TLL 38:

46.3K 1.3K 42
                                    

#unedited

...

38.

"Good afternoon po, tita, tito," nakangiting pagbati ni Eunice sa kanila. Lahat napahinto sa pagkain para salubungin ito ng tingin. Nakasuot ito ng off shoulder, knee length floral dress. Nakaponytail ang itim na itim na buhok nito. Bagay na bagay rin dito ang pink na lipstick. Hindi maiwasan na maikumpara ni Candice ang sariling ayos dito.

"Hi Eunice!Buti at bumisita ka!" Ang mommy ni Ren ang tumayo at niyakap ito, binati rin naman iyon ng daddy ni Ren. Yung mga kapatid nito ay hindi man lamang nagsalita.

"Join us."yaya ng daddy ni Jett, nag-aalangan pa ito. Napatingin ito sa kanya, magsasalita rin ba siya at i wewelcome ito? Gayong siya din ay bisita lamang dito.

Naramdaman niya ang paghawak ni Ren sa kanyang kamay, nakita niya rin ang pagdako ng mata ni Eunice sa kamay nila ni Ren na nasa ibabaw ng mesa. Hindi niya mapangalanan kung ano ang emosyon nito.

"Tama iha, umupo ka na at kumain, I know na hindi ka pa nakakakain," yaya ng mommy ni Ren na nag utos na sa tagasilbi na magpadagdag ng plato sa mesa.

Pinili nito na maupo sa kanyang tabi. Awkward.

"Hi,I'm Eunice," naglahad ito ng kamay sa kanya  nakakahiya naman kung hindi niya ito kakakamayan. Kahit na nakakailang.

"Candice Calatrava." She introduce herself.

"She's kuya's girlfriend, nice may ka ryhme ang name nyo, nice and dice, diba ate?" Lahat sila ay napatingin sa bunsong kapatid ni Ren na si Rojan, nakatingin naman ito kay Ran na umiinom ng tubig.

"Rojan," may warning ang tono ng boses ng daddy ni Ren, kaya naman nakanguso itong napabaling sa ama.

"Why dad?I'm just stating a fact."katwiran na nito, sumabat naman na si Ren.

"Dad, chill napaghahalatang nagkaka edad ka  na." Napatingin naman si Candice kay Ren na nakangisi and for the first time, she heard Ron and Ran chuckle, sabay. Parehas kasi ang ugali ng dalawa base sa kanyang obserbasyon.

"Kumain ka, hindi ako sanay na konti ang kinakain mo." Bulong ni Ren sa kanya habang dinadagdagan ng kung ano anong ulam ang kanyang plato. Gumanti naman siya ng bulong kay Ren.

"Oh please, wag mo akong ipahiya sa pamilya mo." Tumawa naman ito sa sinabi niya kahit seryoso siya doon. Nakakahiya naman kasi at saka hindi niya kayang kumain ng marami, baka hindi siya matunawan.

"Don't worry about it, just be your natural self." Sabi nito sa kanya, pero paano niya ba gagawin yun kung katabi niya ang first love ng boyfriend niya? Alam niyang dapat siyang magtiwala kay Ren ,pero kay Eunice hindi niya kayang ibigay ang kanyang tiwala.

First love is first love. Kasalanan ito noong nag pauso ng salitang first love never dies, lahat ganoon halos ang thinking, kahit ikaw na ang present at balak na kasama sa future...hindi mo pa rin pala maiiwasan, paano kung huminto? Paano kung bumalik sa nakaraan? Paano kung tumigil?

...

"Don't think too much, its unhealthy."naupo si Ran sa kanyang tabi, nasa gazeebo sila, may duyan doon, mesang puti at mga bangko, napapalibutan ng mga puting bulaklak.

"Hindi naman."pinilit niyang ngumiti, matapos kumain ay kinausap ng parents nila Ren si Eunice, kasama naman nila ang dalawang nakababatang lalaki ng mga ito. Naglalaro ang mga ito ng chess, kanina pa nagrereklamo ang bunso dahil natatalo sa mga moves.

"This is a mind game, you should play smart."

"I am."matigas na tugon ni Rojan.

"Maybe, but not smart enough.Checkmate again." Umayaw na ang bunso.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon