TLL 75:

50K 1.3K 64
                                    

#unedited

...

TLL 75:

"Yes , dad, opo hindi pa ako makakauwi." Sinenyasan niya muna ang kanyang assistant na si Portugal, kausap niya kasi ang kanyang ama na pinapagalitan siya dahil mukhang ayaw niya daw umuwi. Dagdag pa daw nito na mukhang hindi niya na alam ang daan pauwi.

"Dad, hindi ko kailangan ng taga sundo, ayaw mo ba noon na hands on ako sa business, hintay ka lang dahil mas magaling ako sa'yo." Pagyayabang niya dito, meron talagang hindi mawawala kapag nag uusap silang mag –ama, yun ay ang magpataasan. Dito sila nag-umpisa, at dito sila magpapatuloy.

"Why don't you bring the business that makes you busy?" dag dag nito.

"You mean the business?Ililipat ko dyan?" alam naman niya ang tinutukoy nito, wala naman maitatago sa ama lalo na at nasa Pilipinas siya.

"Don't play stupid with me, your mom misses you." Naglaro na naman ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. He calls his honey syempre, pero hindi naman siya nito sinasabihan na umuwi, she understands him and she wishes him the best of luck.

"Tanggap mo na ba finally na mas mahal ako ni honey kaysa sa 'yo dad?" sandali pang nawala ang nasa kabilang linya, pero nunka na ibaba na nito ng walang sasabihin sa kanya.

"Sige , dyan ka na lang, wag ka ng babalik dito, tatambakan na lang kita ng trabaho dyan."

"I love you too dad." Pinatay niya na ang tawag bago pa tuluyan na uminit ang ulo nito. Sino ba kasing ama ang magseselos sa sariling anak? Sa bagay sa kanya lang naman ito malupit eh.

"Boss, mukhang napakasaya nyo no? Cool pa lang ama si Mr. President, sana sa susunod ma meet ko siya, idolo ko po kasi talaga ang daddy nyo eh." Kwento nito habang nilalapag ang report sa kanyang mesa. Kailangan niyang matapos ang lahat ng gagawin ngayong araw, inimbitahan kasi siyang magdinner ng ninong ni Candice. Kabado siya talaga dahil hukom ang kanyang makakaharap, mukhang mas mahirap pa ito kaysa pagharap sa board meeting o mag present ng isang proposal.

"One of this days ma meet mo rin ang daddy at pagsisisihan mo yung araw na hiniling mo na makilala mo siya." Pananakot naman niya rito, mukha naman itong hindi kinakabahan.

"Si boss talaga, wag nyo na akong takutin, kayo nga po napagtiyagaan ko, yung daddy nyo pa kaya? Di hamak naman siguro na mas mabait yun kaysa sa inyo."

"Humor me more." Seryoso na siyang nakatingin dito,napawi naman ang nakakaloko nitong ngiti.

"Sige boss, lalabas na po ako." Patalikod na sana ito ng muli niyang tinawag. Nag aalinlangan pa siya kung hihingi siya ng opinyon dito, pero wala naman siyang ibang makakausap bukod dito.

"Ano ang dapat dahil kapag ipapakilala ka sa iyong magiging in laws?"

"Po?" sinamaan niya ito ng tingin kaya naman hindi na nagtanong pa. "Simple lang boss, ang iyong sarili at lakas ng loob, mahirap talagang humarap sa future biyenan, syempre mas mahirap pa noong unang panahon, pagsisibakin ka pa ng kahoy at pag iigibin sa poso o sa balon, pero ngayon hindi na , syempre moderno na nga-" Ren rais his hand, kung saan saan na naman kasi napupunta ang usapan.

"Ang ibig ko lang sabihin boss, show them that you really deserve the woman, yun lang yun, period with exclamation point. Alam ko namang kayang kaya nyo yan, kayo pa e mas gwapo kayo kaysa kay Attorney Greg." Sige papalampasin niya na ang sinabi nito, buti at malinaw na ang mata nito ngayon at alam na alam na talaga nito ang sasabihin sa kanya.

...

Niliko niya ang sasakyan patungo sa kanilang kanto, uuwi muna siya para maligo, para naman kapag kaharap niya ang pamilya ni Candice ay presentable siya. Not that he isn't presentable himself.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon