TLL 13:

50.8K 1.5K 95
                                    

Puso nyo hawak nyo pa?
Wala pa yan....
Trust me,
Just trust me.

#unedited

...

13

"Sana bukas, gusto mo pa rin ako." Nakanganga si Candice habang nakatingin at iniintindi ang narinig mula may Ren. Tinitignan niya kung may himig pabibiro sa boses nito, o kung may sasabihin itong kabulastugan matapos noon, pero wala. Walang dumating, siya na tuloy ang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya na makaya ang intesidad ng pagtatagpo ng kanilang mata.

Bukod sa nasisilaw siya sa pinagmamalaking kagwapuhan nito, binabalot talaga siya ng matinding kahihiyan.

Nakakahiya talaga, sobra.
Pero ano nga ba ang dahilan nito kung bakit gusto pa siya nitong mapabilang sa mahabang listahan ng mga babaeng humahabol dito. Hindi naman kawalan kung mawawala siya sa listahan.

"Ganyan ba ang sinasabi mo sa mga nagtatapat sa'yo? "

"Alin?"

"Yung hindi ka hintuan na magustuhan, sinasabi mo rin ba ito sa kanila?" Mahinang bigkas niya dito.

"No, it's the first time actually." Diretsang sagot nito. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi, pinipigilan niya ang mapangiti. So, malinaw na siya pala ang una.

Tumingin siya sa may bintana, kita naman niya sa salamin ang repleksyon nito.

"Wag kang masyadong pa fall, maawa ka sa aming mga kababaihan," mahinang wika niya , tama lamang na narinig nito.  Sa napapansin niya kasi ito ang nangyayari, napapaasa siya ng hindi nito sinasadya.

"Kailan ko ginawa yun?"clueless na tanong nito, " humarap ka nga sa akin, wag mong pagpantasyahan yung kagwapuhan ko sa salamin." Utos nito, she rolled her eyes, dahil hindi niya matanggihan ang mayabang na pag utos nito.

"Yan, gaya niya,pa fall moves yan, yung nag momove on na nga yung tao , anu ano pang sinasabi mo." Ingos niya dito. He just chuckled. Pati iyon iba na ang nagiging dating sa kanya.

"It's inevetible, I was born this way." Wala na lamang siyang nagawa kung hindi ang mapatawa sa kayabangan nito.

"Pwede na ba akong sumingit? Pwede ko na bang makuha ang bayad nyo?" Singit ng kundoktor.

"Sorry po, " nahihiyang sagot ni Candice habang kumukuha ng pera sa kanyang wallet."Isa po." Sinabi niya na rin kung saan siya bababa.

"Ikaw?" Turo nito kay Ren.

"Kung saan siya bababa, kunin mo na rin ang bayad dyan." Utos nito, di mapigil ni Candice ang magreklamo, tatawa tawa naman ang kundoktor habang inaabot ang sukli.

"Saan ka ba pupunta?Bakit ako ang nagbayad?" Usisa niya dito.

"First I treated you, second I don't have smaller bills." Rason nito. Oo nga naman, matapos niyang mabusog nawalan siya ng utang na loob. Hindi niya na rin kinuwestyon kung bakit sumama ito sa kanya, ito na rin ang nagsabi na nagpasundo na ito. Pagkarating naman nila sa istasyon ng kanyang bababaan ay may nag aabang na ditong kotse. Mahirap mahulaan ang trip nito, gayumpaman masaya siya at nakasama niya ito ngayong gabi.

...

"Uwi ba yan ng matinong lalaki?"

"Dad!" Napahawak si Ren sa kanyang puso, patay kasi ang ilaw ng bigla itong magasalita. Tawa naman ito ng tawa matapoa buksan ang ilaw. Hindi naman kasi siya umuwi agad, hinatid niya ng tingin si Candice hanggang sa makapasok sa bahay nito. He admit he is a little worried, kahit pa sinasabi nito na normal lang daw dito ang umuwi ng ganoong oras.

And now, hindi pa rin siya nasasanay sa pambubully sa kanya ng sariling ama.

"Stop doing that," saway niya dito. Nakangisi na itong lumapit sa kanya.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon