TLL 64:

57.6K 1.5K 154
                                    

A/N: 2.mottos:

1. Kapag may update may update
Kapag wala pasensya.
2. I write what I want to read.

Pwede namang baliktarin ang number 2, yung I gawin mo lang YOU. 

Ang siste, sa' YOU  na yun, hindi na I' kin.

#UNEDITED

...

64.

"Boss heto na po ang kape nyo, " idinilat ni Ren ang kanyang mata para matanggap ang kape na binigay ni Portugal, sa site na siya dumeretso matapos siya magjogging kanina. Sa isang bahay umuwi si Candice, buti na lamang tinawagan siya ng kasama sa bahay para ipaalam kung nasaan ito, kung hindi mamumuti na ang kanyang mata sa kahihintay sa tapat ng bahay nito, wala palang dadating. Hindi rin naman siya makatulog sa kakaisip ng paraan para mailayo si Candice kay Greg, hindi sapat yung mga dati niya lang na ginagawa, kailangan niya ng mas solido na plano. Kailangan niya ng hakbang bago pa man ito makalapit kay Candice.

"Salamat."  Baling niya dito, nakaawang naman ang bibig nito habang nakatingin sa kanya."Why?"

"Kasi boss, nagpasalamat ka."

"And?" Balik tanong niya, ganoon  ba kahalaga ang salamat niya dito na parang naluluha pa ito? "It's that a big deal?"

"Kasi-" itinaas ni Ren ang kamay niya, hindi niya  na hinayaan na magpatuloy pa ito.

"Yan boss ang dahilan kung bakit lamang yung Greg na iyon sa'yo."

"Anong sabi mo?" Sinamaan niya ito tingin, higit kaninuman ito dapat ang nakakaalam na ayaw nyang makarinig ng ganoong bagay, lamang iyon sa kanya?

"Do you wanna lose your job?" Seryoso niyang tanong, hindi talaga siya magdadalawang isip.

"Naku hindi po boss!" Agad bawi nito, pinagsiklop niya ang mga kamay sa mesa habang seryosong nakatingin dito.

"Ang ibig ko pong sabihin, kung sa pagwapuhan lang po at yaman ay talagang lamang po kayo, hindi po maipagkakaila yun...kaya lamang si Attorney C po ay hindi nahuhulog sa ganyang bagay lang, si Attorney Greg po kasi ay mabait , maalaga, maasikaso , maalalahanin, simpatiko."

"Portugal!" Matigas niyang tawag sa apelyido nito.

"Po?"

"Bakla ka ba o gusto mong siya na ang maging boss mo, alin sa dalawa? Kapag hindi ka namili, hindi ka na makakalabas sa opisina na ito ng buhay!" Banta niya dito, saan ito kumuha ng lakas ng loob para purihin ang kanyang karibal sa kanyang harapan?

Si Ran ba ang pumili nito? Hanggang ngayon pa rin ba ay sinusubok ng kanyang mabait ba kakambal ang kanyang pasensya?

"Choose!" Sigaw niya dito, di nakatakas sa kanya ang pawis sa noo nito kahit napakalakas ng aircon, binuksan niya ang drawer na mas lalong ikinaputla nito.

Sunod sunod din ang ginawa nitong paglunok.

"Bakla po ako sir, kaya sana wag nyo akong tanggalin!" Pagmamakaawa nito."Pakibasa na lang po." Inilapag nito sa kanyang harapan ang hawak na folder saka mabilis na umalis. Report iyon tungkol sa mga pangalan ng mha residente na nagmamatigas pa. He needs to call their lawyers dahil madedelay ang construction dahil dito.

Kinuha niya sa drawer ang gamot na binigay sa kanya ni Benjo, naiiling na lamang siya kapag naalala na apat na libo ang halaga ng maliit na pamahid na iyon na may hindi kaaya ayang amoy.

Kinuha niya ang kanyang phone at dinial ang number ng isa niyang kaibigan.

"Dexter?" May narinig siyang tawanan sa background, kalaro marahil nito ang kanyang inaanak.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon