TLL 79:

61.3K 1.5K 77
                                    

#UNEDITED


Nothing much.

#happysunday

TLL 79:

"Okay lang ba sa parents mo na hindi ka umuuwi?" tanong ni Candice , parati silang magkasama ni Ren, naririnig niya na kausap nito ang parents sa phone lalo na ang mommy nito. Nararamdaman niya rin na pinapauwi ito pero paulit-ulit lamang itong tumatanggi.

"Bakit, handa ka na bang mameet ang parents ko? Ibang level na to ngayon , kaya dapat ready ka na." Pinag taasan niya ito ng kilay habang sumisimsim ng wine na inihanda nito, naggrocery muna sila bago umuwi, nagluto siya ng hapunan habang nanonood ito. Inabot sila ng mas matagal sa inaasahan dahil sa pang aasar at pangungulit nito. Ngayon naman ay pinagpapatuloy nila iyon sa living room, naka indian sit siya sa sofa , ito naman at tamad na nakasandal doon, kaharap nila ang flat screen na naka tune in sa isang sikat na news.

"Meet your parents ka dyan."

"Bakit doon din naman tayo papunta." Dahilan nito habang muling sinasalinan ang kanyang baso.

"Nilalasing mo ba ako?" pinagtaasan niya ito ng kilay, pilyo naman itong ngumisi pabalik...

"Bakit, nagpapalasing ka ba?"

"Are you planning something?" akusa niya dito, tumawa naman ito.

"Wag masyadong green, baka isipin ng mga kapitbahay natin pinagsasamantalahan na kita." Their conversation just went on, kung saan sang isyu, pati sa susunod na uupong presidente. Basta dumating na lamang sila sa punto na wala na silang mapag usapan. Parang may dumaan na anghel na nagpatahimik sa kanilang dalawa, samantalang kanina ay game na game silang nag-aasaran.

"Mauna na akong maligo." Tumayo si Candice ng hindi makayanan ang tensyon, parang bigla na lamang yata uminit sa paligid?

"Sige, go ahead, ubusin ko lang to." Tukoy nito sa baso na may laman pa rin. Mabilis na nagtungo si Candice sa loob ng kwarto. Her hearts beats faster than ever, nakakahiya na baka pati iyon ay marinig na ni Ren.

Nakarobe siya ng lumabas sa banyo. Napahawak siya sa kanyang puso ng makita niya si Ren na nakatapis ng tuwalya habang nakatayo sa harapan ng closet. Katulad niya ay basa na din ang buhok nito.

"Naligo na rin ako sa kabilang kwarto,nainitan na kasi ako."

"okey, " iniwas niya ang tingin dito, nakalantad kasi ang dibdib nito...parang mas lalo yatang uminit ang paligid? She reach for the paper bags kung saan siya kukuha ng mga damit.

"Ilagay mo na sa closet yung mga damit mo," sabi ni Ren sa kanya, humarap siya dito para sabihin na hindi naman kailangan, pero wrong move dahil nakababa ang tuwalya nito at nakita niya ang pang upo nito.

"Ren ang bastos mo!" hiyaw niya dito, sa halip ay tumawa naman ito ng malakas.

"Ikaw kaya ang haharap harap diyan, tapos magrereklamo ka."

"Tss." Nagpatuloy na lamang siya sa pagpunas ng kanyang buhok, sa banyo na lamang siya magbibihis. Lumundo ang kama, nagulat na lamang siya ng ikulong siya sa mga bisig nito. Ang mukha nito ay nakapahinga sa kanyang kanang balikat. He smell alcohol, inubos talaga nito ang laman noong naiwan nila.

"Ren?" tawag niya dito, mas lalo kasing humihigpit ang yakap nito. Kinukulangan na siya ng paghinga.

"Kailan mo ba ako sasagutin?Hindi naman sa naiinip ako, pero parang ganoon na rin...pakiramdam ko makakawala ka pa kasi eh, kaya sana sagutin mo na ako, promise magpapakabait na ako lalo, hindi na ako titingin sa kung sinong babae, hindi ko sila kakausapin kung ayaw mo, sige na please?" parang batang sabi nito, napapangiti naman siya sa reaskyon an ginagawa nito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon