TLL 19:

48.8K 1.4K 49
                                    

#unedited

...

19.

"What took you so long?" Napaigtad pa si Dexter ng malakas niyang isinara ang pinto ng kanyang kotse. Muntik pa nga nitong mahulog ang phone, pumasok na rin ito sa loob. Sa gilid ng mata ni Ren kita niyang nakamasid ito sa kanya. Mabilis niyang minaniobra ang sasakyan, gusto niya ng uminom. His body misses the alcohol. Kaya naman umorder siya ng marami pag dating, kumuha silang lima ng private room. Hindi na niya sinaway ng samahan sila ng mga grupo ng magkakaibigan. Kabilang din naman ang mga yun sa alta sosyedad, hindi mga pakawalang babae.

"Hey handsome," isang maganda, maputi at may maikling buhok na babae ang tumabi sa kanya. Kunot ang noo nya doon habang matagal na nakatingin, mapang akit naman na nakatingin pabalik ang babae sa kanya. Ini straight niya ang alak na nasa baso bago muling bumaling dito.

"Bakit maikli ang buhok mo? Panlalaki," he wanted to know. Ano nga ba ang dahilan. Mukhang nahiwagaan naman ito sa kanyang tanong. Napahawak naman ito sa buhok, hinawi pa iyon na sumunod dahil sa sobrang lambot. Napahawak na pala siya sa buhok nito.

"Few girls dare to have this kind of hair cut. Para sa akin, hindi haba ng buhok ang batayan, feeling ko mas maganda at magaan ang pakiramdam ko kapag maikli ang aking buhok."

"Ah, ganoon pala." Ibinalik niya ang kamay sa baso at nagsalin muli. Ganoon pala, tsk.

Hindi niya alam na nakamasid pala sa kanya si Dexter at Josh, nasabi na nito kay Josh ang nangyari, pero di gaya noon, mas tahimik na ito. Hindi niya na isinasama sa biro ang pangalan ni Candice, iba na anb epekto nito kapag naririnig ni Ren at ayaw niyang mapag buntunan ng galit nito pag nagkataon.

Kung bakit naman kasi mahina ang kukote nito.

"Let's dance!" Maya maya niyaya na siya ng babaeng katabi na sumayaw, naka tube dress lamang ito na sobrang ikli. Dahil sa maikli ang buhol nito , malaya ang sinuman na mapagmasdan ang katawan nito. Hinayaan niya ang sarili na matangay nito, kailangan niya ng maingay na musika kahit wala siya sa kondisyon na magsayaw. Ito naman ang gumawa ng paraan. Nakatayo lamanh siya sa gitna habang gumigiling ito, nililingkis nito ang sarili sa saliw ng maharot na musika. He sway his body, tama lang dahil nadarama niya na ang pag akyat ng alak. Pero aware pa naman siya sa nangyayari. Maya maya tumayo ng ang babae paharap sa kanya. Nakangiting ikinawit nito ang kamay sa kanyang leeg, matangakad din naman ito.  Ngumisi ito sa kanya habang inaabot ang kanyang labi. Girls can't really resist him. Maybe she also knew who is he. She gave him a kiss, he let her enjoy this moment. Tanging lipstick lamang nito ang kanyang nalalasahan. Taliwas sa depinisyon ng isang tula na "when you kissed".

"Gusto kita," may kakaibang ningning sa mga mata nito. Nababasa niya ang ibig ipahiwatig.

"Gusto kita," inulit pa  nito ang salita na hindi na sana nito ginawa. May isang boses siyang narinig na sinabi ang parehas na salita. Ito ang naging hudyat pata itulak niya ito, buti at nasalo ito ng katabi kaya hindi napaupo sa dance floor. Hindi niya ito nilingon kahit nadinig niya ang pagsigaw nito.

He didn't even know her name.

Maikli ang kanyang buhok. It begins and end there.

...

"Magkaklase tayo ang galing!" Nakatingin sila ni Jose Bautista sa kanilang COR, enrolled na sila parehas. Mula noong araw na iyon lagi na itong nakabuntot sa kanya, sa una nakakairita, pero sa huli nasanay na rin siya sa mga pang uusisa nito. Lahat naman kasi ng tanong nito ay about sa kanyang bestfriend. Two years na raw itong may lihim na pagtingin sa kanyang kaibigan, ngayon lang daw ito nagkaroon ng lakas ng loob. Lingid dito, kinukwento niya ang lahat kay Michelle na hindi naman maitago ang kilig. Kahit kasi baliw, may histura naman talaga si Jose Bautista IV, pero binalaan naman niya si Michelle na maigi na kilalanin niya muna ito. Mahirap ng matulad sa kanya.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon