TLL 5:

50.9K 1.4K 45
                                    


A/N: may feasibility kami, recreational facilities, may pool, sauna,  resto,  gym at indoor wall climbing...nandoon pa lang kami sa mga data, ang saklap...
Sasabog na utak ko, sino ang pwedeng tumulong huhuhu!

De jowk! Kakayanin namin..

Update lang pamparelax at good vibes.

#unedited
#wag perpectionist

....

Mayabang na umupo ito sa kanyang harapan, nakadekwatro pa. Huminga na lamang si Candice ng malalalim bago inumpisahang kuhanin ang mga dyaryo.

"Matagal ba yan?" Inip na tanong nito.

"Sa tingin mo?" Mapanuya niyang tanong.

Tss.

"Mas magtatagal tayo kung hindi ka tutulong, may lakad din ako no? Mahalaga!" Diin niya sa huling salita.

Padabog itong kumuha ng mga dyaryo. Kung ang lahat talaga ng mayaman ay katulad ng isang ito, masisiraan siya ng bait.

Mayabang.
Masama ang ugali, sayang ang kagwapuhan.

" wag mo akong masyadong tignan, baka malusaw ako." Nagulat siya sa sinabi nito, napalunok si Candice, nakayuko iyo kaya paano nalaman na nakatingin siya.

"Ang kapal ng mukha mo!" Nilamukos niya ang hawak na dyaryo at binato ito.

Nagulat naman ito sa kanyang ginawa.

" Darnang Flat! Baka nalilimutan mong nasa bahay kita!"

Oo nga naman. Pero hindi siya papayag na malait nito kahit pa sabihin na nasa loob siya ng teritoryo nito.

" Ano ngayon?" Nilagyan niya ng angas ang kanyang salita. Papaapi ba siya, buong buhay nya halos inaapi siya, palalampasin ba niya ang ganitong pagkakataon.

" Wow, iba ka rin ha?  Para sa isang mahirap na kagaya mo? Napakayabang...tss, pero di mo ako mabibilog, alam ko na yung mga style na ganyan, kunwari ayaw, pero ang totoo sobrang kinikilig." Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

Hindi branded ang kanyang damit. Wala siyang alahas sa katawan maliban sa kwintas na naiwan sa kanya ng mommy niya.

Wala siyang kung ano, maliban sa kanyang pangarap at lakas ñg loob.

Nakagat ni Candice ang labi sa inis. Conceited much talaga ang lalaki na ito.

" Nasaan ang bathroom?" Tanong niya dito.Tatawa tawa nan itong napapakamot ng batok.

" Sabi ko na nga ba, naiihi ka na sa kilig, " lumingon ito," diretso tapos kaliwa, yun na, baka maihi ka dyan, nakakadiri.."

Inismiran niya ito.
" Sinong nagsabing naiihi ako sa kilig? Lakas ng sapi mo. Pupunta ako sa banyo kasi nasusuka ako sa sinasabi mo." Tinalikuran ni Candice, mabilis niyang tinalunton ang tinuro nito.

Hindi naman soya siguro nito ililigaw. Natagpuan niya ang banyo, dalawang beses na laki ng kanyang kwarto, kumpleto sa gamit. Naghilamos siya, kailangan niya dahil nabubwisit siya sa kayabangan ng lalaking kapartner.

"Yabang porket mayaman, kakambal naman sobrang sungit, ano ba tong bahay na ito? Nakakainis? Tingin niya sa akin mukhang ipis, porket mahirap? Kaasar talaga, sarapa pinuhin at ipakain sa mga daga!" Litanya niya habang nakaharap sa salamin, nagpunas siya sa towel na nakita doon bago lumabas.

"Hi!" Napasapo siya sa kanyang puso ng makakita ng babaeng maganda aa kanyang harapan. Ito yung dyosa sa picture sa living room.

"Hello po." Ngiti niya pabalik.
" ikaw yung kaibigan ni Ren, welcome sa bahay namin, dito ka na magdinner, hindi kasi nagdadala ng kaibigan  ang mga anak ko dito kaya nakakatuwa."

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon