TLL 63:

56K 1.4K 151
                                    


Dedicated sa classm8 ko na sina Gian Carla at bFf Jescel <3

#unedited

...

63.

"Diyos ko po, dumudugo

Sumunod si Ren sa matandang babae papasok sa loob ng bahay nito, pinaupo siya sa sofa doon. Alalang alala ito sa kanya. Maluwag at malinis ang loob ng bahay ng nga ito, mukhang panatiko ng mga antigong bagay ang mga nakatira.

"Anong nangyari?" Lumapit ang isang matandang lalaki na kaedaran nito ng babae.

"Yung anak mo, binato itong binata,"

"Ano na namang ginawa mo Benjo?" Kinausap ng lalaki si Benjo na nakaupo sa pang isahanh sofa, kagat nito ang daliri.

"Benjo!" Maging siya ay napapitlag sa sigaw nito, maliit kasi na tao pero napalaki ng boses.

"Pa-pang?" Nahimigan niya ng takot ang boses ni Benjo, naluluha na rin ang mata nito, nakaramdam siya ng awa dahil kung tutuusin kasalanan niya naman kung bakit ito nagalit. Ininis niya ito bagay na maling mali sa mata ng Diyos at ng tao.

"Kasalanan ko po, wag nyo na siyang pagalitan."  Lumapit na rin ang matandang babae na may dalang first aid kit.

"Kailangan niyang malaman na mali ang ginawa niya, kaya siya laging inaaway ng mga ibang tao, Benjo magsorry ka sa kanya." Utos ng matandang lalaki, agad naman sumunod si Benjo, sunod sunod itong nagsosorry sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nanliit sa sarili.

"It's my fault sir, wag nyo na pong sisihin ang anak nyo."

"Salamat iho," naupo sa tabi niya ang matanda. Hindi niya na tinanggihan ang tulong nito. Sandali lang naman iyon, lumabas na rin siya kahit niyaya siya ng mga ito na maghapunan. Kailangan niya pang tawagan si Portugal at makibalita sa nangyayari kay Candice at doon sa asungot na abogado.

Nakasandal siya sa kanyang kotse, nakaparada pa rin iyon sa tapat ng bahay ni Candice. Noong tinanong ng mga magulang ni Benjo kung ano siya ni Candice , ang naisagot niya lamang ay kaibigan. Hindi na nasundan ang tanong na iyon kahit bakas naman ang pagdududa sa mga ito. Ang nakakatuwa lamang doon ay hindi siya narereport ng mga ito sa pulis dahil sa kilala siyang tao. Nakilala siya ng tatay ni Benjo dahil mahilig itong magbasa ng dyaryo at manood ng balita.

"Nasaan na sila?"

"Sir, kumakain na po sila sa restaurant, susundan ko po ba sa loob?" Tanong ni Portugal.

"Kaya nga pinapasundan ko diba?"

"Eh sir, kapag pumasok ako sa loob kailangan kong mag order, medyo gutom na ako at baka mapalakas ang kain ko sir."  Kung kaharap niya lamang ito ay baka nasapak niya na ito.

"Kahit orderin mo lahat, kahit di ka pa matunawan basta masundan mo!" Gigil na sagot niya dito, pinatay niya na ang linya at napabuntunhininga. Hindi maari na laging ganito, hindi dapat siya makuntento sa paghihintay lamang. Kung wala siyang nagawa noon dahil sa sobrang katangahan at pride, ngayon gagawin niya ang lahat.

"Hay may peklat tuloy ako." Bulong niya sa sarili. Tinanggal niya ang band aid  na nilagay ng mamang ni Benjo, hindi siya komportable doon.

"Gumamit ka ng gamot, yung wala agad peklat, sebo de macho." Nakatabi na pala sa kanya si Benjo, nahihiya siya sa totoo lang. Napagalitan ito dahil sa panloloko niya, hindi ito normal katulad niya pero sa inasal niya , daig pa niya ito. Masahol pa siya.

"So-sorry." Mahina niyang sabi.

"Ha? Bili ako sebo de macho, wala peklat yun." Mukhang hindi naman nito narinig ang pagsosorry niya, hindi niya uulitin.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon