TLL SC 2: triple rumble blissful

44.2K 1.2K 72
                                    

happy @2million reads Ren and Candice

#unedited

TLL SC 2:

Nasa gitna ng board meeting si Ren ng mag ring ang kaniyang mobile phone, sinilip niya at nang makitang ang kanyang asawa ang tumatawag ay sinagot niya ito.

"Yes sweet.." naputol ang kanyang sasabihin sana dahil sa galit nito sa kabilang linya.

May ginawa ba siya?

Mali pala.

May ginawa ba ang tatlo?

"Napa away ang triplets, nandito ako sa school nila. Nakakainis bakit ba mana sila sa'yo?" hindi niya mapigil ang matawa sa frustrations ng kanyang asawa. Saka niya napansin na nakatingin na pala sa kanya ang board.

"Pauwi na ako." He said his goodbye. He dismissed the board after few more words. Kailangan niya nang umuwi dahil may ginawa na naman na kung ano ang tatlo, mahirap talaga kapag puros mga lalaki. Kailangan niya nga puntahan ang asawa baka masipa siya mamaya palabas ng kwarto kapag hindi pa niya ito ni rescue. Limang araw ngang walang bakbakan dahil sa period nito, tapos ngayon mukhang mainit pa ang ulo dahil sa kanyang mga gwapong anak na syempre manang mana sa guwapo nilang ama. Hindi naman sa nagbubuhat siya ng bangko.

"Sir, nakahanda na po ang sasakyan sa baba." Ang kanyang sekretarya. Tumango lamang siya dito, kasunod niya naman ang kanyang personal assistant na si Portugal. Sino mag aakala na hanggang ngayon ay kasunod niya na ang loko.

Alam na ni Portugal ang ugali niya.

"Kumusta yung mga bata?" tanong niya ng makasakay na sa kotse, nasa backseat siya habang niluluwagan ang tie. Si Portugal ang katabi ng driver sa harapan.

"Sir yung mabilisan o detalyado?" tanong ni Portugal

"Detalyado."

"Okay at 2:00 pm ay nagkaroon po ng breaktime amg mga estudyante, may isang pong kaklase ang mga triples na inaasar ng nasa higher grade. Hindi po nagustuhan ng tatlo kaya naman sumagot si Robin.."

"Si Robin...na naman?" putol niya sa sinasabi nito.

"Yes sir, si Robin po na naman," napapailing na lamang siya, si Robin din kasi ang nag umpisa noong mga naunang away sa ibang bata. Hindi nga siguro dapat nila pinangalanan ng Robin ang bata.

"Si Robin po ang unang sumuntok doon sa matabang grade three, gumanti ito pero huwag po kayong mag alala sir , hindi naman natamaan yung anak nyo. Kaya lang po tumawa kaya tumulong ang kaibigan noong kaaway nila, eh sir, syempre hindi papayag si Ravin, bilang kuya tinulungan niya ang kanilang bunso...kaya naman sir, may tumulong ulit sa kanilang kaaway na mga bata na grade three din. Syempre hindi matitiis ni Raven, nakikipag away ang dalawa nang hindi siya tumutulong, kaya sir kahit ayaw sa gulo ng pangalawa nyo ay nakipagsuntukan din siya." Napahilot na lamang siya sa kanyang ulo, sinenyasan niya na si Portugal na huminto na, ano na kayang hitsura ng tatlo? No wonder, galit na galit si Candice sa kabilang linya. Yung mga naipon yata nito na pasensya bago sila maging mag asawa ay naubos na ng kanilang triplets.

"Sa bahay na po tayo, pauwin na rin sila ma'am sir." Ilang sandali nga ay kaharap niya na ang tatlo na nakaupo sa living room, sunod sunod, habang si Candice naman ay nakapameywang sa mga ito. Gusot gusot ang damit ng tatlo, may galos ang mukha at katawan. Hindi naman niya masasabing malala dahil kaya pang ngumiti ng tatlo pagkakita sa kanya.

"Buti umuwi ka na." Mataray na sabi ni Candice nang bumaling sa kanya. Lumapit naman siya para humalik sa pisngi nito. Umiwas naman na ito, patay, mukhang damay din siya sa galit ng tatlong mababait na bata.

"Kausapin mo ang mga iyan." Umalis muna si Candice siguro para magpalamig ng ulo, siya naman ay naupo sa coffee table kaharap ang tatlo. Inisa isa niyang sinuro ang mga galos ng mga ito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon