TLL 4:

58.2K 1.4K 35
                                    

A/N: said i wont update, pero tagal na ng draft na ito. Sobrang busy talaga, umuulan ng mga defense at kung ano ano...konting kapit na lang at malalampasan ko na ang sem na ito, at pagkatapos noon mag mamarathon na tayo.

#Unedited
#RenDice

***

"Hi?" Muntikan ng mabitawan ni Ren ang weights na hawak ng biglang lumitaw sa kanyang harapan ang nakangising si Eunice. Tinulungan pa siya nito para di maibagsak.

"Don't surprise me like that, baka matulad ako doon sa naaksidente, " natatawa lamang ito, kung iba siguro ang nagbiro sa kanya ng ganoon malamang nakatikim na iyon ng mag- asawang suntok mula sa kanya, pero iba syempre kapag si Eunice, kayang kaya niyang magtimpi at pahabaan ag kanyang pisi.

"Hindi ko naman hahayaan na mangyari sa'yo yun no." Depensa nito. Umupo na ito sa upuan sa kanyang tabi, pawisan din ito, kagaya niya regular din sa gym si Eunice. Ito nga ng dahilan kung bakit nandito si Ren, kumpleto ang gamit nila sa bahay na pang exercise pero heto siya at pinipili at inaabala ang sarili na pumunta dito at least twice a week. Kinuha ni Ren ang towel sa kanyang tabi at walang pasabi na pinunasanan ang pawisang noo nito. Napapitlag naman ito sa kanyang ginawa, pero umiwas din ito, naiwan tuloy sa ere ang kamay ni Ren na may hawak na towel. Sinundan niya ang pagtayo ni Eunice.

"Pinapapunta ako ni Tita sa bahay nyo, Halika na ." Yaya nito. Ngumisi si Ren, iba kasi ang dating sa kanya.

" Really , dito gusto mo? Halikan? Game! " tumayo pa siya para pantayan ito. Umirap naman muli ito sa kanya.

" Hindi nakakatuwa!" Hinampas siya nito sa dibdib, hinuli niya ang kamay nito at pinagsiklop.

" Ren?" Hindi ito kumilos, bagkus tinuro ang kamay nilang magkasiklop.

" magkahawak lang tayo ng kamay, don't be paranoid." Ingos ni Ren dito..binitawan niya lamang ito ng papunta na sila sa kanilang mga locker.

Masaya silang nagkukwentuhan pauwi habang lulan ng kaniyang sasakyan. Minsan lamang na si Eunice ang maunang magyaya sa kanya, kaya naman sinusulit niya iyon. Nararamdaman niyang may pag- asa siya dito.

" Bakit ka pinapupunta ni Honey?"

"Yung dress ko daw para sa debut ni Ran dumating na, isukat ko daw kung tama lang,"

" na wiwirduhan ako kapag sinasabing debut ko," nakangusong reklamo ni Ren. Natawa naman ang katabi.

" yun naman talaga, anong tawag mo doon?" Tumatawang tanong nito, nasisiyahan pa sa kanyang

"Tss." Napangiti na lamang siya sa pagtawa nito, para kasi iyong musika sa kanyang pandinig. Bakit naman kasi ang manhid ng babae na ito, bakit kasi ayaw nitong suklian ang pag- ibig na binibigay nya.

Napawi ang kanyang ngiti ng makita niya ang nakasampa sa bakod ng kanilang mansion.

" stay here." Utos niya kay Eunice.
Pagkababa niya ng kotse nakita siya ng kasama nito na nasa baba lamang, hinihila nito ang makulit na kasama na ayaw magpatinag. Sa huli bumaba din ito kahit labag sa loob.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE!" Singhal niya sa mga ito.

" Sasagot kayo o ipapakulong ko kayo? " he threaten them. Kilala niya ang isa, nakikita niya ito sa university, the other he looks familiar though, yung singkit na mata at yung masarap tusukin na dimple sa pisngi.

Nagbubulungan ang dalawa , sinagot ng mga ito na napadaan at nag jojogging lamang pero hindi siya kumbinsisdo. Alam niyang ini istalk ng mga ito ang kanyang kapatid.

" kuya naibigay ko na!"

Nakita niya pa si Phineas na kinasabwat ng mga ito.

" Anong binigay mo? Kanino mo binigay?" Nagulat si Phin sa tono ng kanyang boses, alam naman niya kung kanina pero gusto niya pa rin na malaman. Ito ang rason kung bakit tutol siya sa ideya ng kanilang mga magulang na mag aral sa university si Ran. She will be expose and that means harm for her.

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now