TLL 36:

48.2K 1.4K 98
                                    

#unedited

#maulanmalamigpayakap
...

36.

Disaster.

Iyon ang naging pakiramdam ni Candice sa sumunod na oras, bumalik na naman ulit sila sa klase na naudlot. Ang hindi niya kayang pigilin ay ang mga mapanuring tingin ng kanyang mga kaklase , ang mga bulungan ng mga ito kung paano daw iyon nangyari?

Idagdag pa na tinawag siyang "Mrs.Romualdez "ng kanilang proclaimed na mas deserving na maging Mrs. Romualdez daw, kung bakit kasi malakas ang sapak ng lalaki na yun? Kinakabahan tuloy siya sa sasabihin sa kanya ng prof mamaya kapag nakipagkita siya dito, paano  na ang request niya rito?

Mabilis itong nawala sa loob ng room ng matapos ang klase, doon niya naramdaman ang matinding kaba. Nagliligpit siya ng kanyang gamit ng mag umpisa na magkumpulan ang kaniyang mga babaeng kaklase. Namimiss niya tuloya ang night classes niya noon, walang eksenang ganito.

"I don't really get it? Of all the girls bakita siya?! "Parang nandidiri pa ang boses nito. Wala naman siyang sakit, so bakit hindi siya?

Pinipigil niya ang sarili.

"Right, maybe inakit niya?Ginayuma?I bet that's were she's good at." Sinabayan pa iyon ng mapanuyang tawanan...

Pasensya pa more.

"Hello? Do you still believe in that?Maybe she's so good in bed, maybe she is his slave." Sabi ng isa na walang filter ang dila...hindi siya ganoon, kahit galit, pilit niyang pinapakalma ang sarili. Hindi siya bababa sa level ng mga ito. Hindi lang matanggap ng mga ito kung ano ang meron sa kanila ni Ren.

Tumayo na siya dahil kailangan niya na rin magpunta sa faculty. Pero nakakailang hakbang ay tinawag na talaga siya ng mga ito.

"Candice? Nagpapanggap talaga na hindi marinig? Dahil masyadong masakit ang katotohanan?" Bumilang siya ng tatlo saka lumingon sa mga ito. Mga sabik na sumabog siya sa kanyang mga naririnig.

"No. Naiintindihan ko kasi na mas masakit para sa inyo na ako ang pinili ni Ren, kaya no." Tapos umalis na siya na may ngiti sa labi, para sa isip na pupunta nga pala siya sa kanyang prof, nahulog ang kanyang mga balikat.

"Bakit malungkot ang mahal ko?" Nabigla siya ng mga biglang umakbay sa kaniya, pero amoy pa lang nito ay kabisado niya na. Pinalis niya ang kamay nito at mabilis na naglakad, lalo na at pinagtitinginan na sila. Marahil ay nilipad na ng hangin ang balita na sila na ni Ren.

"Hoy, galit ka?" Mabilis itong naglakad, nasa gilid na rin niya.

"Hindi. Hindi ako galit, tuwang tuwa nga ako eh, sa sobrang tuwa ko nga gusto ko lumayo ka nga mga one hundred na dipa."

"Seryoso ka?" Huminto siya, nasa tapat na siya ng faculty.

"Hindi. Hindi ako seryoso, seryosong seryoso!" May diin sa kanyang boses, gusto niya rin na malaman nito na pinahamak siya ng ginawa nito sa kanya. Kaya heto siya ngayon, nanganganib ang buhay lalo na ang kinabukasan. Sayang talaga!

"'Ikaw kasi eh ...sabi ko naman sabay tayong pumasok, unang lunes natin tapos, hindi tayo sabay, dapat inuumpisahan ang good vibes nang Monday para tuloy tuloy buong linggo." Katwiran nito, at meron pa lang ganoon? Ano ito, fan ng feng shui?

" Yes ,thanks to you, pinatawag ako sa office ng prof na binigyan mo ng bulaklak!"

"Huh? Bakit daw?"

"Dahil sa ginawa mo of course!" She rolled her eyes. Hindi niya alam kung inosente talaga o binobola lang siya.

"I will talk to her and apologize for my behavior ."papasok sana ito ng hinila niya sa braso.

"No!Ako na lang...at saka yung 100 na dipa, gawin mo ng 500 na dipa...ayaw muna kita makita!" Hindi niya pinansin ang paghirit nito, kumatok na siya ng tatlong beses bago pumasok sa pinto. Bumati siya sa mga teacher na nasa kanilang cubicle, alam naman niya kung saan ang office ng prof niya kaya doon na siya tumuloy. Kumatok siya muli, nadatnan niya ito na abala sa mga papel na binabasa. Nakasalamin ito at pailalim na napatingin sa kanya. Napakasungit talaga.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon