TLL 37:

48K 1.4K 63
                                    

#unedited

...

37.

"Okey lang ba ang suot ko?" Kinakabahan na tanong ni Candice, napakagat labi siya habang hinihintay ang reaksyon ni Ren. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa."Huy, ano na?!" Naiinis na siya dahil ayaw nitong magsalita.

"Ikaw ba yan mahal? At naka dress ka talaga?" Manghang tanong nito.  Nakalabi siyang tinignan ang sarili, nakakainis dahil mukha itong hindi nasiyahan sa kanyang suot, sa kabila nang napilitan siyang magsuot ng dress na napili ni Michelle. Ganoon daw ang uso, conservative type katulad na lamang ng suot ng pamosong artista sa tanghalian. Bagay na bagay daw sa kanya, pero hindi naman yata. Hindi niya kasi nakikitaan na nagagandahan si Ren.

"Magpapalit na ba ako? Pangit ba? Mukha ba akong ewan?Clown or what?Nakakainis ka naman eh!" Bigla naman itong tumawa, niyakap siya at hinalikan sa noo.

"Maganda kaya...Akalain mo may tinatago ko palang ganyang ganda? Itago mo na lang para di makita ng iba, para ako lang." Nakurot niya ito dahil niloloko na naman siya. Heto siya at kabang kaba dahil makikilala niya na ng pormal ang parents nito, mula Lunes hanggang Biyernes ay wala itong tigil sa pangungulit sa kanya.

Paano nga ba siya napaoo?  Natalo lamang siya, sa the greatest game of all time!

Jack en poy.

Nakakaasar na gunting, bakit kasi hindi kayang gumupit ng bato.

Natatandaan niya kung gaano kabait ang mommy nito, ito ang umasikaso sa kanya noong iniwan siya ni Ren sa paggawa ng kanilang project. Kilala siya bilang kaklase nito...ngayon ipapakilala siya bilang kasintahan nito, at yun ay nagpapakaba sa kanya.

"Nakakainis to!" Hinawakan ni Ren ang kanyang mukha, napatitig tuloy siya sa mga mata nito.

"You're beautiful Candice, inside and out and maswerte ako dahil nakita ko yun...hindi mo rin kailangan na magdamit ng hindi ka sanay, hindi mo kailangang baguhin ang style mo, o ang ugali mo. My family will surely like you because you make me happy and complete. Pero since nagdamit ka na ng ganyan, panindigan mo na rin." Hinila na siya nito palabas.

Siya lamang ang tao sa bahay, nagpunta kasi ang ate niya at pamilya nito sa parents ng kanyang kuya Rico, nirerequest rin ni Ren na dapat next time ito naman ang ipapakilaka niya sa kanya ate. Although dapat naman as a respect, iniisip niya pa rin na hindi iyon magandang ideya. She knows her ate too well. Hindi ito magdadalawang isip na ipamukha kay Ren kung gaano ito kamalas dahil siya ang pinili.

"Relax ka lang kasi." Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang kamay habang tinatahak nila ang daan patungo sa bahay nito.

Paano nga ba siya kakalma?

"Dapat siguro bumili ako ng regalo, what do you think?" Nakakahiya kasi na wala siyang dala na kahit ano...parang pupunta siya sa giyera tapos wala siyang dalang baril.

"No need,kasi ikaw lang, regalo na para sa akin." Nakangisi itong sumulyap sa kanya, gumanti siya ng pisil sa kamay nito. She's too overwhelmed with his words, kahit na minsan napaka imposible pa rin na ganoon ang epekto niya dito.

Sa dinami dami talaga nang mga babae, bakit sa simpleng kagaya niya. Saan nga ba sila nag umpisa? Asaran, pikunan? Habulan....but look at them now, hinihiling niya na sana magtagal ang pag ibig na ito. Sana kasama niya at suportahan siya ni Ren sa pangarap niya.

"We're here." Bumaba na si Ren para pagbuksan siya ng pinto ng kotse nito. Ni hindi niya napansin na nakapasok na pala sila sa malawak na hardin nga mga Romualdez.

Nag aalangan na inabot niya ang kamay ni Ren.

"Lamig ng kamay natin, " nang iinis pa ito sa kanya, hindi niya na inintindi yun dahil nalulula siya sa laki ng bahay nito. Mas gumanda pa lalo kaysa noong unang punta niya dito. Sinalubong sila ng mga katulong.

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now