TLL 27:

54K 1.5K 120
                                    


Dito talaga belong yubg chapter ba yun...

#kapag may update, may update
Kapag wala pasensya...bawal makulit.. :)

#unedited

...

27.

Hindi mapakali si Ren, kaya naman kahit alam niyang masosopla siya ay sinundan niya si Ron sa kwarto nito. Mukhang hindi naman ito nagulat, nagsasalansan ito ng mga libro. May dalawa itong malaking shelves, puna na yung isa... nangangalahati na yung pangalawa. Ayaw niyang basahin ang mga binabasa nito, kundi politics, tungkol sa mga crime scenes at iba pa. Nakakadugo ng utak. Naupo siya sa kama nito.

"Sinong kaibigan ni Yuan?" Tatlo ang kanyang suspect, yung dalawang mukhang ewan at yung isang medyo matino.

"Yung may nunal sa kanang pisngi,"

"Ha?" Napaisip naman siya kung sino doon. "Sa mall mo sila nakita Eunice?" Kunot noo itong humarap sa kanya. Ginamit niya pa si Eunice. Sana si Eunice na nga lang talaga, kasi wala na ito at si Dion, matagal na.

"Is she still your girl?"pumalatak pa ito at nahiga sa kama,"Don't play dumb on me, cause you know I'm talking about someone else." Napakuyom siya doon."Close the door when you leave kuya, I'm taking a nap." 

Nag ngingitngit siya sa galit, binalibag niya ang pinto nito saka nagtuloy sa sariling kwarto. He geta his phone and texted Yuan, may contact naman sila, pasikreto nga lamang.

Ren:

Sino sa kaibigan mo ang may nunal sa pisngi? Text back.ASAP!

He pressed send waited. He gripped his phone tightly when it beeped.

Pinigil niya ang sarili na hindi ito maibato. Now he knew who the hell is.

Yuan:

Topher.Y?

He didn't answer. Hindi na nito kailangan na malaman.

Mainit ang ulo niya kinabukasan. Bagay kinapagtataka ng dalawa.

"Nangyari sa'yo?" Si Dexter

"After studies daw, eh siya naman nakikipagdate," himutok niya, sumabat naman si Josh na busy sa kanyang phone.

"Alam mo na pala, sasabihin ko pa lang sana sa'yo, heto o sa facebook ang cute nila," pinakita pa nito ang phone, nakaakbay si Topher kay Candice habang nakapeace sign pa.

"Huh, naka lipstick pa siya, hindi naman siya naggaganyan dati!" Agad na nabawi ang phone sa kanyang kamay, baka daw maibato niya.

"Syempre nag mamature dude, nagbobloom!" Paliwanag ni Josh.

"Hindi niya kailangang mag bloom."napukpok niya ang mesa.

"Accept it, hindi na siya yung Darnang Flat mo, saka may Eunice ka na naman." Sabi ni Josh.

Naiinis siya dahil maraming beses niya ng sinabi na walang sila ni Eunice.

"Hindi kami."

"Pero hindi yan ang alam ng lahat " si Dexter na ang nagsabi, iniwan niya ang dalawa. Tyempo naman sa paglalakad ay nakasalubong niya ang mga kaibigan ni Yuan. Huminto siya sa tapat ni Topher, nalilito naman ito sa galit na mukha niya.

"May problema ba tayo?" Tanong nito, hindi naman nababakasan ng takot.

"Dati wala, pero ngayon meron na, kapag humakbang ka pa ng isa, lalaki ang problema natin. Itinaas nya ang kamay at tinapik ito."so para hindi mangyari yun, stay where you are," binunggo niya ito sa balikat saka tuluyang umalis, narinig niya pa ang bulungan ng mga ito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon