TLL 15:

46.2K 1.4K 88
                                    

Naadik ako sa LOVESPELL ng chanel 31, parang yung Wheels of Love lang dati. Gwapo ni William Levy

#unedited

...

15.

"Ren?" Gulat ang reaksyon ni Eunice ng makita siya sa pinto nito. Maging siya ay nagulat sa tawag na natanggap mula kay Dion,of all people sa itinuturing pa niyang kaaway. At ang sabi nito, kailangan daw siya ni Eunice. Bigla siyang binalot ng pag-aalala kaya naman halos paliparin niya ang sasakyan makapunta lamang sa condo nito.

"You okay?" Mugto kasi ang mata nito, halatang galing sa pag -iyak. Akala ni Ren hanggang pinto lamang siya, pero niluwagan nito ang pinto para siya makapasok. Matagal na rin simula ng huli siyang magawi dito. Buhat ng pinili nito si Dion, inalisan siya nito ng karapatan maging sa bahay nito.

Hindi ito nagsasalita, naupo ito  sa sofa habang nakayuko. Bagsak ang mga balikat nito. Bumuntunghininga si Ren, hindi talaga ugali ni Eunice ang magsalita,kailangan mong usisain para malaman ang totoo.

"Hey what' s wrong? Nag-away ba kayo ni Doraemon, he called me earlier," nagulat siya sa tawag ng boyfriend nito, kung hindi siya nakatanggap ng paunang mensahe, hindi niya tatanggapin ang taawag. Ginagap niya ang mga palad  nito. Matagal na simula ng huli niya itong magawa. Masarap pa rin sa pakiramdam. He misses being close to her.

Umiling naman ito sa kanyang tanong.

"Ano ba talaga ang nangyari, I'm so worried, sinaktan ka ba niya? I will beat him." Nagtagis ang kanyang bagang sa naiisip na posibleng dahilan. Ang pinakamalalang naisip niya ay nag-away ang dalawa. Hindi niya hahayaan na masaktan si Eunice ninuman, lalo na ni Dion. Mula noon siya ang protector nito, maging hanggang ngayon, walang nagbago sa bagay na iyon  Siya pa rin ang Ren ni Eunice.

" No, hindi niya ako sinaktan." Tumingala ito para pawiin ang kanyang pag-aalala. Umiiling ito para paalisin  ang kanyang pagdududa.

"Then tell me, bakit ka malungkot?" Naghinang ang kanilang mga mata. Nasasaktan pa rin siya kapag nakikitang ganito si Eunice.

"Nothing." Ngumiti na rin ito sa kanya, nahinuha niya na hindi ito magsasalita. Napatingin sa labas si Ren, ilang sandali pa ay bumubuhos na ang ulan sa labas. Napakunot noo siya dahil doon, kasabay noon ang pagkulog at pagkidlat.

"Are you sure ok lang?" Muling tanong niya matapos mailadlad ang kurtina ng bintana. Tumayo kasi siya para takpan ito.

"Oo , thanks Ren-" mukhang may gusto pa sana itong idagdag, pero mukha ding may pumipigil dito na sabihin kung ano man yun.

"Aalis na ko." Alam namang hindi maganda kung magtatagal pa siya dito, hindi niya alam kung bakit siya nakatanggap ng tawag mula sa lalaking kasama nito, pero mali ang samantalahin iyon. Kahit paano naman may isinasaisip siya sa mga aral na bigay sa kany ng kanyang honey.
Palakad na siya sa pinto ng hablutin nito ang kanyang kamay. Kunot noo siyang lumingon dito.

"Ren, I'm sorry," bulong nito, nagulat na lamang siya ng yumakap ito sa kanya at maa ikanabigla niya ang paghikbi nito.

"Tahan na," hinaplos niya ang buhok nito, gustong gusto niya talagang komprontahin si Dion para malaman kung ano ang ginawa nito kay Eunice kaya kumikilos ng ganito.

" Hindi muna ako aalis, sasamahan kita." Pangako niya dito. Kaya naman sinamahan niya ito hanggang nakatulog. Isinara niya ang pinto nito, hating gabi na ng makaalis siya sa tinutiluyan nito, malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. May konti pang ambon, parang umiiyak din ang langit.

...

Basang basa ng nakauwi si Candice. Hindi kasi siya nag girl scout noon, hindi niya natutunan ang maging handa, hindi siya nakapagdala ng payong. Kahit pananggal lang sana sa ulan. May isang oras din siyang natigil sa waiting shed, pero mukhang walang balak huminto ang ulan kaya naman sinuong niya iyon.

Sa kamalasmalasan naman, nadapa pa siya sa kanyang pagtakbo. Yun tuloy napaiyak siya sa sobrang sakit, nagkasugat siya sa kanyang tuhod, kaya naman para siyang basang sisiw pag uwi, habang umiiyak dahil sugat sa kanyang tuhod.

Pero sino nga ba ang niloko niya? Higit siyang umiiyak dahil sa tindi ng sama ng loob at pagkabigo. Sa bagay, mabuti na rin talaga... at least ngayon alam niya na ang magiging kapalit kapag hindi pa siya tumigil sa kanyang kabaliwan.

At least uli, dahil parang ganito rin ang sinabi at pinaniwala niya sa sarili, pero hindi naman siya nakaiwas.

Hanggang sa humiga si Candice sa kanyang kama, parang multo na naririnig niya ang pagpailanlang ng musika.

Love is just a lie made to make you blue..love hurts.

Panandaliang saya ang binigay sa kanya, panandalian kasi nabawi kaagad, pansamantala lang kasi pinasabik lang siya. Parang free taste sa grocery, pero buti pa ang free taste doon pwede mong bilhin kapag nagustuhan mo. Sana, kung sana, ganoon na lang ang lahat ng mga tao sa kanyang paligid, hindi na sana siya naiiwan palagi.

"Ayoko umiyak, kainis naman eh," saway niya sa sarili habang nakahawak sa kanyang dibdib.  Kaya tinututulan niya ito, una pa lang kasi alam niyang magiging ganito kasakit.

Kinaumagahan, hindi niya maidilat ang kanyang mga mata, ang bigat ng kanyang pakiramdam. Kanina pa siya ginigising ni Britanny pero ungol lamang ang nagiging sagot niya dito.

"Mommy! Daddy! Mainit si tita Dice."

"Wag mo silang gisingin," pinilit niyang ibangon ang sarili, nakakapit siya sa table habang tumatayo, hindi na lang ulo at katawan niya ang makirot pati ang kanyang tuhod.

"Tita ,may dugo ikaw dito," napakislot siya ng hawakan ng kanyang pamangkin ang kanyang ulo, idinilat niya ang mata, may dugo nga iyon, kaya pala makirot din. Hindi niya namalayan na tumama din pala ito kagabi. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng bumigay ang kanyang katawan. Hindi niya talaga kayang kumilos. Ang huli niyang narinig ang ang sabay sabay na sigaw  ng kanyang pamangkin.

...

Tapos na ang kanilang klase pero walang Candice na dumating. Balak niya sanang tanungin kung nakauwi ba ito ng maayos kagabi. Napag isip niya na mali ang kanyang ginaw , pero ai Eunice kasi ang may kailangan sa kanya. Isang taong hindi niya matatanggihan.

"Uy, may hinahanap." Tukso sa kanya ni Josh, marahan niya lamang itong sinuntok. Sanay na niya sa pang iinis nito. Hindi na siya nagagalit masyado, konti na lang. "Saan kayo nagpunta kagabi?" May kakaibang pinupunto ang pagtatanong nito. Binatukan niya na ito dahil hindi naman ganoong klaseng babae sa Candice. Kung tutuusin nauubos ang oras nila sa asaran at bangayan , imbes na sa landian na madalas  nitong ginagawa sa mga babaeng nakapaligid dito.

"Kumain lang kami ng pagkain, alam mo namang mahilig yun sa libre,"

"Talaga? Saang level na ba kayo?" Napakunot siya ng noo dito, ano bang nasa isip nito. Oo alam niya na may gusto si Candice sa kanya, at sinabi niya rin na sana gustuhin pa rin aiya nito, pero wala naman silang level. Bigla niya lang naisip na baka kapag tumigil na ito sa pagkagusto sa kanya hindi niya na ito makausap. Aminin niya man o hindi sa sarili nagugustuhan niya ang kanilang bangayan. Nabubuhay ang kanyang pagiging makulit.

Siguro pupuntahan niya na lamang ito sa trabaho kapag hindi niya nakita sa school. Tutal hindi naman ito tumatanggi sa libre.

"Wala kaming level. We're not like that." May sasabihin pa sana si Josh pero napahinto ito habang nakatingin sa kanyang likuran. Napalingon na rin siya para makita kung sino ang tinitignan nito. Katulad niya nabigla din siya kung sino iyon.

"Ren, are you free right now?" Tanong ni Eunice.

Nakakabigla na ito na ang lumalapit, pero bakit hindi na siya ganoon kasaya?

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon