TLL 3:

63.8K 1.6K 59
                                    

***

3.

Nagyaya si Josh na lumabas, umuwi siya sa bahay para ,magbihis, para na rin makapag paalam sa kanyang honey, kahit malaki na close pa rin siya sa kanyang honey o mommy, hindi na magbabago ang tawag na iyon, kinalakihan niya na. Baka siguro kahit makapag-asawa na siya, tatawagin niya pa rin na honey ito, hindi naman siguro ikasasama ng loob ng kaniyang magiging asawa kung honey oa rin ang tawag niya sa kanyang mommy. Kung sino man yun, na sana nga si Eunice, sana mahalin din nito ang kanyang honey kagaya ng pagmamahal niya, igalang at gawing modelo.

Hindi naman siguro masama na kahit hanggang ngayon si Eunice pa rin ang pumapasok sa kanyang utak kapag naiisip ang kanyang hinaharap. Mula ng magbinata , ito na talaga kahit noon pa.

" Honey, lalabas lang po kami ng mga friends ko!, " lambing niya sa ina habang nakayakap sa likod nito. Nakasimangot ang kanyang kapatid na si Rojan na kaharap ng kanilang honey, may sinasabi ito at nakigulo siya kaya nawala ang atensyon nb honey nila dito.

Tinaasan siya ng kilay ng ina, alam na kasi nito kung saan siya pupunta.

"Just remember that-" umpisang bilin nito na itinuloy niya naman.

" Don't be a jerk like my handsome father." Natawa naman ito dahil sa salitamg handsome na idinagdag niya.

" Kung narinig niya ang papuri na yan mula sa'yo, I'm sure he might dance in happiness."

"Don't bother mom, lalo lalaki ang ulo ni dad." Putol niya sa iniisip ng kanyang honey.

" kayo talagang mag-ama, mahilig kayong pumuri sa isat-isa ng palihim," hinaplos nito ang kanyang pisngi at pinaggigilam. It's good to feel that he will always be her Ren, kahit may Ran, Ron or Rojan, pakiramdam niya siya pa rin anv pinakamalapit at nakakaintindi sa kanyang honey.

Siya yung mahilig mambulabog at manggising dito sa umaga, siya pa rin amb malambing na anak, siya yung nakaabang kapag darating na ito galing trabaho, at magpapagaan sa loib nito para maibsan ang sobrang pagod.

Yung rivalry nilang mag-ama, kinalakhan na nila 'yun, madalas petty things lang naman, masarap kasing inisin ang kanyang daddy, lagi lang naman ang sentro noon ay ang kanyang mommy, at doon paulit-ulit niyang napapatunayan kung gaano kamamal ng kanilang ama ang kanilang honey.

Iyon lang masaya na siya, doble pa kapag nakikita niyang masaya ang kanilang honey.

"Finish ka na kuya? May kukuwento pa 'ko kay honey ko." Lumala na ang pagkasimangot ng kanilang bunso. Kailangan nya na rin umalis kaya hindi na ,una siya mang-iinis.

"Yan, pahiram ko muna si honey sa'yo." Iniharap niya ang kanilang mommy dito. Mabilis naman itong nangunyapit sa beywang, natatawa na lamang ang kanilang honey sa ginawa nito.

"Take care son."

"I will."

...

Dinaanan niya si Josh sa bahay nito, padabog itong pumasok sa kanyang kotse, bad mood na naman ito.

"Di ako magdadala ng kotse, di naman ako makakadrive pag-uwi," he stated the obvious, lagi naman kaya hindi na siya nag-abala magtanong.

Bad mood ito.

"Away kayo?"

"Ano pa nga ba? Sinunod ko na nga ang gusto niyang kumuha ng Management, pati ba naman kung sino ang dapat kung magustuhan?" Umiling na lamang siya, may pagka match maker kasi ang mommy nito.

"Ok lang yan, malapit na daw si Dex.'' May sarili din siyang reklamo kanyang medyo perpekto na sanang buhay.

Kung sana lang, gusto rin siya ni Eunice, hindi sana sasakit ang ulo at kikirot ang kanyang puso.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon