TLL 50:

46.4K 1.3K 129
                                    

A/N: Salamat sa mga comments and votes, actually bago ako mag update sa gabi,(opo gabi talaga dahil busy ako sa araw) nagbabasa ako ng comments, natatawa nga ako at natutuwa....pero nagbubura din ako...lalo na yung Update soon, kapag nababasa ko yun, inaantok po ako lalo....

Alam nyo na :)

Prepare your hearts <3

#unedited

...

50.

"Candice?" Tinawag siya ni Ren, salubong ang kilay nito, hindi nito nagustuhan ang kanyang sinagot sa ama nito. Hindi kasi iyon ang inaasahan na marinig.

"Dito lang ako Ren, hindi ako aalis." Pag ulit niya sa kanyang desisyon, bigla itong tumayo at humarap sa mga magulang nito.

"Excuse us, mag uusap lang po kami." Matabang nitong sabi sa mga magulang bago siya hinila palabas, hindi na lamang siya pumalag kahit na mahigpit ang pagkakahawak nito. Pumunta sila sa park ng hospital. Doon lamang siya binitawan nito, frustrated ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Hinimas niya naman ang braso , doon lumamlam ang mukha nito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"Sorry kasi ginulat kita, hindi ko sinabi agad ang plano natin nang sinabi ni daddy na kailangan kong samahan si Eunice sa pagpapagamot. Isasabay ko na rin ang pag aaral ko doon." Naging mahinahon ang boses nito. Tama ba ang narinig niya? Natin?Plano natin, pero bakit naiwan siya sa mga planong natin na iyon?

"Ren-" mag uumpisa pa lamang siya sa kanyang sasabihin ngunit pinutol na siya nito.

"Don't worry, aalagaan kita kapag nandoon na tayo, you don't have to work, I will provide everything, sabay natin tutuparin yung mga pangarap natin doon na magkasama." Nandoon ang excitement sa boses nito, binubuo nito ang pangarap nila sa malayong lugar, sa lugar na malayo sa kanyang kinagisnan, malayo sa mga taong pinapahalagahan niya.

Hindi siya magiging masaya. Oo at makakasama niya ito, dahil mahal niya ito, pero hindi ganap ang kanyang kaligayahan.

"Ayokong maging pabigat sa'yo at sa parents mo."katwiran niya.

"Sino bang nagsabi na magiging pabigat ka?!" Iritable na ang boses nito, hindi nito makita ang kanyang rason.

"Ren, kahit hindi natin sabihin,yun ang magiging kalabasan, kung sakali man na sasama ako, hindi ako masisiyahan na gumastos ang iba para sa akin na hindi ko pinaghihirapan!" Dagdag katwiran niya.

"Then let's just get married para hindi ka na maging iba, para maging myembro ka na ng pamilya ko, yun lang naman ang kulang sa atin diba?"

Napapikit siya sa sakit ng kanyang ulo.

"Hindi pa ba tayo nakakausad dyan? Ren this is not yet the right time for marriage." The thought of that scare her. Hindi siya handa sa ganoon kabigat na responsibilidad kahit pa mahal niya ito, kahit pa ito ang tao maliban sa kanyang mga magulang ang nagparamdam aa kanya kung gaano siya kahalaga.

"Eh di lumabas din talaga ang totoo, so mas panalo ang pinaghalong pride at pangarap mo kaysa sa akin? You don't love me enough because you can't be with me."

Mas sumasakit ang puso niya sa nakikitang kalungkutan sa mata nito, nagsituluan na rin ang mga luha niya na kanina pa ibig kumawala.

"Alam mong hindi yan totoo."

"Talaga?Alin nga ba ang totoo?Mukhang ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa? Bakit hindi ka kasi kagaya ng iba para madali kang pilitin?" Tumingila ito, ramdam ni Candice na nagpipigil lamang ito ng luha.

"Kung kagaya ako ng ibang babae...posible ba na magkagusto ka sa akin?" Bigla itong tumingin sa kanya.

"Bakit ba alam mo ang sasabihin sa bawat tanong ko? Ang dali ng solusyon dito sa problema natin, pero bakit hirap na hirap tayo?" Hindi na sila muling bumalik sa loob, hinatid siya ni Ren kahit galit ito. Hindi nito matatanggap ang kanyang desisyon.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon