TLL 26:

50.6K 1.4K 113
                                    

#unedited

...

26.

Mabilis na umingay angbalita. Nalaman ni Candice ang nangyari sa kakambal ni Ren na si Ran at sa boyfriend nito. Ilang beses lang niya iyon nakausap, pero nakakaramdam siya ng awa para dito. Balita niya nga na nagkahiwalay na ang dalawa dahil ayaw ng pamilya ng lalaki dito. Mayaman na ito at lahat pero, tinatanggihan pa rin.

That hurts, ang ipagtabuyan,sa tingin niya kasi mahal naman noong dalawa ang isat-isa, kahit hindi naman talaga witnessed sa lovelife ng dalawa, Basta  pamilyar siya sa ganoong pakiramdam kahit saan mang anggulo.

Ren was true to his words, tinantanan na rin siya nito. Bagay na dapat niyang ikasiya, pero kapag mag-isa siya, parang may blanko o maliit na espasyo na nagpawala ng kanyang hininga.

Studies. Yun ang kanyang naging dahilan, na iyon naman talaga dapat.  Pinagbubuti niya ang pag aaral at pagtatrabaho. Simple lang naman ang buhay niya ngayon. Ganito naman dati, ganito naman talaga dapat.

"Sila na noong si Eunice ano?"  Lagi niya na lamang naririnig iyon kay Jose. Sinusubukan siyam.Tinitignan nito kung ano ang kanyang magiging reaksyon oras na marinig niya ang panis na panis na balita nito.

"So?"

"Di ka nasasaktan?" Muling usisa  nito. Itinaas niya ang mata buhat sa libro na binabasa.

"Hindi nga, di ba sila naman dati? Matagal ko ng alam na magiging sila pa rin," she explain kahit naman masakit kahit paank. Noong time talaga na iyon umasa siya, pero hindi totoo ang fairytale. Nilikha lamang 'yun para makatulog ang mga makulit na bata upang magkaroon ng mga magagandang mapanaginipan sa oras na makatulog.
Hanggang doon lang.

"Pero he chased you, hindi ka ba umasa, noon?" Noong gabi na pinuntahan siya nito sa bahay at nakitang nagsasampay? Umasa ba siya? Tinaboy niya ito gayong hindi niya alam ang pinagdadaanan nito pero umasa ba siya?

"Bahagya," kagat labi na sagot niya dito. Hindi naman ito tumawa. Bumuntunghininga ito.

Akala nya tapos na sila sa unang topic , pero heto at balik na naman sila.

"Lalabas kami ng asawa ko sa linggo, sama ka, magsasama din ako ng isang kaibigan," ngumisi ito. Nalalandiaan siya dito, kada taon lumelevel up ang endearment nito sa kanyang bestfriend from fgf to cgf, to mahal ko at ngayon naman asawa ko.

"Hoy The Fort, tatlong ulam pa lang ang kayang lutuin ni Michelle, pinirito, adobo saka sinigang, asawahan  na agad nasa isip mo!" Hinampas niya ito sa braso. Natatawa naman ito.

"Eh doon din naman kami papunta, wala akong nakikitang iba na makakasama ko sa buhay at magiging nanay ng 12 kong anak...saka hindi ko naman siya gagawing katulong , asawa ko, may better half, marunong magluto o hindi, marunong maglaba o hindi," nangarap na naman ang loko. Minsan napapaisip siya, totoo ba itong lalaki na ito? May ganito ba talaga at sobrang loyal at mapagmahal? Sweet na sweet na minsan nakakaumay na, ang maganda doon tanggap si Michelle ng family nito, ganoon din ito sa kabila.  Nakakatuwa nga kapag pinagmamasdaan niya sila. Hindi niya maiwasang hindi mainggit.

Swerte nga siguro talaga ang kaibigan niya ito. Sana sila na hanggang sa huli.

" Ano isang date lang, para hindi ka naman halatang sobrang bitter, graduating na tayo... hindi naman siguro masama na mag enjoy ka ngayon?" Tudyo nito. Kaybilis ng panahon, graduating na nga siya... mayayari na rin ang kanyang OJT, naghahanda na rin siya para sa pagkuha ng exam sa law school sa Metro, busy rin siya sa paghahanap ng pwedeng mag sponsor sa kaniya. She's debating kung kakausapin niya ang kanyang ate Joana, kahit na nagpahayag ng suporta ang kanyang kuya Rico, financially, plus ang kanyang mga ipon sa pagtitipid at pagkukuripot. Hindi pa rin magiging sapat. Pero wala namang imposible sa taong determinado.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon