TLL 55:

52.9K 1.4K 89
                                    

Short update...okey phone ko, salamat kay Jara sa moral support, LOL...saka kay pareng google salamat :)

#unedited

...

55.



"Ayaw mo talagang sagutin  ang tawag  ko  ha?" Iritable siya habang hawak ang phone, kahapon niya pa kinokontak ang kakambal, kaharap niya ngayon ang mga dokumento at iba pang importanteng files na dapat sana niyang pagtuunan ng pansin, yun nga lamang mas nangangati siya na makausap ang kakambal...unfortunately nasa honeymoon pa ito, mag iisang buwan na bukas na wala ang dalawa. Mukhang sinisigurado na magkakaroon ng honeymoon baby ang dalawa, sana lamang na wag maging kaugali ng kapatid ang magiging anak...wag din ng kanyang bayaw na masyadong uto-uto.

"Damn!" Sigaw niya para kahit paano mabawasan ang kanyang stress, tumayo siya at humarap sa labas, tanaw niya ang matatas din na gusali. Mas lumobo pa noong daddy niya ang namahala...napalago nito ang mga negosyo na naiwan ng kanilang yumaong lolo...Sayant hindi na nito inabot si Rein. Gayunpaman, hindi maiwasan na mapressure siyadahil siya nga ang next in line. Nasa manegerial position muna siya ayaga ng kayag ama noon, training na rin bago makuha ang posisyon na naklaan para sa kanya...kaniya lamang , hindi pa siya handang tanggapin ang posisyon na iyon, may kailangan pa siyang i accomplish.

Muli siyang naupo saka itinago ang files na nasa green na folder, kailangan niya ng ibaling ang atensyon sa trabaho, kung pwede lang hilahin ang oras para makauwi na.

"Saan ka?" Nakasalubong niya si Ron na mabangong mabango, nagmamadali ito habang inaayos ang manggas ng suot na sleves.

"Dyan lang"

"Saang dyan?May kapalit na ba?" Tukso niya dito...ang suplado kasi kaya ang sarap asarin.

"Iba ba ang hangin sa States?" Huminto ito at bumaling sa kanya....kahit naman nasa malayo siya alam niya ang nangyayari dito... salamat sa kadaldalan ni Rojan na kinakausap siya kapag nabobored daw ito... buti na lamang talaga at madalas itong mabored kaya nakakausap niya. Detalyado pa naman ito magkwento, yun nga lang karamihan sa mga kwento nito ay hindi miiwasan na maisama ng mga alaga nitong hayop, pati yata oras ng pagdumi ng mga alaga nito ay nalaman niya na.

"Bakit?"

"Naging tsismoso ka na kasi pagbalik mo," sa halip na mainis ay natawa na lamang siya sa reaksyon nito...yun lamang ang sinabi niya pero napakaint ng ulo.

"I was just stating my opinion," he said as a matter of fact.

Nagkibit naman ito ng balikat, " well the, lecture me when you fix yours, because right now i don't need it,"

"You!'" Hindi niya tuloy napigil ang pagtaas ng sariling boses... tinamaan kasi siya doon, na naman.

" sumbong ko kayo! You're fighting!" napalingon sila kay Rojan na nakatayo sa gilid nila. Mabilis naman na nangiti si Ren, at niyakap ang kapatid na si Ron, saka tinapik tapik ang likod yung may konting lakas para makaganti kahit paano sa kagaspangan ng ugali nito.

"Manang mana ka sa ate mo." Bulong niya dito.

"Tss!" Yun lamang ang tanging sagot nito bago kumalas at umalis..busy talaga.

Sinabi ni Rojan na nasa playroom ang pamilya, doon ito galing..aalis na ito para magpunta sa lab na nasa basement ng kanilang bahay. Ito na talaga ang henyo, ayaw nyang pumasok doon dahil sari saring amoy ng hayop. Konti na lamang at magiging kaamoy na ng kanyang kapatid ang mga ito.

Nadatnan niya ang kanyang daddy na masayang nilalaro si Rein, tawa naman ito ng tawa habang nagpapapasag, she's almost two at sobrang cute na bata.

"Gusto mo yun baby? Isa pa?" Enjoy na enjoy ang daddy nila habang inaamoy ang tyan ni Rein, nakikiliti ang bunso nila dahil may sound pa itong ginawa.

"So ang CEO namin ay part time babysitter din? Akala ko pa naman nag oovertime ka lagi..yun pala araw araw kang nag uundertime.?" Akusa niya dito." Sana pala ako din." Dagdag himutok niya.

"Wala kang pakealam ako ang may ari, ako ang CEO, hawak ko oras ko, diba Rein," muli nilang narinig ang halakhak ng kanilang bagong prinsesa."

"Yabang , kapag ako na ang CEO-"

" kapag ikaw na ang CEO, retired na ko noon kaya ng oras ko ay na kay Rein na...kaya kung may balak ka sa akin, hinid mo na magagawa."

Napasimangot siya doon...oo nga naman..pumasok si Clem na may dalang pamalit ng damit ni Rein at Jett, para namang hindi tumatanda ang honey niya, maganda pa rin, daddy lang talaga nila ang pumuputi ang buhok at nagkaka edad.

"Nag aaway na naman ba kayo?" Tanong nito sa kanilang mag ama....libangan na talaga nila ang magtalo, nakaisip ng kalokohan si Ren, niyakap niya ang ina at naglambing dito, hinalikan niya pa sa pisngi.

" honey, imaaway ako ni dad," natatawa naman ang ina sa kanya, pero ang nakapagtataka, hindi niya na nakukuha ang hinahanap na reaksyon mula sa ama.

"sorry Ren, gasgas na yan....may mas mahal na ang daddy mo." Totoo nga dahil abala pa rin ito kay Rein, tuwang tuwa naman ang kanyang mommy doon...

Pero susuko ba siya.... lumapit siya kay Rein habang hawak ang rattle...Daddy ito ng daddy kay Jett.

" baby Rein, come to papa Ren, ako magbibihis sa yo," bumaling sa kanya ang bata at aabutin ang kanyang kamay, kanya lamang mabilis itong umangat sa ere. Iniwas sa kanya.

"bakit ka nagpapatawag ng daddy?Kasama ka ba sa gumawa nito?!" Seryoso ito, nanlaki ang kanyang mata ganoon din ang kaniyang honey na nagulat....

"Jett!"

"Ang ibig ko lang sabihin wag siyang magpatawag ng papa kay Ren, may daddy siya, ako lang,"Paliwanag nito sa asawa na di alam kung matatawa o ano....nakakatawa kasi ang reaksyon ng daddy niya.

Napaka...isip bata?

"Let's go baby?' Kinarga na nito ng maayos ang anak, tumabi sya sa kanyang mommy na napapailing na lamang...bago lumabas ang kanyang daddy ay nagiwan pa ito ng salita na umagaw ng kanyang buong atensyon.


" Kung gusto mong may tatawag sa'yo ng papa, gumawa ka ng sarili mo, wag kang makiangkin."

"Seryoso ka dad?"

Kumunot ang noo nito, "Matanda ka, alam mo na ang ginagawa mo," tuluyan na itong umalis kasama si Rein, bumaling siya sa kanyang honey.




"Narinig mo yun honey?Testigo ka hah?' Abot tainga na ang kanyang ngiti...akala nya pa naman...

Si Ran na lamang talaga ang hinihintay niya, akala niya siya ang may atraso, pero ito pala?


....












The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon