TLL 45:

46.2K 1.4K 147
                                    

#unedited

...

45.

Takot na lumapit si Eunice sa pinto, pero naka lock iyon mula sa labas.

"Mommy! Please buksan nyo to, uuwi na po ako!" Nanginginig na ang kanyang boses, natatakot siya sa ideya na naglalaro ngayon sa kanyang isipan.

Tumikhim ang matanda sa kanyang likod, kasabay ng pagpukpok ng dulo ng baston nito sa sahig, nararamdaman niya ang paghakbang nito. Lumingon siya para magmakaawa na pakawalan na siya.

"Please po, gusto ko na pong umuwi,"  sunod na sunod ang ginawa nitong pag iling, wala siyang mabasang awa sa mukha nito habang parang naiihi na siya sa sobrang kaba. She' s thinking of the worst thing to happen.

"Sa sobrang mahal nang ibinayad ko sa'yo, sa tingin mo pakakawalan kita nang ganon lamang?" Bumaling ito sa katabi,"Dalhin mo na sinabi!" Matigas na utos nito doon sa tinawag na Richard, mabilis naman itong tumalima. Hinawakan siya sa braso, pumiglas siya sa hawak nito.

"Sir parang awa nyo na po, wag nyo po akong sasaktan," nanginginig na si Eunice sa sobrang takot, paano siya makakahingi ng tulong kung hindi niya alam kung nasaan siya? Maging ang cellphone niya ay naiwan niya sa bag na nasa kanyang kotse. Ito na nga ba talaga ang kanyang kapalaran? Ito ba ang kapalit nang paghahangad na mahalin niya ang kanyang ina? Mali na talaga na kinilala niya ito at binigyan ng pagkakataon? Mali ba na umasa siya na maari itong magbago? Mali ba na mahalin ng anak ang kanyang ina?

Mali nga siguro...sa kanyang kapalaran hindi karapat dapat ang kanyang ina sa pagmamahal na kaya niyang ibigay. Hindi niya kaya ang ipinagagawa nito, hindi niya kayang gamitin si Ren at ang pamilya nito para sa ambisyon ng kanyang ina. Alam niya na sa oras na makapasok siya sa buhay ni Ren bilang asawa nito, mas hihiling pa ang kanyang ina.

Malaking pagkakamali na hindi siya nakinig. Mali na umasa siya, hindi na magbabago ang kanyang ina, mas lumala pa ito dahil siya mismo na anak ay nagawa nitong ipagkanulo.

"Miss, wag ka nang lumaban, masasaktan ka lang," kinaladkad siya nga lalaki patungo sa isang pintuan, naglakad sila sa pasilyo , may nakasunod pa sa kanila na mga lalaking naka polo na puti, pawang malalaki ang mga katawan. Nakakasalubong sila ng mga kasambahay na pawang mga umiiwas, sinikao niyang humingi ng tulong sa mga ito, pero tila wala itong naririnig.

"Kuya," hinihila niya ang kanyang kamay mula dito, pero ano ba ang laban niya sa mga ito? Kahit pa sumigaw siya walang makakarinig sa kanya.

Tumigil sila sa isang pinto, pumasok ito at hinila rin siya papunta doon. Malaki ang silid na dalawang kulay lamang ang naglalaban, itim at puti...ang dingding at kisame ay puti, mga nuwebles, kurtina , upuan ay puti... ang malaking kama ay itim. Itinulak siya noong Richard sa kama, may pumasok na isang babae, matangkad ito at maganda, nakasuot ito ng pencil cut na skirt , kulay black...naka pang itaas ito na kulay pula, maging ang lipstick nito ay sumusuka din ng kulay pula. Walang kangiti ngiti ang babaeng lumapit sa kanya.

"Siya ba ang regalo ni boss sa kanyang anak?" Tanong noong babae na agad naman na tinanguan ni Richard. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakakatakot ang mga tao sa kanyang paligid.

"Boss, kapag sawa na yung anak, pwede bang kami naman?" Kinilabutan si Eunice sa narinig, tuloy tuloy na ang kanyang pag iyak, naisip niya na sana mamatay na lamang siya at hindi na sapitin ang madilim na kapalaran.

Nabigla siya ng biglang bumunot ng baril ang lakaking humila sa kanya kanina. Itinutok nito iyon sa lalaking sumali sa usapan.

"Matuto kang tumahimik!" Para naman itong nabuhusan ng suka sa naging kilos noon, agad itong humingi ng tawad at mabilis nawala.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon