TLL 18:

48.2K 1.6K 119
                                    

#unedited

...

18.

"Bakit mainit ang ulo niyan?" Dinig na dinig niya ang bulungan ng kanyang mga kaibigan, sumama ang mga ito sa kanyang boxing session. Lamog na nga yung asul an punching bag sa lakas ng mga suntok niya, pero parang kulang pa rin. Sinasamahan niya ng sigaw ang bawat suntok.

Hindi niya narinig ang sagot ni Dexter, posibleng binulong nito ang sagot, pero wala naman nakakaalam kung bakit nga ba mainit ang kanyang ulo ilang araw na rin. Maging siya hindi alam kung ano ang pinakadahilan kung bakit siya nakakaramdam ng kakaibang inis.

One thing is sure. Kasama si Candice sa inis na kanyang nararamdaman. Anong karapatan nito na iparamdam sa kanya ang narardaman niya ngayon? Damn this feeling.

"Tama na, your time is up," tinapik siya ng kanyang instructor, sumobra na raw siya oras, hiningingal siyang tumigil, naupo siya at inabot ng gatorade para inumin. Umupo si Dexter sa kanyang tabi.

"Nagyaya ang barkada lumabas mamaya,"

"Sure." Sem break naman kaya okay lang na lumabas. Wala naman nagbabawal sa kanya, basta lamang daw mag -ingat. Alam niya na ang dalawang kahuluhan ng salitang iyon mula sa kanilang magulang. He too don't wish for an unwated child. Gusto niya kung mag kakaanak siya doon sa babaeng gusto niya.

Gusto?

Umiling siya dahil naiisip niya na naman ang gabi na iyon.

Gusto?

Hindi ko siya gusto!

...

"Sure ka na okey ka na?" Ilang beses na naitanong sa kanya yun ni Michelle, grabe talaga ang concern nito. Nakakataba ng puso. Sana naging tunay na kapatid niya na lamang ito.

"Yup, libre mo ulit ako lalo ako magiging okey," pangungulit niya dito. Noong gabi na yun, hinayaan siya ni Michelle na umiyak, umiyak siya hanggang sa lumuwa ang mga mata niya, hanggang sa maubusan na siya ng luha na ilalabas. Nakinig lamang si Michelle, hinagod ang kanyang likod habang ibinubuhos niya ang kanyang sama ng loob dulot ng kabiguan. Tapos tumawa sila, tumambay sa malapit na Mini Stop at uminom ng tatlong chillz, syempre dalawa sa kanya.

"Okey ka nga..nang iisa ka na eh, pero labas tayo, nood tayo ng sine," pagyaya nito. Natutuwang kumapit si Candice sa braso nito.

"Talaga libre mo rin?" Michelle rolled her eyes. Talo na naman siya.

"Ano pa bang magagawa ko, basta kapag yumaman ka at naging abogado ka na sisingilin kita sa mga pagkukuripot mo." Banta nito. Natawa naman si Candice, kailangan niya kasi mag ipon dahil magastos ang kurso na gusto niya, pero desidido talaga siya doon. Sinabi kasi ng ate niya na tutol itong kumuha siya ng Law kaya impsosible na makuha niya ang suporta nito. Wala siyang karamay kung hindi ang kanyang sarili at ang moral support ni Michelle.

Nagpunta sila sa mall, gusto niyang enjoyin ang sem break na ito. Night classes ang kukunin niya dahil mas gusto niyang mgatrabaho sa umaga. Mas mababait kasi ang mga prof sa gabi. Iba't ibang tao pa ang mga magiging kaklase niya doon. Hindi naman problema sa kanya iyon, ayaw niya sa block section, minsan mas mabuti pa na mga irreg ang kasama mo.

Sa kanyang paglalakad napahinto siya sa isang parlor. Napahawak siya sa kanyang hanggang beywang na buhok. Maganda iyon, pero parang walang dating. Walang kulay.

Parang gusto niyang magpagupit. Tinawag niya ang atensyon ni Michelle.

"Mich, magpapagupit ako!" She declare. Yung ibang mga kaibigan tutol sa ideya na ganoon lalo na at maganda ang buhok, pero si Michelle very supportive.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon