TLL 62:

52.9K 1.3K 91
                                    

02/16/2016

#unedited

...

62.

She refused the car that he gave. Alam naman niya na iyon ang mangyayari yet he still pursued it, after all he is taking every oppurtunity just to be with her. Hindi na rin naman siya makapag concentrate sa trabaho kaya naman bumaba na lamang siya ng Balanga para makita ito, o pwede rin sabihin na gambalain si Attorney C in every possible way. Ganoon nga kasi ang ipinaparating nito sa kanya base sa tingin nito ngayon. Isa  Nagpapasalamat na rin siya sa mahabang tainga ng kanyang personal assistant na si Portugal, narinig nito na lalabas daw si Candice at ang abogadong yun! Naipahiram niya na ito ng matagal na panahon, ngayon at nandito na siya hindi niya na hahayaan na magka moment pa ang dalawa. He may be an asshole and a jerk for losing her but he will be twice and asshole and twice a jerk if he can't have her back. No one may understand him, hindi man siya manghihingi ng pang unawa, pero sapat na may isang tao na naniniwala sa kanya na para sila ni Candice, na ang panahon na nasayang at nawala sa kanila ay pwedeng magawan ng paraan. Pwedeng gumawa ng mga bagong ala-ala para hilumin ang mga sugat.

The only person who trust him? Yung unang tao na nagmahal sa kanya hindi pa man siya sinisilang, hindi pa man siya nakakagawa ng tama o ng mali.

His mother, his honey.

"Let's go, wala kang sasakyan, kaya sinusundo na kita. I can fetch you everyday, walang problema sa akin" nakangiti niyang turan dito. Irap naman ang kanyang natanggap, ang babaeng ito talaga na master na ang sexy na pag irap sa loob ng pitong taon.

"Well malaking problema iyon para sa akin, ayoko kasi ng may mukhang aso na nakabuntot."

"Ano?" Napabuga siya ng hangin sa narinig, "Itong mukha na ito , mukhang aso? Wow malabo na rin ang mata mo, kailangan mo na rin na magpatingin pala."

"Mayabang as always," bigla na lamang itong tumalikod at pumara ng tricycle, wala na syang nagawa kaya naman sinundan niya na lamang ito gamit ang kanyang sasakyan.

"Ang gwapo ko namang aso," sa isip isip niya habang tinitigan ang sarili sa rearview mirror, maging sa lugar na ito ay traffic na rin pala, nahawa na sa traffic ng Manila.

Pupuntahan niya na lamang ito sa bahay, he'll see what he can do.

...

"Ito po ang bayad." Abot niya sa tricycle bago bumaba, buti na lamang talaga at may napadaan agad na tricycle. Iniwan niya ang makulit na hambog sa parking ng Capitol, alam niyang hindi ito titigil kaya naman dapat mapaghandaan niya kung anuman ang maisipan nitong gawin. Hindi niya sukat akalain na sa isang iglap gugulo na naman ang kanyang buhay, kung bakit ba kasi napadpad sa lugar na ito ang yaman ng Romualdez? Madami namang probinsya sa bansa pero dito pa sa lugar kung saan niya muling binuo ang kanyang mga pangarap.

"Hello, oo sige magkita na lamang tayo doon," sagot niya kay Greg, nasa opisina pa man ito samantalang siya ay namimili ng damit na isusuot. She wanted to look pretty for him, yung hindi mukhang abogado na lagi niyang suot sa opisina. Gusto niyang maging ordinaryong Candice ngayon.

"Loko talaga." Nakarinig siya ng ingay ng sasakyan kaya naman sinilip niya iyon sa bintana, wlaang duda,  bumaba si Ren mula doon. Napailing na lamang at kumilos na kaagad , ayaw niyang paghintayin si Greg, wala siyang pakealam kung sinong hudyo ang nasa baba. Aalis din ito kapag napagod, sisiguraduhin niya na hindi na ito muli makakapasok sa kanyang bahay.

...

Lumapit soya sa gate ng bahay ni Candice.

"Candice?" Tawag niya sa pag asang lalabas ito para sa kanya.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon