TLL 31:

50.9K 1.5K 119
                                    

A/N : noong nag post ako ng Description nito...I received lots of comments na sana si Ali na lang partner ni Ren, may chemistry daw...nasaan kayo ngayon?LOL!

Hindi ako pumayag kasi noong highschool hate ko "chemistry".

Walang espg.

Wala PA!

#unedited

...

31.

Mukhang siya pa ang nasasaktan sa ginagawa niyang pagkurot dito. Suko na siya dahil hindi naman lumuluwag ang kapit nito. Itinigil niya na ang pagkurot, matigas din kasi.

"Suko na?"

"Bitawan mo na kasi ako," bulong niya dito.

"Maya na,"  yumakap ito sa kanya para abutin yung bowl na nasa mesa, pwede namang ipaabot sa kanya.

"Para paraan mo bayaw," sabay silang nakatingin sa nakangisi na si Yuan, maging si Ran din ay nakaangat ang labi habang nakatingin sa kanya.

"Shut up Yu, nahihiya si C." Saway ni Ran dito, akala niya nakalimutan na siya nito, pero naalala nito ang tawag sa kanya. Kung titignan kasi parang walang recognition pero kilala pala siya nito.

Parang mas nakakaramdam siya ng hiya, considering mga aonabi niya noon? Sana hindi na lamang pala siya natandaan.

"Sorry," ang sorry ni Yuan ay para sa girlfriend. Ano ba itong napasok niya?

"Gusto mong subuan din kita?" Inaalok siya ni Ren, nasa lap niya yung pagkain, naka hang ang kamay nito para isubo sa kanya.

"Ayaw."

"Dami mo namang ayaw, ayaw mo nito, anong gusto mong pagkain?" Alam na alam talaga nito na mahilig siya sa pagkain, pero hindi siya hihiling ngayon.

"Gusto ko, bitawan mo na ko." Utos niya dito.

"Ayaw ko pa, sabihin mo muna kung sino mas gwapo, si Tom Cruise o ako?" Napahawak na lamang siya sa noo. Sige na nga, payag na siyang sakyan ang kulit nito.

"Ikaw na okey? Happy?" Gumilid siya para makita reaction nito, kaysa naman nilalagay nito ang mukha sa kanyang batok..bakit kasi ang laki ng couch at kasya sila, wish niya kanina pa na mahulog para makawala sa malaahas nitong pagkakalingkis. Ang lapad naman ng ngisi nito, parang sabog.

"Good, now sino ang mas gwapo ako o si Topher?" Napakunot noo niya sa tanong nito? Anong kinalaman ng mabait na si Topher? Ah, nagseselos ito sa nakadate niya na si Topher. Since mabait at gentleman si Topher para sa kanya mas gumagwapo ang lalaki na ganoon.

Pero ipagkakanulo niya ba ang kaniyang kaluluwa?

"Bakit nahihirapan kang sagutin?" Nawala ang ngisi nito. Napalunok siya dahil bigla nitong tinawag si Yuan.

"Yuan, sinong mas gwapo sa amin ni Topher , siya o ako?" Walang hiya nitong tanong, naguguluhan man, tumingin si Yuan kay Ran bago bumaling sa kanila.

"Ikaw ,syempre." Sagot nito na nakakuha ng siko mula kay Ran.

"See, even Topher's bestfriend think that I am more handsome than him." Buong pagmamalaki nito, ni hindi niya sigurado king narinig nito yung dahilan na sinabi nito kay Ran kung bakit si Ren ang pinili, kung bakit pinagkanulo nito ang matalik na kaibigan.

"He is your twin, If I didn't chose him, it's like you're not the prettiest girl on earth for me." Swear, kitang kita niya ang kilig sa mata ni Ran.

"Naiihi ako." Sabi niya kay Ren dahil desidido na siyang umalia sa harap nito.

"Tatakas ka lang eh,"  panunukso nito.

"P-please?" Hindi niya alam kung bakit siya nagmamakaawa na pakawalan nito, pero effective naman. He loosen his hold. "Saan bathroom?"

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now