TLL 11:

49.4K 1.4K 57
                                    

Hindi ako makakapanood ng tamang panahon concert...
Mas malala typo ko, phone lang ako nag uupdate, nasira si lappy...iniwan ng battery.

#unedited

...

11.

Humakbang paatras si Candice, natatakot siya sa totoo lang, nawala yung tapang na matagal niyang inipon, nakayuko siya habang pinapahid ng likod ng palad ang kanyang bibig. Inilapat lamang nito ang labi sa kanya, pero nagulo na noon ang kanyang sistema.

"Hindi mo dapat ginagawa 'yun, hindi sa lahat ng pagkakataon gusto mo ang masusunod." Matigas niyang sabi dito.

"Ano-" hindi nito magawang maituloy ang sasabihin, iyon din ang nagtulak sa kanya para tignan ito. Kagat nito ang labi, animoy nalilito rin sa inasal.

"Ang kulit mo kasi eh, saka kiss lang naman yun, maswerte ka nga at nahalikan kita....kung gusto, kung gusto mo bawiin mo, ngayon na!" Sigaw nito sa kanya, laglag ang kanyang panga sa sinabi nito.

Kung baliw ito...di hamak na mas baliw siya dahil nagkakagusto siya dito.

"Siraulo." Tinalikuran niya na ito...walang ng patutunguhan ang kanilang usapan, gusto niya ng makalayo upang bumalik na sa normal ang tibok ng kanyang puso.

"Saan ka pupunta?"

"Basta sa lugar kung saan wala ka!" Singhal niya dito.

"tapos anong gagawin mo, babalik ka doon ,sasayaw? Ipagmamayabang mo na parehaa kaliwa ang paa mo? Bakit hindi ka na lang magwala?!" Marami pa itong sinabi pero desidido na si Candice na umalis dito, yayain niya na si Michelle na umuwi sa ayaw o sa gusto nito, bahala na si Aura tutal sanay naman na ito.

...

"Nakakainis na babae,!" Bwisit na bwisit si Ren, naiinis siya dahil lagi na lamang itong nag wawalk out kapag kausap niya. Pumasok din siya sa loob, kahit pilit itinatanggi, ang mga mata naman niya ay naka pokus dito, lumapit ito sa isang babae, nag paalam sila sa isa pa bago sabay na umalis. Sinundan niya ang dalawa kung saan papunta, pumara ito ng taxi, sinundan niya kung saan papunta iyon, thirty minutes din ang byahe bago bumaba sa isang bahay. Sabay na bumaba ang dalawa. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ginagawa niya ang pagsunod na ito, siguro may guilt feeling siyang nararamdaman sa pag iyak nito kanina, kasama na din yung paghalik na ginawa niya dito.

"Aish!"napakamot siya sa ulo.Binuhay niya na muli ang makina, paalis na sana siya ng mamataan ang paglabas ni Candice mula sa bahay, nakabihis na ito ng normal, tee shirt at pantalon, yung palagiang get up nito. Tumakbo ito , ni hindi nga nito pinansin ang kanyang kotse na, imbes na taxi, bus ang sinakyan nito.

"Saan naman siya pupunta ng ganitong oras? " mag hahating gabi na rin kasi, delikado para sa isang babae ang mapag-isa, pero.matapang ito at hindi iyon alintana.

Sinundan niya kung saan tumigil ang bus, bumaba ito sa isang waiting shed, mula doon nag umpisa itong maglakad, marahan ang kanyang patakbo habang nakasunod dito, nagmunukha siyang si Phin na laging nakasunod sa kaniyang kapatid na si Ron.

Huminto ito sa tapat ng isang two storey house, puti ang gate noon, pumasok ito sa loob.

Somehow he feel safe. Maayos itong nakauwi.Alam na rin niya kung saan ito nakatira. It's time to go home.

"You look stupid twin," napahawak siya sa dibdib. Bigla na lang kasing sumusulpot si Ran, nakapantulog pa itong puti na parang white lady. Nauhaw kasi siya kaya sa kusina siya dumiretso.

"Kailan ba ako hindi naging stupid sa'yo? " ingos niya dito. Humila siya ng bangko para maupo.

"Good to hear that." Masungit na sabi nito, humila din ng bangko at naupo sa kanyang tapat.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon