TLL SC 3: triple blather bother

42K 1.1K 79
                                    


It's Rojan's fault...short...don't take it seriously...

TLL SC 3:

Pasipol sipol siya habang nagmamaneho...ihahatid niya kasi ang tatlo sa bahay nina Ran, may swimming lessons si Miya tapos isasama ang kanyang triplets. Hindi naman sa pagmamayabang, his children treats Miya as their princess, buti talaga at mabait ito hindi katulad ng kanyang topakin na kakambal. Tapos , hindi na siya magtatagal dahil uuwi siya kaagad, day off ang lahat ng mga maids, at ang kanyang asawang buntis ay ayaw namang lumabas ng bahay, kaya naman anong ginagawa nang mag asawa na naiiwan sa isang malaking bahay?

Maglaro ng hide and seek o di kaya jack en poy!

"Daddy masarap daw ba yung sexy time?" napapreno bigla si Ren dahil sa narinig mula kay Robin. Paano ba naman kasi bigla bigla siyang tinatanong nang ganoon. Si Raven naman na nasa kanyang gilid ay sinesenyasan siya ng lagot.

"Hala ka daddy lagot ka kay mommy, di ka nag coconcentrate sa pag drive. Mag na nag naman si mommy sa'yo kasi accident prone ka daw." Tinapik niya na lamang sa pisngi ang kanyang katabi sa pasenger seat na si Raven, buti talaga at nakaseatbealt sila. Nakaparada na ang kotse sa tabing daan kaya bumaling siya sa curious na bata na nasa likod.

"Saan mo na naman napulot yan?" salubong ang kilay niya dito. Pero kung tatanungin siya at kailangang sagutin masarap naman talaga ang sexy time lalo na kapag basa na. Wait wait wait. Mangangaral pa pala siya ng makukulit.

"Robin, I am asking you!" tanong niya sa anak na nakanguso.

"Daddy sabi kasi ni tito Rojan iyon. Masarap daw ang sexy time, sabi niya pa nga, favorite mo daw iyon. Pwede rin ba naming maging favorite iyon?"

Oo , in the future not now.

Iyon sana ang gusto niyang isagot, pero mamaya masasakal talaga niya si Rojan sa kung ano anong sinasabi sa kanyang mga anak. sobrang kukulit pa naman ng mga ito and he's not just dealing with one here, time five. Yung bunso kasi ay tatlo na ang katapat.

"Ano pang sinabi sa iyon ng tito Rojan nyo?" tanong niya pa.

"Robin, paano magiging favorite ni daddy iyon...sabi ni tito Rojan ang sexy time daw ay kapag naghabulan yung dalawang butiki sa kisame...kaya lang naghahanap ako ng butiki sa room ko wala naman, sa mga maids lang may butiki. Bakit choosy sila daddy?" si Ravin iyon na pilit ginigiit talaga ang nalalamanan.

"Sinabi rin ni tito Rojan na ang sexy time daw ay kapag nihahabol ni Angelico si Angelica," napangiwi siya lalo, pati talaga ang mga alaga nilang mga aso, isinama ni Rojan? This time si Raven naman ang sumagot.

"Ah, kapag sexy time daddy, laging naghahabulan? Nakakapagod pala iyon? Ibig sabihin kapag naghabulan kaming tatlo, nag se sexy time kami?" si Robin na hindi niya alam kung bakit gustong gustong kurutin niya ang pisngi. Siguro dahil sa napakabibo o napakakulit nito either way, kapag narinig siya ni Attorney ngayon tiyak na lagot siya. Dapat malusutan niya ito.

Mukhang hinihintay talaga ng tatlo ang kanyang sagot, sa kabila noon, kinakatay niya na si Rojan sa kanyang isipan.

"Kids ang sexy time ay para sa mga adult lang...hindi pa iyon para sa inyo kasi kids lang kayo...and syempre for married couple lang iyon." Nakaplaster ang pilit na ngiti sa kanyang labi.

"Bakit sina Angelico at Angelica? Kinasal sila? Bakit di namin alam? Hindi kami invited?" si Robin iyon na inabot niya na ang pisngi a pasimpleng kinurot. Umaray ito saka pa lamang siya bumitiw.

"Secret lang yung kasal nila." He answered dismissing the topic pero humihirit pa si Robin...

"Daddy, gusto ko.." pinutol niya ang sasabihin nito.

"Robin isusumbong na kita sa mommy mo, ang kulit mo, huwag na kaya tayong tumuloy?" pananakot niya dito, sa totoo lang, nauubusan na siya ng sagot. "sasabihin ko na lamang kay Miya na hindi na kayo makakapunta..." hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil pinutol na siya ni Robin.

"Daddy, gusto kong umutot...diba sabi po mag papaalam muna ako?"

Ang dalawang kapatid nito ay napatakip agad sa ilong...

Nalimutan niya palang sabihin, bukod sa sobrang kulit nito ay mag paka ututin din.

"Go. Mag pa air pollution ka na anak kong mabait." don't forget the sarcasm...

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon