TLL 44:

45.9K 1.2K 77
                                    

#unedited

...

44.

Puno  ng tanong ang isipan ni Candice, sino ang babaeng kasama ni Eunice? Ano ang ugnayan ng dalawa? Bakit galit na galit ito at sinaktan si Eunice? Iyon siguro marahil ang dahilan kung bakit ayon sa mataray na babae nagtatago si Eunice. Kita niya ang takot sa hitsura nito habang pasakay ng sasakyan, tapos sabay pang umalis ang dalawa. Marahil kilala ni Ren kung sino ang babaeng iyon, hindi niya rin naituloy ang balak na kausapin ito.

"Hello mahal tapos na ba ang klase mo? Bakit di ka nakasagot?"  Iyon ang bungad sa kanya ni Ren pagkasagot sa telepono.

"Sorry," occupied kasi ang utak niya at di niya namalayan  na nag ba vibrate na pala ang kanyang phone, madalas kasi itong naka silent mode.

"Okey lang. Saan ka, sunduin kita may pupuntahan tayo," yaya nito sa kanya. Wala naman siyang klase, off niya rin sa trabaho, maaga pa naman, saka gusto niya rin itong tanungin tungkol kay Eunice at doon sa babaeng mataray na nang api sa kanya sa trabaho. Yung nagpahiya sa kanya at nanakit kay Eunice ay iisa, kaya naman hindi talaga siya mapalagay. Mukha kasing matigas pa sa bato ang babae.

"Okey, hintayin kita, dito sa parking lot," malambing niyang sabi dito. She wanted to see him too. Tuwing naalala niya yung nangyari sa kanila sa condo nito ay nahihiya pa rin siya, ang landi ay manyak kasi ni Ren, kung ano ano ang itinuturo at pinaparamdam sa kanya. Just wow.

"No need, di mo na kailangang maghintay," ramdam niya na ang pagngisi ng mayabang sa kabilang linya.

"Bakit naman?"

"Because I'm right here in front of you." Napatingin siya sa harapan, nandoon nga ito at mayabang na nakatayo doon. Pinatay nito ang phone at mabilis na lumapit sa kanya. Agad din nitong hinapit siya sa beywang at ginawaran ng halik sa labi. Walang pakelam kung nasa school sila o may makakita pa.

"Tama na, di na ako makahinga," daing niya dahil para lamang itong gutom na ayaw pakawalan ang kanyang labi. Tumawa naman ito at pinahid ang kanyang labi.

"Kailan mo kaya sasabihin na, sige pa kahit hindi na ako makahinga," ginaya pa nito ang tono ng kanyang boses, nahampas niya tuloy.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya, inakbayan siya nito at kinuha ang kanyang shoulder bag, madalas nila itong pagtalunan dati...hindi porket may boyfriend ka may tagabitbit ka na rin ng gamit mo...hindi naman mukhang sweet yun, kaya nga ang siste, inaakbayan siya ni Ren para mabigatan daw siya ay ibigay ang bag sa kanya. Na hindi naman niya ginagawa. Sanay na siya sa mga nakakabaliw na pakulo at pauso nito.

"Basta, halikan na?"yaya nito.

"Halikan ka diyan?" Kinurot niya ito.

"Mahal nabibingi ka na, halika kaya ang sabi ko, hindi halikan, pero kung gusto mo naman bakit naman kita bibiguin. I will be your handsome genie and you wish is my command!" Buong pagmamalaki na sabi nito. Candice just rolled her eyes.

"Ewan ko sa'yo," tawa lamang to ng tawa hanggang sa makarating sila sa nakaparada nitong kotse, pinagbuksan siya nito ng kotse. Nang nasa loob, tanaw niya ang mga kababaihan na nakatingin sa kanila, kita niya ang panibugho sa mga ito. Kaninang nasa labas, hindi naman niya napansin ang mga iyon,  pero ngayon nasa loob kitang kita niya ang inggit sa mga mata ng mga ito. Pero sorry na lamang sila, sa kanya lang nakatingin si Ren.

"I love you Ren," bigla tuloy itong na papreno, bigla na lamang din kasing lumabas iyon sa kanyang bibig.

"Shit! Wag ko naman akong pinapakilig ng bigla, lumalandi ako lalo baka halikan ulit kita mula leeg pababa!" Banta niyo na tinawanan na lamang niya. Napapailing na lamang siya, hindi niya alam  na may ganito palang presonalidad ang nobyo.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon