stay here,I'm so tired." matagal bago ito sumagot, nakatayo lamang siya habang pinapanood ito na nakahiga doon. Ilang sandali pa ay narinig niya na ang mabigat nitong paghinga. Sinuko niya na ang ideya ng pagtataboy dito, sa ngayon...pero hindi bukas, dapat malaman nito na hindi niya palalampasin ang pagpasok nito sa bahay niya. Alam niya kung gaano kakulita at mapilit ito. Kailangan na malaman nito na may linya na naghihiwalay sa mga buhay nila.

Iniwan niya na ito para magtungo sa kanyang kwarto, ini lock niya yun, hindi dahil sa may nagbanta sa kanya kundi palagian niya na iyong ginagawa. Kung bakit ngayon pa natapat na hiniram ni Aimee ang kanyang alaga. Nakapagtataka rin na hindi ito napansin ng kanyang mga kapitbahay, wala din siyang napansin na kahina hinalang sasakyan na nakaparada sa labas. Katulad niya marahil ay nasa casa din ang sasakyan nito. Problema talaga ang hatid nito unang araw pa lamang ng kanilang pagkikita makalipas ang mahabang taon, alam niyang sinadya nito na bungguin siya para mapahinto. Ano lamang ba ang isang sasakyan sa yaman ng pamilya nito? Barya lang. Hindi nito maiintindihan ang sitwasyon ng mga katulad niya, yung mga taong katulad niya na gagawin ang lahat ng bagay para umangat sa buhay. Kaya mas masarap ang tagumpay kapag talagang pinaghirapan.

Kumuha siya ng damit sa closet, pajama at t shirt na mahaba. Matapos siyang maligo at makapagpalit ay hindi pa rin siya dalawin ng antok, ano kaya ang ginagawa ng trespasser sa labas? Kung sana panaginip lamang ang lahat, sana hindi totoo na nandito ito sa lugar kung saan binuo niya ang kanyang sarili at tinupad ang kanyang mga pangarap.

Kung hindi talaga ito panaginip, sana umalis na ito bukas.

...

"Sinta?Sinta?Good Morning Sinta ko!" Unti unting dinilat ni Ren ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang pananakit ng kanyang katawan, partkular sa kanyang likod. Para siyang nakipag wrestling, bumaling siya sa kanyang gilid, kaya lamang hindi niya inaasahan na mahulig siya.

"Damn it!" Napaupo siya habang iniinda ang kanyang katawan na tumama sa center table. Saka niya naalala na wala pala siya sa kanyang kwarto, nandito nga pala siya sa bahay ni Candice. Ni hindi man lamang naawa sa kanya ang babaeng iyon , ni hindi man lamang siya inalok na matulog sa kwarto.

"Sinta! Good Morning!Gising ka na ba? Bibili ako ng malunggay pandesal, magpapabili ka ba?" Muli na naman niyang narinig ang nakakairitang boses na iyon, buong akala panaginip niya lamang yun pala boses yun ng kung sino na nagwawala sa labas.

"Sino ba yung boses palaka na iyon?" Sumungaw siya sa pinto, nakita ang isang lalaki na may hugis itlog na ulo...bilugan na katawan at sira sira ang ngipin sa harapan. Nakadungaw ito sa may gate.

"Sinta , Yoo hoo!"  Napahawak siya sa kanyang labi habang nakakunot noo nakatingin sa lalaking maingay. Well obviously ginigising nito si Candice. It's still early, 5:45 pa lang ang oras, at kung magpapatuloy ang pagsigaw  nito talagang magigising si Candice.

And wait, bakit nito tinatawag na sinta si Candice?

Sinuot niya ang kanyang pang itaas, hindi na siya nagdalawang isip pa at nilabas na ito.

"Sino ka ba?" Nilapitan niya ito.

"Si-sino ka ba?" Sinagot nito ng tanong ang kanyang tanong.

"Ako ang unang nagtanong." Giit niya dito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon