TLL 8

54K 1.4K 62
                                    

#unedited

"Makinig ka!" Utos nito sa kanya, umayos na lamang ng upo si Candice sa sofa habang nag aabang sa kung anuman ang kakantahin ng mayabang sa kanyang harapan.

Napanganga na lamang siya ng mag -umpisa ang tugtog.

Lintek.

Kahit tulog siya at nanaginip makakanta niya iyon. Bakit kasi siya naniniwala na mapapasaya siya nito. Nag- aaksaya lamang siya ng panahon.

"Ewan ko sa'yo!" Umirap siya at padabog, tinungo siya ang pinto at mabilis ba pumunta sa cashier.

" oh, ang bilis mo yata?" Puna nito sa kanya, isang oras o lampas pa doon kasi ang inaabot niya, pero ngayon dahil sa isang asungit nasira ang moment niya sa sarili.

" Alan niyo yung movie na the uninvited? Yung horror? Ganoon ang nangyari sa loob."

"Yung movie ni Stephie Choi? Oo naman...pero di naman kahorror horror ang nakasama mo ah?" Natural na alam nito ang korean movie na iyon, korean addict kasi ito, may portion doon na pwede kang mag rent ng silid at manood ng movie kahit mag-isa ka. Mini movie house.
May himig panunukso pasa boses nito. Binalewala niya na lamang ang sinabi nito.

Ngumiwi na lamang siya doon, nakita niya ng palapit si Ren na mukhang tinapos pa yata ang epic na kanta.

"Hoy, darnang flat bakit mo ako iniwan? Pasalamat ka nga at sinamahan kita!" Napatingin siya sa mukha ng kahera na nakangising nakamasid sa kanila. Napapa jusmiyo na lamang siya, dakilang alaskador pa naman ito. Wala sa edad pero, ito kasi ang unang beses na may kasama siya dito, lalake pa.

"Sinabi ko bang samahan mo ako?" Natahimik ito sandali kaya kinuha niya ang pagkakataon na makalabas.

Nabigla na lamang siya ng hablutin nito ang kanyang braso.

Patay. Nagalit yata.

Pero nawala ang kanyang kaba ng makita ang malamlam nitong mukha. Pilit itong ngumiti.

Ngumiti ang mayabang sa kanyang harapan.

"Alam mo ba  ang ginagawa matapos ng mahabang pag-iyak?" Tanong nito, kinuha niya agad ang braso. Hindi niya maintindihan pero sabi ng isip niya kailangan niya daw ilayo yun agad laban sa malambot ba kamay nito.

Umirap siya sa kawalan.

" kung nagpapakamatay ang sasabihin mo, sorry ka na lang mahal ko pa rin ang buhay ko at hinding hindi ko iyon gagawin, may takot ako sa Diyos no," nagulat na lamang siya ng pukpukin ng kamay nito ang kanyang ulo.

Napahawak siya sa kanyang kanyang ulo. Parang namartilyo lang sa sakit.

"Ba-bakit mo ginawa yun?!" Sigaw niya dito, wala siyang pakealam kahit nasa gitna sila ng daan at nakakaagaw ng atensyon. Maging ito man din ay mukhang nagulat sa nagawa.

"A-ano, baliw ka kasi, kung ano ano ang sinasabi mo, kumain lang naman ang sagot sa tanong ko, ang simple lang, hindi mo alam? Ang hina ng kukote mo! Sumunod ka na nga lang!"

"Wow, lakas mang lait" bulong niya sa sarili.

" Sandali!" Humarap naman ito sa kanya. Kunot ang noo.

"libre mo ba?" Mabuti na ang malinaw, mahirap ng mapasubo sa mayaman na panlasa nito kahit hindi niya maintindihan kung bakit magkasama sila ngayon. Basta ang alam niya, gaganti kasi ito sa kanya, paano na lamang kung ang pagganti nito ay panlilibre niya sa mahal na restaurant, aba'y kawawa naman ang bulsa niya.

Present na naman ang mapanglat na mata nito. Tinignan siya mula ulo hanggang paa. Hindi nito pansin ang tingin na pinupukol ng mga kababaihan sa paligid dahil nasa kanya ang atensyon nito. Hindi nga lamang sa nakakainggit na paraan, kabaliktaran

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon