TLL 24:

51.4K 1.4K 94
                                    


#unedited

...

24.

"Anong balak mong gawin, kapag nalaman mo na yung gusto mo eh single naman pala?" Napaangat si Ren ng ulo, tatlo sila noon, kasama niya si Josh na kinakausap si Dexter. Minsan naisip niya, hindi dapat Business course nito, MassComm dapat, humahanay ito kay Boy Abunda, kung hindi niya lang alam ang likaw ng bituka nito, matagal na siyang nagduda.

"Ha?" Napatingin naman siya kay Dexter, alam naman niya na nasasaktan pa rin ito dahil pinili ng kakambal niya si Yuan. Pero hindi naman nya mapipilit ang kakambal doon. Gusto yung baliw na mongoloid, either way basta maging masaya ito. Pinakilala na nga ito sa parents ni Yuan,at kinakabog na noon ang kanyang daddy. Hindi kasi naniwala sa kanya na bad move na mag aral ito, yan tuloy mawawalan na ng anak na babae. Unti unti ng kinukuha sa kanila.

"Ano nga? Yung crush mo, na alam mo ng hindi mo lang basta crush lang, single naman pala, matotorpe ka pa rin ba?" Extra lakas na sabi nito, nakaharap kay Dexter...pero parang sa kanya yata gustong itanong yun.

"You knew what I did to Ren's sister right? Lumaban ako, kaya lang wala eh..." malungkot na sabi nito.

"Bobo mo!Kunwari nga single pala, walang Yuan, friends lang pala ano gagawin mo!"

"Tss." Sabi ni Dexter, sasagot na sana ito pero mabilis na bumaling sa kanya si Josh, nagulat pa nga siya.

"Ikaw dude, kunwari may gusto kang babae, gustong gusto mo pala , hindi mo alam noong una...pero gustong gustong gusto mo pala,"

" Can you stop with gustong gusto masyadong nauulit," nakukulitan na sabi niya dito. He really can't stop his mouth. He often find ways to pissed him off.

" So eto nga, wala naman pala siyang boyfriend, single pala, hindi double, walang naka sakay na kung sino, anong gagawin mo?" Nakipagtitigan pa ito sa kanya. Ano nga bang sagot doon? Narinig niya pa ang bulong nito.Damn two weeks na wala pang ginagawa.

So let's get this straight, para sa kanya talaga ang tanong, Josh just have his extraordinary way of expressing it. Two weeks niya ng alam na hindi magkarelasyon sina Candice at Joseng payatot, he secretly followed her, na witness niyang ang bestfriend pala nito ang girlfriend. Masyado lang talagang palagay ang dalawa to the point na mahilig saktan ni Candice si Jose.

She did the same with her, means naging palagay din ito sa kanya. Yet, he shoved her away. Kahit nga ngayon, ayaw siyang tignan nito. Mailap ang mata nito kung sakaling nagkakaaalubong sila. Lahat nakikita, maliban sa kanya.

He hurt her. Kaya nga pinapakita nito na hindi siya nag eexist, gaya ng sinabi sa kanya noon.

Now he is indeed hurting, gaya ng paulit ulit na sinasabi ni Josh.

Gusto niya nga ito.

God. Gusto niya ang matakaw, sadista na si Darnang Flat.

"Natatakot ako,"

"Naman, kailan ka pa natutong matakot?" Frustrated na sabi ni Josh. Mukhang mas inip pa ito kaysa sa kanya.

"Ikaw kaya ang sabihan ng, Sino ka nga kasi? Naturuan ka ba ng parents mo noong bata ka? Ako kasi oo, Don't talk to strangers, tandang tanda ko pa," he mimicked her cold words. Nagtatawa naman ang dalawa sa kanya. Hindi niya nga pala iyon nakwento, ngayon lang.

"Sinabi niya yun?" Kompirma ni Josh habang nagpupunas ng luha, naiiyak sa katatawa sa kanya.

"Heartless words for a heartless guy like you," umiiling na lang si Dexter.

"Sa nakikita ko kasi , hindi ka threaten dahil wala kang ka kompentensya. Hihintayin mo pa ba na magkaroon?"

"Or he is still torn doon sa una?" Si Dexter na nakatingin sa kanan, parating ang nakangiting si Eunice. Lately, napapadalas ang pagpunta at pagtawag nito sa kanya.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon