TLL 25:

52.2K 1.3K 47
                                    

#unedited

...

25.

"Pag nagkasakit ka ulit,I will kill you!" Yan ang bungad niya kay Jose pag pasok nito.

"Eh di hindi na ako magpapagaling, papatayin mo rin pala ako? Sayang mamamatay akong virgin!"Tawa naman ito ng tawa, alam niyang nakuwento na ni Michelle ang nangyari sa kanya noong Biyernes, wala ng nililihim si Michelle dito.

"Balahura."

"Hala ka nilalapitan ka na ulit, magkakasakit ka na naman sa puso," tukso nito. Nakakainis. Pero sana hindi naman na maulit, sisiguraduhin niyang  laging nasa tabi niya si Jose.

Habang nasa bus, gustong gusto niyang tusukin ang mga mata nito dahil ramdam niyang nakatingin sa kanya.

"So muling ibalik ba ang tamis ng pag-ibig?" Muling tudyo nito.

"Walang ibabalik kasi wala naman." Gusto niya ng maialis ang topic na yun, pag aaral ang kanyang priority. Hindi kasama doon ang may sapak na si Ren Romualdez, kahit pa nilito na naman siya nito.

...

"Lapad ng ngiti ah," tinutukso na naman siya as usual ng number one na mapang -asar na kaibigan. Umuupo ito sa kanyang tapat, nasa loob siya ng canteen.

"Ano, kumilos na ba?" Pahabol ni Dexter n tumatabi dito. Nilapag nito ang bag sa mesa.

Ngiti lang ang sinukli niya sa dalawa. Matapos ang masaya nilang eksena sa bus ay tahimik na si Candice hanggang sa makauwi. Ngiting ngiti naman siya habang nag goodnight dito kahit kamao ang naging sukli sa kanya. Hindi naman siya sinuntol, inambahan lang. Sa sobrang nakulitan nito sa kanya ay nawalan ng dila. Matapos noon nagpasundo lamang siya sa kanilang driver, nakaabang na 'yun sa kanto actually.

Masaya siya hanggang pag uwi kaya lang sinalubong siya ng katarayan ng kakambal. Medyo may di pagkakaintindihan ito at si Yuan, he once provoked Yuan, nagalit ito syempre, siya naman ay nasiyahan sa reaksyon na nakuha niya dito. He needa to prove him every single day na tama na ipagkatiwala si Ran dito. If he can't handle her, he better leave her this early.

"Ang daya ayaw magsalita," nakalabi si Josh na parang bading. Nagulat sila ng biglang may bumatok dito.

"Aray!" Reklamo niyo, ang sama ng tingin nito sa babaeng nanakit. Salubong ang kilay nito, nakaputi itong uniform.

"Psychotic, eto na cellphone mo, galing mo makautos kala mo hindi busy yung tao!" Hinampas ng babae ang cellphone sa dibdib ni Josh, umaray ulit ito, umalis naman ang babae habang sinigaw ni Josh ang pangalan nito.

"Jaraaaaaa!!!"  Nagkatiginan naman si Dexter at Ren.

"Anong course noon?" Ren asked.

"Psychology yung bagde," napatango siya at napangisi sa naisip. Sinisipat naman ni Josh ang phone nito.

"Ang psychologist at ang psychotic, what a match hahaha," nagtawanan silang dalawa habang nasusuya naman si Josh sa mga ideya.

"Tigre yun no, wag mo akong ilinya doon, kapitbahay namin, konting pabor lang, ang sobra magreklamo,"

"Sinabi mo eh, bakit mga sadista yung mga babae ngayon?"

Sasagot sana siya sa  sinabi ni Dexter ng makatanggap ng mensahe galing kay Ran, nagpapasundo. Mabilis siyang umalis sa sobrang kaba. Iba ang kanyang pakiramdam, true to his words bad mood nga ito. Nakita nya si Yuan at isang babae na dahilan ng ikinangingitngit ng kanyang kapatid. Hindi na siya nagsalita dahil nararamdaman niya ang pagsabog nito. Pag uwi sa bahay ay sumenyas siya sa mga kasambahay na behave dahil naggagalit ang dragon, mabilis naman nawala ang lahat. Ganito kalaki ang takot sa kanyang kakambal, tingin pa lamang ay kinaiilagan na.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon