TLL SC 1: triple tumble trouble

90.2K 1.7K 286
                                    

#UNEDITED

...

Bawal tumawa,

mababaog,

seryoso.

...

TLL SC 1:

Ren crave for this day, yung walang pasok sa opisina , yung nakahiga ka lang sa iyong malambot na kama habang pinapahinga ay iyong katawan at utak. Yung magiging ka lamang sa malambing na boses ng iyong asawa na sasabihin sa'yong , let's make love all day!" hindi nga ba ay kay saya lamang?

Pero hindi.

"Sugurin si CELL!!Kame Hame Wave!!" he groan ng marinig ang boses ni Robin ang bunso sa kanyang tatlong mababait na tsikiting, at ito nga ang pinagpala ng kabaitan sa lahat!

"Sugod!" sigaw rin ng dalawa, man nangibabaw ang boses ni Raven, yung gitna kaysa kay Ravin na kanilang panganay.

"AH!" napadaing siya ng sakyan siya ni Robin sa dibdib, sumunod doon ang dalawa. Dati ang nanay lang ng mga ito ang sumasakay sa kanya ngayon ang nakikisakay an ang mga ito ngayon at masakit talaga this time.

"Talo na ang kalaban, Picolo!" sigaw na naman ni Robin, nagtawanan at nagdiwang ang tatlo... ayaw niya pang imulat ang kanyang mga mata dahil mag-uumpisa na naman ang kanyang kalbaryo. Apat na taon na ang mga ito, Apat na taon ng nagpapasaway at nagpapabaliktad ng mundo niya.

"Gising na si daddy!" hagikgik ni Robin , ito ang nasa malapit sa kanyang mukha, gamit ng maliit nitong kamay ay pilit dinidilat ang kanyang mga mata.

Wala na. Kitang kita niya na ang malawak na ngisi nito, kung yung dalawang kuya nito at bumaba na sa kanyang dibdib para pumunta sa kanyang gilid, iba ang bunso na ito. Nakaloloko pa itong nakatingin sa kanya habang dinidilat ang kanyang mata.

"He's alive Goku!" sabi ni Ravin, kita niya ang excitement sa mukha ng tatlo, isang linggo rin kasi siyang abala, gigising na ang mga ito na wala na siya , matutulog na hindi pa siya dumadating, maging siya ay namimiss na rin ang mga ito kaya lang sobrang abala talaga sya sa ngayon. Thanks to his understanding wife, she agve up her practice just to supervise the kids. Hindi naman din kailangan ni Candice gawin iyon dahil alam niya kung gaano iyon kahalaga para dito, nagpagod ito ng husto para makuha ang pangarap. But when she said na iba na ang pangarap nito and that's theri family more than anything else, he loves her more and he made love to her right away.

Sinigurado nya lang ngayon na wala munang mabubuo, mahirap ng madagdagan agad ang kanyang mababait na anak.

"Boys, breakfast is ready , baba na kayo."binitawan na ni Robin ang kanyang mata, nakatayo sa di kalayuan ang kanyang asawa na may malawak na ngisi. Mukhang tuwang tuwa pa sa kanyan sinapit sa kamay ng tatlo.

"Good morning daddy kiss!" si Raven , saka humalik sa kanyang pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Ravin. Si Robin naman ay hinawakan pa siya sa mukha bago hinalikan sa labi, may kasama pang kagat at laway laway iyon. Tawang tawa naman si Candice ng makita ang kanyang hitsura, ito na ang nagbaba kay Robin sa kanyang dibdid, tinapik nito ang pwet ng bunso bago napababa papunta sa dining.

Si Ren naman ay hinang hina, umaga pa lang yan, paano pala kapag dumaan na ang buong araw na kasama niya ang tatlo.

"Chichi, ang magic bean." Nakanguso siya sa kanyang asawa, tumawa naman ito ng malakas, bakit kasi nahilig sa anime ang kanyang mga boys, lagi tuloy kaaway ang papel niya na madalas nabubugbog.

"Si Son Goku ang asawa ni Chichi at hindi si Cell, paanong bibigyan niya ito ng magic bean."

"They had an affair." Ngumisi si Ren at hinaklit ang asawa, napahiga ito sa kama, hinalikan niya ito ng mariin, kulang pa yung pinagsaluhan nila kagabi. Nagpaubaya naman ito sa kanya, mukhang nahahawa na rin ang kanyang asawa, hindi na ito tumatanggi, sabik na rin ito katulad niya. Noong malaman ng mga tao sa kanilang paligid na tatlo agad ang ipinagbuntis nito ay napaulanan siya ng katakot takot na tukso, daig niya pa daw ang rabbit sa taas ng libido. Sagot niya, sabik lang at nakastamba lang. Blessing ang pagkakaroon ng triplets, kambal nga sila ni Ran so nasa lahi na talaga nila, tapos ang gwagwapo pa, kamukhang kamukha niya ang mga ito, meron nga lamang na konting pagkakaiba. Si Ravin may dimple sa kanang pisngi, si Raven naman ay sa kaliwang pisngi at medyo singkit, si Robin na pinaka mabait sa lahat ay may dimple sa magkabilang pisngi, at higit sa lahat, may tatlo itong puyo...kaya naman nasabi niya talaga na ito ang pinakamabait.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon