TLL 33:

49K 1.4K 50
                                    

#unedited

Busy talaga ako...basahin nyo na lang pag tapos na, i don't need complains...

#sabaw
...

33.

Ren stare at his phone habang nakahiga sa mahabang couch sa kanyang condo, nandoon pa rin ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. He took Ran's advice na lumayo muna sa natatanaw ng kanilang daddy hangga't sariwa pa ang inis nito sa kanya. Ang kanilang honey kasi ang tiyak na maiipit, which he hate and enjoy at the same time. May mga bagay talaga na kapag kinalakihan mo na, mahirap mo nang maialis sa iyong sistema.

Ang nakakatuwa pa doon, hinatid siya ng ama hanggang sa kanyang kotse, kung nabasa niya lamang sana noong una pa ang hidden agenda nito na bigyan siya ng isang unit sa kanilang building. Too late, pinaghirapan niya rin yun bago nakuha.

And now, he wants a company. Nakakabaliw ang mapag isa, kaya naman kinausap niya yung babae na papawi sa kanyang kalungkutan.Naks! Kanya lamang mukhang busy ito.

But still, sana naman maisingit ang kanyang kalungkutan.

"Hay,My Darna, What are you doing to me?" Sinulyapan niya muli ang kanyang phone pero wala namang reply na sumunod. Napakagat pa muli siya ng labi, kaya lamang wala naman ma compose na kung ano sa kanyang isip.

Type.Delete.Type.Delete.

"Ang corny naman masyado kung 'yun ang sasabihin ko," napaupo siya at napasabunot ng kanyang buhok. Ano nga kasi ang mga tinuro ng baliw na si Josh sa kanya? Naisip niyang tawagan ito.

"Hello, where are you?Punta ka dito sa bahay-" hindi pa nga siya nangangalahati sa kanyang sasabihin nang pinutol na nito.

"Sorry dude, pass muna ako sa pagiging numero unong kaibigan, sinasamahan ko si kumander na magshopping, alam mo na nagpapaka good son." Tumawa ito, kung may pinagkakaparehas silang magkakaibigan, yun ang pagmamahal nila sa kanilang mga ina.

"Okey."

"Tawagan mo na lang si Dexter." Yun nga ang ginawa niya pagkatapos nito.

"Hello, saan ka?"

"Ah, nandito sa ano,nag aano ng ano..." napakunot ang noo niya, kailan pa ito naging tagahanga ng salitang ano.

"Anong bang ginagawa mo, puntahan mo ako dito sa bahay ko,"

"Ren kasi," nagpapaliwanag ito ng may marinig siya sa kabilang linya, "bestfriend gusto ko ng balot!"

Nag-uutos, babae....at ang boses ay pamilyar na pamilyar sa kanya!

"Don't tell me, totoo yung sinabi mo sa amin ni Josh noong nakaraan?Hindi ka talaga nagbibiro?" Paglilinaw niya dito, akala niya biro lamang yun!

"Ano,kasi..., saka ko na iiexplain, wag ka sanang magalit, sige may inuutos na siya." Napahiga siyang muli sa kama sa nalaman, information overload?Paano ng mangyayari? Ni hindi pa nga graduate ang dalawa, ano na namang kabaliwan ang pumasok sa babaeng yun? Kakalbuhin yun ng tatay nito kapag nalaman ang nangyari!

At si Dexter, alam naman niyang! Mukha hindi niya yata maipapangako na hindi magalit dito, pero sino siya para manghusga sa dalawa.

Napawi ang kanyang pag -iisip ng may marinig na doorbell. Tamad siyang bumangon para pagbuksan kung sinuman ang nag aabala sa kanyang oras ng pagmumuni muni.

"Anong?" Napatigil siya sa pagsasalita, ang kaninang iritable niyang hitsura ay napalitan ng malapad na ngiti.

Paanong hindi, dumating na ang kanyang gamot. Heto na at dineliver ang kanyang sarili sa kanyang harapan.

...

Nakajacket siya. Kahit mainit ang panahon, pinili niya talagang magsuot ng jacket, mahirap na, sa panahon ngayon? Kapaling ng may sayad na yun? Mahirap na talaga.

Pero sabi nga naman ng kasama nila sa trabaho na may mga berdeng pag-iisip. Walang bagay na mahigpit at masikip sa mga taong nagpupumilit sumiksik.

Hinindian niya na ito, pero heto siya at nakatayo sa harap ng lalaki na ito, gulat na gulat nga ito pagkakita sa kanya. Dumating naman kasi ang ate niya, buti at hindi na ang -usisa ang tatlo niyang pamangkin kung kanino galing ang mga pizza, ang naisip ng ate niya siya ang bumili ng meryenda para sa mga anak nito. Hindi na niya iyon itinama pa.

"Ano,"napakamot ng batok si Candice, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"Ano?" May mapaglaro itong ngiti sa labi.

"Sa-salamat sa pizza." Pinagpapawisan ang kanyang ulo, naka cap din kasi siya, nararamdaman niya ang pawis na tumatagaktak sa kanyang ulo. Nagpapaypay siya gamit ang kanyang kamay.

"Bakit ka kasi balot na balot?"

"Trip ko lang bakit ba?" Tumatawa ito sa kanyang sagot,habang binubuksan ang pinto, ng makita siyang hindi humahakbang ay lumapit ito para hilahin siya. Agad niyang pinalis ang kamay nito na ikinagulat naman nito.

"Wag tayo dyan sa loob....ano mamasyal na lang tayo!" She suggested, tumaas naman ang isang kilay nito. Napaisip sandali.

"You want us to date?"pilyong wika nito. Napaawang naman ang kanyang labi, ang siste para siya pa ang nagyaya!

"Okey that, mas exciting yun, but still , pumasok ka pa rin, magbibihis ako!" Hindi na siya nakaiwas ng hilahin siya nito. "You can sit here or if you want you can watch me change." Inambahan nya ng suntok ang panunukso nito.

"Sapak you like?!" Tumawa na naman ito.

"Sabi ko nga mauupo ka lang diyan, pero kainis naman eh, balot na balot ka....pero magagawan naman yan ng paraan mamaya." Tatawa tawa ito habang pumapasok sa isang kwarto. Siya naman ay naiiling na naupo ba lamang doon. Nililibang niya ang sarili sa pagmamasid sa kabuuan ng unit nito. Not in her wildest dream na magkaroon ng ganito. Buhay nya naman no, may mga tao na hindi na nahihirapan na makuha ang mga iyon, like Ren. He has everything, complete family, wealth, the looks. Napaka plastic naman niya kung hindi niya aaminin sa sarili na talagang gwapo ito, kung hindi lamang talaga kayabangan ang una nitong pinakita sa kanya, marahil noong unang beses na nakilala niya ito ay nag kakacrush na siya dito...pero hindi, masyadong mayabang kasi, pero noong nakita naman niya ang good side nito, di niya napigil ang sarili. May mga nangyari na nagpatigil sa kanya, pero ngayon, heto at siya na ang lumalapit.

"So let's go!" Napalingon siya dito, napanguso siya dahil kung siya balot na balot, ito naman mukhang init na init. Naka sando ito na puti , naka green na pants na nakatupi at red na shoes.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Nakangisi naman itong lumapit sa kanya. Kinurot nito ang tungki ng kanyang ilong.

"Para kapag nilamig ako, madali lamang sa'yo ang bigyan ako ng body heat!" Hinampas niya ito sa dibdib.

"Aray!" Kinuha nito ang kanyang cap at sinuot, saka niladlad ang kanyang humahaba ng buhok. Hindi na rin siya nagulat ng bigla siyang yakapin nito. Napapailing na lamang siya sa mga pasimpleng moves nito.

"Yung shampoo mo talaga," kinurot niya ito sa tagiliran, pero hindi pa rin siya binibitiwan nito.

"Nakakainsulto ka na ha! Sinong babae ang matutuwa kapag ininsulto mo ang ginagamit niyang shampoo, branded man yun o hindi." Tumigil ito sa pagkayap sa kanya, hinawakan nito ang kanyang pisngi.

"Kaw talaga, yan nga ang dahilan kung bakit gusto ko na yun ngayon...I really love your smell around, feeling ko nasa loob ka rin ng banyo kasama ko."

"Bastos ka kamo, alam mo?" Magkahinang ang kanilang mga mata, paano ba siyang makakaiwas kung matamis itong ngumingiti sa kanya? Nandoon ang mapaglarong ngiti, ang nakangising mga labi, pero bakit nahahawa na rin siya.

"Ano magtitigan na lamang ba tayo dito?Okey lang sa akin..." at kumindat pa ang mokong.

Baliw talaga.

...

Tbc





The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon