TLL 12:

50.1K 1.6K 139
                                    

#unedited

...

12

Malayo na ang naihakbang ni Candice, kaya lamang sa bawat hakbang na kanyang ginagawa ay inuusig siya ng kanyang kunsensya. Tinutukso rin siya nito na lumingon.

Napabuntunhinga siya dahil nakaramdam na naman siya ng pagkatalo, kahit ano pa ang narinig niya dito, hindi niya ito kayang balewalain.

Lumingon siya at nakitang iniinda ang kanyang pagkakasipa, napailing na lamang siya habang humahakbang palapit. Paano siya makakaalis kung heto ngat't bumabalik na siya kaagad.

"Kung talagang sincere ka sa pagsosorry, ilibre mo ko, nagugutom ako." Nagulat ito ng makita siyang nakatayo, heto na naman ang kakapalan ng kanyang mukha, pero hindi talaga siya makaisip ng ibang rason.

"Sinipa mo ako, nasaktan ako, hindi ba tama lang na mangailangan din ako ng sorry mo? Nasaan yung sorry mo?" Maangas na sabi nito sa kanya, nakatayo na ito ng tuwid kaya naman nakatingala na naman siya dito.

"Ilang sorry ba ang kailangan mo?Mga lima? Sampu, Twenty?" Sarkastikong sabi niya, umirap ito na parang babae at tinalikuran siya, naglakad na ito. Naiwan si Candice na nakatanga.

Hindi na dapat siya bumalik, iiwan din siya pala nito.Wrong decision.

" Bakit ka pa nakatanga diyan? Diba nagugutom ka?" Lumingon ito sa kanya, nagulat naman siya sa sinabi niyo. Hindi pala totoo ang naisip niya na aalis lang ito basta.

"Eto susunod na nga po kamahalan..." hindi niya mapigil ang pag ngiti, tumakbo siya sa gilid nito,hindi siya makakibo, pinapakiramdaman niya rin kasi ang mood nito, baka bigla na lamang siya nitong batukan bilang ganti sa kanya, mabuti na ang maging handa.

"Ililibre mo ba talaga ako?" Muling usisa ni Candice.

"Kapag nagtanong ka pa ulit hindi na."

Sungit.

"Ah ,pwede ako mamili kung saan tayo kakain?" Tanong niya dito, ayaw naman siyang sa mahal na restaurant na naman sila pumunta, kalabisan na iyon.

"Sige," pagpayag nito. Naunang naglakad si Candice, natanaw niya na agad ang fastfood na gustong kainan.

"Dito tayo"muwestra niya sa may pinto, nakahalukipkip ito. Ngayon nya lang napansin ang suot nito, maihahalintukad niya sa porma ng mga bidang lalake sa mga korean dramas na madalas pagpantasyan ni Michelle, pero kahit nakasimpleng t shirt lang ito, plain man o may design, may kakaiba talaga itong karisma.

"Bibig mo, kanina ka pa nakanganga, pasukan ng langaw yan." Sabi nito at nauna ng pumasok sa kanya.

Napatakip tuloy sa sa bibig.
Sinungaling na mayabang pa.Paano hindi naman siya nakanganga, malawak lang talaga ang imahinasyon nito. Sinundan niya na lamang ito papasok, taaa noo itong naglalakad, naghahanap ng mapupwestuhan sa mataoong lugar na iyon, karamihan mga estudyante na may mga pang gabing klase. Nasaksihan niya kung paano ito sundan ng mata ng mga kababaihan. Alam niyang alam nito ang mga atensyong ibinibigay, masasabi niya na wala lang talaga itong pakiealam, o gaya nga ng sikat na salita ngayon, maliit na bagay. Maliit na bagay lamang para dito ang mga atensyon at paghanga. Hindi tuloy siya masyadong lumapit dito. Nagmumukha naman kasi talaga siyang alalay sa likuran nito. Yung rubber shoes na suot niya ay luma na, cream na nga ang kulay noon at hindi puti, yung tee shirt niya na may mukha ni Doraemon at naka maong short siya, syempre dala nya ang kanyang red na bagpack. Ito ang kanyang usual attire.

"Let's sit here" nakaupo na ito sa pandalawang pwesto. Naupo na siya sa tapat nito, napakagat labi siya dahil pagtingin niya sa paligid, sibalubong siya ng mga nagtataasang kilay.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon