TLL 72:

56.3K 1.5K 91
                                    

4/29/2016

#unedited

...

72.

"May gusto ka bang puntahan muna?" Tanong sa kanya ni Ren pagkapasok nila sa kanyang sasakyan. Hindi ito katulad ng mga ginagamit nito pero ano nga bang magagawa nya kung ito ang nagpupumilit na pagkadriver niya.

"Wala naman." Sinuot niya na ang kanyang seatbelt, ganoon din ito, ilang minuto lang naman ang byahe pauwi sa kaniyang bahay. Hindi naman siya pupunta sa DFS, aaralin niya na lamang yung mga kaso na nasa kanyang pangangalaga.

"Gusto mo bang-" sabi nito na mabilis niyang pinutol. Ayaw niya naman na agad isipin na nito na okey na ang lahat sa kanila, hindi man tahasan na nagmula sa kanya pero binibigayn niya ito ng pagkakataon, yun nga lamang dahan dahan.

"Pumunta na lamang tayo sa palengke , mamalengke muna ako bago umuwi."  Nakanguso naman itong lumingon sa kanya.

"Diba may Robinson dito, bakit hindi na lang tayo doon?"

"Pwede kang pumunta doon pagkatapos mo akong iwan aa palengke." Suhestyon niya dito, kita naman niya ang paglunok.

"Sabi ko nga, sa palengke na lamang tayo, mas mura tapos mas sariwa pa ang mga ulam, tama doon na lang talaga tayo." Napalingon siya sa bintana habang pinipigil ang pagtawa.

Pinarada na nito ang sasakyan, hindi niya na hinintay na pagbuksan siya ni Ren, mabilis siyang lumabas, halata ang pagkadismaya sa mukha nito pero hindi na nagsalita pa. Hindi niya na ito sinabihan na sumunod dahil tiyak naman na nakasunod ito sa kanya. Gusto niya talaga ang palengke ng Balanga, malinis, organisado ang mga paninda saka marami kang pagpipiliian. Meron ding mga upuan sa gitna o yung pinaka hall way na naghihiwalay sa wet goods at dry goods. Doon sa gitna pwede kang maupo habang naghihintay ng iyong kasama o kung gusto mo lang magpahinga.

Nag umpisa siya doon sa bilihan ng mga isda, parang gusto niya kasing kumain ng paksiw na bangus, yung maanghang na maanghang.

"Suki, " bati sa kanya ng kanyang regular na binibilhan, kahit hapon na ay sariwa pa naman ang mga tinda nito, pero syempre mas maganda pa rin talaga kapag umaga ka namalengke, kahapon pa dapat siya, kaya lamang, na stuck sya sa pag-aalaga.

"Bigyan nyo po ako nito, presyong kaibigan po ha?" Biro niya dito, ngumiti naman ito, sa tanya niya ay nasa 40 plus pa lamang ito.

"Kailan ba kita pinresyohan ng mahal?" Inilagay nito sa kilohan ang isda, doon lumabas kung ilang kilo at kung magkano ang kanyang babayaran, binawasan mga nito ang halaga. Dudukot siya ng pera ng may magsalita sa gilid niya, muntik niya nang malimutan.

"Ako na ang magbabayad." Wuka nito habang nilalas ang pitaka, nakatingin siya doon. Dudukutin sana nito ang isa sa mga card nito ng sinaway niya agad yun.

"Okey ka lang?" Sarkastiko niyang tanong, natawa naman ang ginang sa kanilang harap.

"Napakgwapo naman ng kasama mo Attorney, hindi bagay sa palengke...mukha rin siyang dayo."

Nginitian niya na lamang ito ng pilit...ayaw niya naman magkwento tungkol kay Ren.

"Sabi ko nga." Sa halip bumunot ito ng isang libo at iniaabot sa tindera na naka abang, tinabig niyang muli ang kamay nito.

"Kaya kong bayaran ang pinamili ko. " katwiran niya.

Pero mapilit si Ren, sa halip nilagay nito sa palad ng tindera ang bayad.

"Makikiain sana ako mamaya ,kaya hayaan mo na akong magbayad." Seryoso lamang ito sa sinabi sa kanya, kaya nga nag aasam siya na kutusan ito. Wala naman silang usap na ganoon.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon