TLL 21:

52.6K 1.4K 65
                                    

I will not update for the meantime, updates will resume as soon as i recover. A week or so?

Keep safe everyone.

#unedited

...

21.

Nagulat si Ren sa sinabi nito at sa mabilis nitong pagwawalk out. Consistent talaga ito sa pag iwas sa kanya. Ni ayaw nitong malanghap yung hangin na nilalanghap rin niya. Para itong nasasakal kapag nakakasana siya.Tumayo na rin siya at iniwan ang pagkain hindi naman niya nagalaw. Sinundan niya ito, tumakbo lamang siya para makaabot dito.

"Candice! Candice sandali!" Tawag niya dito, na miss niya rin na bigkasin ang pangalan nito. Pero nagbibingibingihan naman ito, imposibleng hindi nito maranig ang kanyang malakas na tawag. "Candice!Darnang Fl-" hindi niya na naituloy ang sasabihin ng galit itong lumingon sa kanya. Kulang na lamang magliyab siya sa paraan ng pagtingin nito.

"Ano bang problema mong impakto ka?!" Kung hindi lamang niya napigil ang sarili ay papatulan niya ang tawag sa kanya nito. Napakaganda ng kanyang pangalan at gwapo ng kanyang hitsura para lamang tawaging isang "impakto?"

"Ano," he tried to look for words, ano nga ba ang mairarason siya aa babaeng ito? Yung totoo?" Galit ka pa rin ba? Kung makalayo ka para akong may nakakahawang sakit, ilang buwan na rin ha? Naging magkaibigan naman tayo." Tumawa ito ng mapakla, mas matindi pa sa mapang asar na Candice ang kaharap niya ngayon, pakiramdam niya bawat salita niya ay nasusuya ito.

"Mister, hindi tayo naging magkaibigan, pero kung naging magkaibigan tayo, nag expire na yun," tumalikod ito. Uminit ang kanyang ulo sa narinig niya mula dito.

"Bakit dahil may iba ka na? Sinabihan mo rin ba siya na gusto mo? Sinabi ba niya na gustuhin mo siya araw araw? Ganoon ba, babaeng mahilig magpalibre?" Panunuya niya dito.

" Tungkol doon, wala ka ng pakialam," malamig ang boses nito. Kasing lamig ng gabi. Umalis na ito ng tuluyan, hinatid nya na lamang ito ng tanaw. Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob para sumunod pa.

Wala na nga naman talaga dapat siyang pakialam.

Pero bakit ang sakit din palang marinig mula dito na dapat wala siyang pakialam?

Parang kasing  kahulugan din nito ang salitang wala kang karapatan.

Ah,tinanggihan niya nga pala ang pagkakataon na magkaroon ng karapatan.

...

Umiiyak si Candice habang pauwi, hindi niya ito nilingon. Alam naman niya na hindi ito susunod sa kanya. Bulong naman siya ng bulong habang naglalakad, buti na lamang at gabi, walang magdududa sa katinuan ng kanyang pag-iisip.

"Letse siya, binasted niya ko, tapos nagpaparamdam na naman? Sobrang iwas na nga ako tapos nagpapakita siya, kainis! Sana tubuan siya ng pigsa sa magkabilang pisngi ng pwet! Bwisit!" Kinuha niya ang phone at tinawagan si Jose.

"He-" babati pa lamang ito sa kabilang linya pero inunahan niya na ito.

"Letse ka TheFort, sisiraan kita sa bestfriend ko, wag ka sanang sagutin," litanya niya dito. Gusto niya lang may masisi. Imbes na magalit tumawa pa ito sa kanyang pag aalburoto.

"Baliw ka na naman? Nawala na yung maluwag mong turnilyo? "Aniya dito, dahil mukhang nasiyahan pa ito sa kanyang pinagsasabi. Bakit siya lang ang masama ang loob?

"Hindi Candice, hindi mo na ako masisiraan sa bestfriend mo, dahil si fgf, cgf ko na!"

"Cgf?" Pag-kompirma niya sa narinig.

"00, cgf, as in current girlfriend, kami na sinagot niya na ako!" Masayang balita nito. Sinigawan niya ang tainga nito.

"Maghihiwalay din kayo!Walang forever, pagnakakita si Mich ng may malaking katawan at malinaw ang mata na walang salamin, iiwan ka rin niya!" Pinatay niya na ang linya. Masaya naman siya kahit paano, ganoon lamang talaga siya bumati, lalo na at bitter pa siya sa mga sandaling iyon.

Nagmadali na lamang siyang umuwi.

"Bakit kaya hindi sa Eunice niya sya dumikit!" Yung inis niya binuhos niya sa kanyang labahin, kaya naman paghiga nakatulog na siya agad, naisip niya lamang si Ren  ng mga dalawang minuto bago siya makatulog.  Pero hindi niya akalain na main actor pa rin pala ito sa kanyang panaginip. Nakasakay daw ito sa isang pink na kabayo, nakaangkas doon si Eunice, masaya ang dalawa na nagpapatakbo, habang may hawak na tali... at sa dulo ng tali na iyon ay nakapaikot sa kanyang beywang. Iyak daw siya ng iyak habang pinapatigil ito dahil nahihirapan na siya. Pero tumatawa lamang ito sa kanyang kamalasan.

Bangungot.

She hates him more because of that bad dream.

...

"Mukhang sabog ang mata mo?" hinawakan pa ni Josh ang kanyang eyebags, inis na hinampas niya ang kamay nito. Paano ba naman siya makakatulog, inisip niya ng inisip ang mga nangyari kagabi at mga nagdaan pa.

Nasa tamang wisyo pa ba siya?  Kahapon kasi , tinanggihan niya si Eunice para hintayin si Candice, bagay na ipinagtataka niya rin. Hindi siya ganito dati. Hindi niya kayang tanggihan si Eunice pero ngayon parang napakadali na lamang.

"Sinong iniisip mo si E ba o si C?" Ulit ni Josh , hindi talaga ito titigil hangga't hindi makakuha ng sagot mula sa kanya.

"Wala," pambalewala niya.

"Hay naku, deny pa more, kapag hindi mo na kasi kaya, magsabi ka na," pangungulit ni Josh sa kanya, hinihintay lamang naman nito na mag open siya at humingi ng tulong. Ang problema kasi sa kanya ay hindi niya kayang panglanan ang kanyang nararamdaman.

"Break na daw si Dion at Eunice, totoo ba yun Ren.?"  Napabaling siya sa tanong ng isang kaibigan. Batid niyang nagkakalabuan ang dalawa pero hindi niya alam na hahantong sa ganoon.

"Eh di maganda, magkakatotoo na rin ang Ren at Eunice," sabat ng girlfriend ng kanyang kaibigan. Alam naman kasi nila na iyon ang pagkakataon na hinihintay niya, ang maghiwalay ang dalawa at marealize ni Eunice na siya at hindi si Dion ang bagay sa isat-isa.

Hindi niya inasahan si Eunice na nakaabang sa gilid ng kanyang kotse. Kahit nakangiti, pansin niya ang pamumugto ng mata nito. Mabilis siyang lumapit dito.

"Eunice, what's wrong?" Nag-aalala niyang tanong, ngumiti naman ito. Halatang pilit at may itinatago sa kanya.

"Busy ka ba? May gagawin ka ba?" Naalala niya kagabi, nagsinungaling siya na mag ginagawa. Paano pala kung kailangan na kailangan siya nito kahapon.

Inuna niya pa si Candice. Mas pinili niya pang mabigo kaysa damayan ang babae na nasa kanya harapan.

"Wala naman, where do you want to go?" Tanong niya dito.

"Pwedeng sa paborito kong lugar?"

"Sure," pinagbuksan niya na ito ng kotse. He will make her happy.

Yun naman ang tama diba? Yun talaga dapat.

...

"Aray naman!" Napahawak siya sa kanyang noo. Pinitik kasi ni Jose, maaga silang nasa school dahil sa research paper.

"Hindi ka naman nakikinig, nasa ibang lugar ang mata mo!" Hinimas niya ang kanyang noo.

"Paano paulit ulit na kwento mo, naumay na ako kung paano ka sinagot. Diba nagpadala ka na kagabi ng nobelang text-"

" na sure naman ako na hindi mo binasa kasi sobrang bitter mo, "pang aasar nito.

" as if naman, para ka kasing bakla para mag text ng ganoon kahaba!" Napaangat naman ito ng labi.

"Bakla pala ha? Gusto mo yayain ko ng magkaanak ng cgf ko para mapatanuyan na hindi ako bakla!" Hinampas niya nga ang bibig nito.

"Bastos na yan!"

"Ikaw naman kasi eh, bakit kasi binubuhos mo sa akin yung sama ng loob mo, nasasaktan ka kasi nakita mo yung taong mahal mo na kasama first love nya, kaya pati kasiyahan ko inaalis mo na rin!" Litanya nito.

Ganoon ba talaga kahalata? Hindi naman niya sadya makita ang dalawa. Kahit na sinabi niya na hihintuan niya na, hindi naman agad agad mangyayari yun.... paunti unti.

Pero kailangan niyang itama ang sinabi ng abnormal na si TheFort.

" correction hindi ko siya mahal, gusto lang," pumangalumbaba naman ito sa kanyang harapan. Hinuhuli ang kanyang mata.

"Ipaliwanag mo nga sa akin kung ano ang kaibahan ng mahal at gusto para sa'yo,"

Gusto? Ren.

Mahal? ...rin ba?
...

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon