TLL 77:

53K 1.4K 74
                                    

i'm so happy today, natupad in first strike <3

#unedited

...

TLL 77:

She's like a goddess walking in his room,Ren wanted to stay as calm as he could. Paano niya gagawin ang bagay na iyon, kung tinatalo siya ng kanyang nararamdaman? Nanonoot sa kanyang ilong ang amoy ni Candice habang nakaupo sa gilid ng kama, busy ito sa pagpupunas ng basang buhok.

"Ahm, saan ako matutulog?" napaigtad siya sa tanong nito, bakit napaka kalmado nito, samantalang siya ay nagkakaroon na ng riot sa kanyang loob?

"Dito ka na lang sa kama, doon na lang ako sa sofa." Pwede rin naman na tabi tayo. Gusto niya sanang idugtong yun, kaya lang naman ay parang naputol ang kanyang dila.

"Ok." Tumalikod ito muli sa kanya, nakakapanghinayang...mukhang gusto na nitong magpahinga samantalang siya ay gusto pa sanang makausap ito. Pero hanggang doon nga lamang ba talaga ang gusto niyang mangyari?

Piniling niya ang kanyang ulo at kumuha na ng unan bago pumunta doon sa sofa, kung tutuusin pwede naman siya sa kabilang kwarto, pero bakit nga ba hindi niya sinabi iyon?

Kasalanan man kung sasabihin, iniisip niya kasi na maawa si Candice sa kanya, makikita siya nito na mahihirapan sa pagtulog sa sofa kaya naman yayayain siya nito para doon humiga.

Yun nga...matapos ang lahat ng nangyari ngayong araw, nagawa niya pang umisip ng ganoong kalokohan. Napapikit siya tuloy habang tinatawag si Benjo sa kanyang isip.

Benjo, ipinunta mo na kaming dalawa ni Candice sa ganitong sitwasyon, sana lubus lubusin mo na.

Itininakip niya ang braso sa kanyang mga mata, hindi talaga siya komportable.

"Hindi ka komportable?" tumagilid siya para makaharap si Candice, nakatagilid ito at nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung kanina pa siya nito pinapanood o ano.

"Ok lang ako, as long as you're comfortable." Ngumiti siya dito.

"Pwede naman tayo magtabi, I mean malaki naman yung kama mo." Narinig niya yun, hindi niya na ipapaulit pa dahil baka bawiin nito, kilala niya si Candice.

"Basta ba okey lang sa'yo," pilit niyang pinipigila ng kanyang ngiti kahit na magmukha na siyang tanga sa harapan nito.

"Wala ka namang gagawin na hindi maganda diba?" tanong nito.

"Candice, believe me, puro magagandang bagay lang ang nasa isip ko ngayon." Napakagat pa ito ng labi.

Next time...hindi lamang ikaw ang kakagat ng labi mo.

"Siraulo, lumipat ka na rito bago pa magbago ang isip ko." Mas mabilis pa siya sa the flash na napunta mula sa sofa patungo sa kama, nanlaki pa ang mga ni Candice dahil sa gulat. Matapos yun ay natatawa naman ito.

"Hindi ka naman masyadong excited ano?"

"You have no idea." Para silang mga sira na parehas nakatagilid at nakatitig sa isat-isa, may mga sinusupil na ngisi sa kanilang mga labi, katulad noon, medyo mas malala nga lang ngayon.

"Candice?"

"Hm?"

"You might wake up in my arms tomorrow, kapag nangyari ba yun, sisigaw ka ba at sasampalin mo ako?" umiling ito.

"Hindi siguro, kung hindi mo rin naman alam yun."

"What if you wake up with my head in the crook of your neck, sasampalin mo rin ba ako?" medyo natigilan pa rin ito.

"Hindi siguro...mas malapit sa akin ang tainga mo kaya siguro pipingutin kita." Natawa naman siya sa naging sagot nito.

"Last question...medyo green."

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon