TLL 48:

42.6K 1.2K 84
                                    


Dedicated kay raylen21

#unedited

...

48.

"She should wake up, one month na siyang natutulog."bulong ni Ren na nasa kanyang tabi. Comatose si Eunice, naiyak siya ng malaman mula kay Ren ang nangyari dito, bukod sa naaksidente ay napagsamantalahan daw ito. Ang babaeng kasama nito sa aksidente ay si Amanda, ang mommy nito na may atraso sa pamilya Romualdez, sa mga magulang ni Ren. Nakilala niya yun bilang babae na namahiya sa kanya na trabaho, yun din ang babae na nagpunta sa school at nanakit kay Eunice.

Inamin niya kay Ren na nakita niyang magkasama ang dalawa, sasabihin niya rin sana noong araw na iyon, kaya lamang pinigil siya ni Ren, wag na raw nilang pag usapan si Eunice, hindi naman niya sukat akalain na noong araw din mismo ay mapapahamak ito. Hindi naman siya sinisi ni Ren, bagkus nagpayakap ito sa kanya ng mahigpit. Sinasabi nito na nagkulang daw siya sa obligasyon na bantayan si Eunice.

"She will wake up, malay mo mamaya." She cheer him up, pinalitan niya ng sariwang bulaklak ang vase sa tabi nito...inayos niya rin ang kumot nito. She looka like sleeping beauty, may gasgas pa rin sa katawan pero pahilom na...may benda ito sa mata, malakas ang naging epekto ng nangyaring aksidente sa mata nito. Malaki ang posibilidad na mabulag ito, pero sana hindi, ipinagdarasal niya kahit hindi naman sila maayos ni Eunice.

"Halika dito." Lambing ni Ren sa kanya, niyaya siya na maupo sa tabi nito. Malapit na ang graduation, tapos na ang deliberation, she's running for Cumlaude kaya naman sa kabila ng hirap ay masasabi niyang sulit ang lahat. Paghahandaan naman niya ngayon ang para sa Law Qualifying sa kanyang napiling Law School, sure na may mapapasukan siyang trabaho doon, may scholarship na siya, mayroon pang allowance.

Napailing naman siyang lumapit dito, mabilis naman nitong pinaikot ang kamay sa kanyang beywang. Hindi na naman nasundan ang nangyari sa kanila, hanggang sa mga halik lamang ito. Pakiramdam niya na matinding pagpipigil ang ginagawa nito, hindi pa naman kasi siya ganoon kahanda. What she gave him was the insurrance. Wala siyang ibang mamahalin kung hindi ito lang.

"Anong gusto mong gift sa graduation?" Tanong nito habang nakapahinga ang baba sa kanyang leeg, nakaupo siya sa gitna ng mga hita nito. Ren love this position, yung hindi daw siya makakawala.

"Wag ka ng mag abala, gagraduate ka din diba? Wala nga akong mareregalo sa'yo." Mahina lamang ang kanilang usapan, nakakahiya kasi na kahit walang malay si Eunice ay ganito ang kanilang ginagawa. Hindi mawala yung pakiramdam na baka nakikinig pala ito at gising na, o kaya naman may biglang magsipasok.

"Kahit sarili mo na lang, tapos sarili ko na lang ang regalo ko sa'yo." Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. Natatawa naman nitong hinalikan ang tungki ng kanyang ilong.

"Joke lang,pero pwede rin." Hinalikan naman nito ang kanyang pisngi tapos ay hinawakan ang kanyang kamay. Nilalaro nito ang kanyang daliri, lalo na yung pinaka espesyal na daliri na may ugat na nakakonekta sa puso.

"I wonder what design will fit in here." Bigla siyang kinabahan aa narinig. Hindi niya na nagawang magsalita. Hinayaan niya na lamang ang katahimikan na mamayani sa sandaling iyon.

Hindi siya handa. Hindi rin handa si Ren na marinig muli ang sagot niya.

...

"She's at fault, kung hindi niya inagaw si Ren, sana sila na ni Eunice, hindi siya mapapahamak."

"Sabi ng tito ko na pulis, na rape pa daw si Eunice, nakakaawa talaga!"

"Kawawa naman si Eunice, minalas siya dahil sa babaeng iyan..ano kayang gayuma ang pinakain niya kay Ren?"

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon