TLL 68:

43K 1.2K 90
                                    

4/25/2016

#unedited

...

68.

"Nagkiss sila, diba bawal yun sabi mo?" Katabi ni Ren si Benjo na kanina pa nagkukwento. He refused to hear anything, kaya lamang ay ano nga ba ang magagawa niya para mapatigil ang kadaldalan nito? Katabi niya ito sa backseat, si Portugal ay nasa harapan katabi ang driver nila.

"Portugal?" Tawag niya sa atensyon ng assistant na mabilis na lumingon..Past 6 na ng gabi pero heto sila at babiyahe na pauwi, biglaan niyang nagdesisyon na umuwi. Hindi man niya ipagsigawan ay sobra siyang nasaktan kanina, idagdag pa ang narinig niya sa labas ng tinutuluyan ni Candice, talagang magkasama na ang dalawa. Kung ano man ang ginagawa ng dalawa ay hindi niya kayang isipin pa. Pakiramdam niya hindi lamang ugat papunta sa kanyang puso ang puputok, maging ang mga ugat sa kanyang utak.

"Benjo, masakit ang ulo ni bossing kaya matulog ka na lang muna ay wag maingay," kalmadong sabi nito , mahina.

"Wag maingay?" Bulong naman ang naging ganti nito...nakapikit na si Ren habang nakasandal ang katawan. Pipilitin niyang matulog at hwag isipin ang mga nangyari.

...

" Umalis na sila, pumasok na tayo sa loob." Hinawakan siya ni Greg sa braso para igiya sa loob, sumunod na lamang siya dito, iniupo siya nito sa couch.

"Candice, are you allright?"

"Do you think he heard us?" It was too late to take back those words. Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Greg sa narinig mula sa kanya. Para na rin niya sinabi na hindi niya tanggap ang pag ibig na binibigay nito.

Napahilamos siya sa mukha. He had seen her vurnerable before, kaya wala ng bago kung makita siya nito ngayon.

"I'm so sorry Greg ." Bulong niya dito. Umayos naman ito ng upo sa kanyang gilid, malalim itong bumuntunghininga bago winasak ang katahimikan.

"For where exactly? Are you sorry that you can't love me before or are you sorry that you can't still love me now?"

...

Nagising si Ren sa yugyog ni Benjo. Nakahinto ang kotse sa tabing daan, lumingon siya sa paligid, nada Plaza nga sila, tama ang kanyang hinala, pero bakit sila nandito? Ang utos niya uuwi na sila.

"Pare mamasyal muna tayo, ayaw ko pang umuwi!"  Nakakapit si Benjo sa kanya.

"Boss, mapilit eh, plaza daw kaya sinunod namin dahil ang tigas ng iyak, parang may kinakatay na baboy sa loob ñg sasakyan, buti hindi ka nagising."

Akala niya panaginip yung baboy na hinuhuli niya sa panaginip niya na may mukha ni Greg, yun pala totoong may naiyak.

"Sige, pagbigyan na natin."binuksan niya na ang pinto para makababa, sumunod na rin si Benjo na excited tumakbo sa makulay na fountain.

"Seryoso ka boss?" Tanong pa rin ng naguguluhan na si Portugal.  Sinamaan niya naman ito ng tingin.

"Mukha ba akong tumatanggap ng biro ngayong araw na ito?" Iniwan niya na ito para sundan ang kanyang alaga...he is responsible, aabalahin niya na lamang ang sarili sa kakulitan nito.

he is responsible, aabalahin niya na lamang ang sarili sa kakulitan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon