TLL 70:

50K 1.4K 91
                                    

4/25/2016

#unedited

...

70.

Muntik ng malimutan ni Candice na nasa tabi lang nila si Benjo.

"Malungkot siya kahapon kaya niyaya ko siya mamasyal, binasa ko sya sa fountain, pero hindi naman siya naligo." Kunot ang kanyang noo sa kwento nito, hindi niya maintindihan maliban sa malungkot ito na hindi lingid sa kanya.

"Yung fountain sa plaza, ganda doon, naligo kami!" Proud pa na kwento nito.

"Naligo kayo?" Turo niya kay Ren, imposible naman na gagawa ito ng kahihiyan.

Natawa naman ang kaharap.

"Hinila ko siya!Hahahaha!Saya saya pero malungkot pa rin, hindi siya naligo kagabi, ako naligo eh." Iyon marahil ang naging dahilan ng pagkakasakit nito, kung bakit kasi hindi naligo? Papatayin nito ang sarili. Kailangan nitong magpalit? Pero sino ang magpapalit dito?

Nanguha siya ng bimpo at palanggana na nilagyan ng tubig, pupunasan niya muna ito...Si Benjo naman ay nakaupo sa gilid.

"Patay na ba siya?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi siya patay, may sakit lang siya."

"Ah," natanggal niya na ang sapatos nito, maging ang pang itaas nito ay nahubad niya na rin. Hindi nga siya halos humihingi at makailang beses napalunok. Ren's body is not as masculine at Greg, pero maipagmamalaki rin naman ang katawan nito...He matured unlike the first time-pero bakit niya nga ba naiisip yun.

Sunod sunod siyang napailing para mapaalis ang pag -iisip na iyon.

"Sinta, masakit din ang ulo mo?"

"Hindi, may naiisip lang ako...Benjo pwde mo ba akong tulungan?"

"Ha ,paano?"

Kinuha niya ang gray na pajama at boxer na nakita niya sa cabinet ni Ren, inaabot niya ito kay Benjo.

"Diba, marunong kang magbihis?"

"Oo, ako nagbibihis sa akin eh!"

"Good , pwede mo ba itong ibihis kay Ren?"

"Kapag binihis ko to, hindi na siya mamamatay?" Ulit na tanong nito, napatawa naman siya doon.

"Hindi"

"Sige sinta,"

"Bababa muna ako, ipagluluto ko siya ng pagkain, tapos ikaw din ,"

"Yehey!" Napailing na lamang siya at lumabas, kukuha na rin siya ng gamot sa kanyang bahay, sana talaga at mabihisan ng maayos ni Benjo si Ren. Goodluck na lang talaga.

Pumunta muna siya sa kanyang bahay , kumuha ng Paracetamol para sa lagnat nito. Lumingon muna siya sa paligid kung may tao, nakakailang kasi na makita siya na pumapasok sa isang bahay lalo na ng lalaki.

Sa kusina na siya dumiretso, magluluto siya ng lugaw para dito, kay Benjo naman ay naglabas siya ng hotdog at bacon. Hindi naman siguro ikakagalit ni Ren kung makikialam siya sa kusina nito, sa tingin niya nga close na close ang dalawa na nagagawang maglabas pasok ni Benjo sa bahay nito, bagay na hindi niya halos mapaniwalaan, base sa personalidad ni Ren na alam niya.

"Boss! Ang sarap ng niluluto mo-" Kung nagulat siya sa sigaw nito ay ganoon din ito sa kanya.

"Attorney! Anong ginagawa mo dito? Nag lilive in na ba kayo ng boss ko?!"

Sarap hampasin nito ng sanse na kanyang hawak, oa naman kasi ang reaksyon nito.

"Hindi, may sakit siya at nasa taas, nandito lang ako dahil tinawag ako ni Benjo para tulungan siya." Paliwanag niya dito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon