TLL 56:

51.8K 1.4K 55
                                    

#unedited

...

56.

"Good Morning Attorney!" Gumanti ng bati si Candice sa dalawang security personnel na bumati sa kanya, sa ilang taon na pagtatrabaho sa Capitol kahit na hindi pa siya ganap na abogado ay marami na siyang nakilala, nakapalagayan ng loob.

"Magaling na po ba ang anak nyo Kuya Estong?" Nagkaroon kasi ng tigdas ang panganay nito, nakilala niya ang batang lalake ng minsang isinama ng ama.

"Opo Attorney, pasensya na po sa next pay day na ako makakabayad...walang wala pa po kasi ako ngayon." Hingi ng paumanhin nito, lumapit siya dito.

"Naku kuya, wag na po, maliit na bagay lang naman yun," konting pera lang naman iyon, saka hindi na rin iba ito sa kanya, noon nga na nag aaral pa lamang siya ng Law, inililibre siya nito ng mga kakanin na gawa ng asawa nito...sumasideline din kasi sa pagtitinda kapag break time nito...minsan naman nagbabayad siya, may pagkakataon talaga na nalilibre siya nito, kaya ngayon na meron na siya, hindi siya magdadalawang isip na magbigay.

"Pero Attorney-"

"Wag na pong makulit kuya, isipin nyo na lang na nawawala akong ninang ni Jeff," napakamot naman ito ng ulo habang nangingiti.

"Ganoon po ba attorney, malaking kaluwagan sa amin iyan, hindi na kami mag aalala ng asawa ko tungkol sa pangbayad.. nasabi mo na rin po yan, pwede ba na sa kumpil ni Jeff ay gawin ka naming ninang?" Natuwa naman siya doon.She loves to.

"Opo naman!" Nagpaalam na rin siya dito para maka akyat sa opisina sa ikaapat na palapag. Nadatnan niya si Aimee doon na bumabangka na naman. Pinagmasdan niya ito habang naglalakad na tila modelo, nakakainggit dahil kahit bilugan ang katawan nito at kayang kaya nito na irampa ang mini skirt at fitted blouse. Well siya, she's okey with slacks and blouse, minsan nag i-skirt din naman siya, pero mas komportable siya sa slacks.

"Uy nandito na pala ang inlove!" Bati nito sa kanya ng ituro siya ng kanyang secretary na si Ivy.

She rolled her eyes, ito kaya ang araw araw na inlove, paanong naging siya?

"Good morning din sa'yo," binalewala niya ang tanong nito. Tumungo na siya sa kanyang sariling opisina. Napangiti siya sa tambak na papel ng mga kaso na nasa kanyang mesa. Mga bago at meron naman na kailangang rebisahin. Ito ang pinili niya na mundo kaya hindi siya mapapagod sa kanyang trabaho.

"Umiiwas po siya sa tanong,"Aimee eyes twinkle, hindi talaga titigil hangga't walang makuhang matinong sagot mula sa kanya.

"Seriously? Kumain kami sa bagong bukas na restaurant,"

"Tapos?"

"Tapos wala na! Hinatid nya na ako pauwi." Tumingin muna ito sa kanyang mga mata, yung titig na para malaman kung nagsasabi siya ng totoo. Wala naman talagang ginawa ni Greg, kumain sila habang masayang nagkukwentuhan... Iniimbitahan nga siya nito na pumunta sa Las Casas sa darating na weekend, isama daw niya sina Aimee para mas mag enjoy siya. That's what she likes about him. Iniisip nito kung sino ang mga taong palagay sa kanya na gusto niyang makasama....hindi naman kasi masyadong nakakailang kung nandoon sina Aimee. Yes, she likes him, nandoon na siya...sabi nga ni Aimee konting push na lamang at makakamit na talaga ni Greg ang kanyang oo, matagal na rin and maybe it's about time to fall again...wala na naman yung dati, natanggap niya na rin ang dahilan kung bakit umalis ito...kung bakit mas pinili nito na samahan si Eunice.

Yes, she was pushing him away that time, but a part of her wanta him to stay...to support her , na sa kanya tumabi despite na mas mahaba ang pinagsamahan nito at ni Eunice. She's secretly wishing for that before...pero hindi na yun secret ngayon.

Kaya nya ng sabihin dahil wala na, sa tingin niya masaya na rin ito...masaya na rin siya para sa kanila...siguro ganoon lamang talaga, hindi sila para sa isat-isa kaya wala silang forever.

Siya, hinahanda niya pa ang kanyang puso para sa kanyang forever.

"Hina talaga tumayo ni Attorney Tayo, paano na lang yung ano niya? Makaka tayo kaya iyon?" Nagiging kulay green na naman ang mata nito, sinaway niya na ito dahil kung ano anong pinapasok nito sa utak nya...kinakabahan siya kapag niyaya siya nitong manood ng movie eh, tiyak pang Adult ang theme ng panoorin nila.

"Tumigil ka na nga, darating na si Attorney Magpayo,"tukoy niya sa kanyang ninong, ito lang naman ang nakakapagpatigil kay Aimee.

"Bakit ganyan ba apelyido ng mga abogado ngayon? Meron nga Magtanong pa, kaya pagsinabi ng judge, Attorney Magtanong, magtanong ka na ng mga tanong mo na dapat tanungin...see napaka paulit ulit."

"Ewan ko sa'yo." Tumayo ito na siya namang pasok ng kanyang secretary na may dalang pang almusal , nakabalot iyon ng sikat ba fastfood chain.

"Pibabibigay daw ng masugid na manliligaw mo "tudyo nito sa kanya, alam na alam na kape lang ang inagahan niya.

"Pinapataba ka talaga ni Greg no, gusto niya bang mahabol mo ang katawan ko? Sorry girl pero ako lang ang kanyang magdala ng katawan na ito, hindi ito bagay sa'yo" bitter na sabi nito," Si Jeicko ba walang pinadala?" Natatawa naman na nailing si Ivy, napanguso naman si Aimee, inggit lang talaga.

"Kaasar talaga iyon, kuripot most of the time, mani lang pinapakain sa akin, porket pa paborito niya mani ,mani rin ang gusto niyang kainin ko? Gosh! Kaya lalo akong tumatalino eh!" Natatawa na lamang sila.

"Don't worry Attorney, meron ka din ang tawag sa meal mo, suhol sa bestfriend breakfast meal." Halos mapunit ang bibig nito sa malawak na ngiti ng may inabot na papaerbag sa kanya.

"Ang sweet talaga ni Greg, bet ko talaga siya kaya sagutin mo na, wala ka ng mahahanap na kagaya niya!" Panghuling wika nito bago tumungo sa mesa.

Pagkain pa lang yan, paano pa kaya pag sinabi niya ang pagyayay nito, syempre si Greg ang taya, baka pag nagkataon ito pa ang magbugaw sa kanya.


...

"Where is my beautiful yet evil twin?" Yun agad ang bungad niya kay Yuan ng buksan siya nito ng pinto. Kaninag madaling araw lamang umuwi ang dalawa mula sa napakahabang honeymoon. Sa palace inspire na bahay na umuwi ang mga ito, agaw pansin talaga ang bahay nito sa sobrang ganda ang rangya. Sunod na sunod talaga ang kapritso ng kanyang "mabait" na kapatid.

"Ha, bayaw tuloy-" nilampasan niya na ito, umakyat na siya sa second floor kung nasaan ang masters bedroom. Ang daming kwarto at mga portait na nakasabit.

Ayaw nya ng malaking bahay, ayaw niya ng nakakabaliw na hanapan.

"Tulog pa siya." Sabi ni Yuan na nasa kanyang likod. Wala siyang pakealam.

"I will wake her up." Matagal niya itong hinintay at di na siya makapag antay pa.

"She's tired."

"Ako mainit ang ulo." Banta niya dito, nasa tapat na sila ng kwarto at pipihitin na lamang niya sana ang seradura.

"Pero mainitin ang ulo ng kapatid mo, in case nakalimutan mo." Binalewala niya ito. Tulog na tulog ang kanyang kakambal sa kanilang malambot na kama.

"Ran!" Sigaw niya, si Yuan naman ay tumabi sa gilid ng asawa.

"Bayaw." Binawalan siya nito na tumahimik, pero wala ng makapipigil sa kanya.

"Ran gumising ka! May kailangan kang ipaliwanag sa akin!" Sigaw niyang muli dito...ilang sandali pa ang nagmulat na ito ng mata, nakakunot noo ito habang nakatingin sa kanya, salubong ang kilay nito.

Lokohin mo na daw ang lasing pero wag lang ang bagong gising, lalo na si Ran...pero sa kanyang sitwasyon, hindi niya iyon kailangan. Ran fooled him, of all people ito pa? Hindi niya iyon matatanggap...orat least kailangan niya marinig ang dahilan nito.

Inaantok na bumaling ito sa asawa.

"Husband, bakit ka nagpapapasok ng abnormal sa bahay natin?"

...


The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon