TLL 74:

48K 1.2K 27
                                    

konti na lang...

#unedited

...

TLL 74:

"Nahihiya naman ako sa ngiti mo." Dinig niya ang pagpaparinig ni Aimee kaya naman inalis niya muna ang tingin sa bulaklak na kakatanggap lamang, araw araw naman siyangmay ganoon pero hindi pa rin masanay ang mga nasa opisina niya lalo na ito. Naalala niya pa ang sabi ni Ren noon, natutuwa daw ito na hindi na siya allergic sa bulaklak. Tinawanan niya lamang iyon. Hindi naman talaga totoo na ayaw niyang tumanggap ng mga bulaklak, kabaliktaran noon ang gusto niyang iparating, sadyang nahihiya lamang talaga noong panahon na yun.

"Any plans this weekend, yayain sana kita sa SM Pampanga, yun ay kung pakawalan ka ng boyfriend mo," makahulugan pa itong ngumisi sa kanya.

"Hindi ko siya boyfriend."

"Hindi? O hindi pa?pero ang sabi niya kasi hindi naman daw kayo nagbreak, he quoted "Nagkahiwalay lang kami ng kontinente noon, pero hindi naman talaga kami break!" like seriously?" humagalpak pa ito sa tawa matapos ang failed attemp nito na gayahin ang boses ni Ren.

"Sinabi niya yun?" pag uulit niya kahit alam naman niya na posible nga na sinabi ni Ren iyon. Minsan na nga nitong sinabi ang mga yun sa kanya, thinking about it now, napapatawa na lamang siya.

"Si Jeiks ba? Wag mong sabihin galit galit na naman kayo?" Inayos niya ang bulaklak sa vase matapos sumandal sa kanyang swivel chair, natutuwa siyang pagmasdan ang pagnguso nito Aimee na para bang sinasabi nito na hindi niya na dapat itanong.

"Para sa isang lalaki na hindi mahindian ang kanyang ina, he is a bad boyfriend, ako ang unang nagayaya pero , sinabihan lang siyang mommy nya na samahan ito papuntang Baguio, ayun nakalimutan niya na ako." Damang dama niya ang hinanakit sa boses nito, mapagmahal naman kasing anak si Jeiks, bunso kasi ito at ito na lang ang walang asawa sa magkakapatid. Nakakaingit niya ang pagmamahal ng mommy nito dito, makailang boses niya na kasing na meet iyon. She will trade anything just to feel that same feeling again. The warmth of a mothers love.

"I'd rather have your boyfriend." Ingos pa nito sa kanya, natawa naman siya doon.

"You have no idea, parang si Ren lang din si Jeiks, he loves his mother so much. He even call her honey, akala ko nga may ibang babae siya , yun pala mommy niya yun, nag-umpisa yung endearment bata palang siya." Nangingiti siya habang kinukuwento yun, baliktad naman kasi sila ng paniniwala ni Aimee, plus points sa kanya ang parehas na ugali nina Jeiks at Ren, ibig sabihin kasi , they will make a good husband who will treasure the important women in their lives. Huwag nga lamang sa ibang babae.

"Really?"

"Yes and even his brothers , honey rin ang tawag sa mommy nila." May kakaiba namang ningning sa mga mata nito matapos marinig ang mga lalaking kapatid ni Ren.

"May mga kapatid siya? Dapat ma meet ko ang mga yun." Mukhang napalitan ng excitement ang kaninang malungkot nitong mukha. Malala na talaga ito.

"Sorry to tell you this, pero mga bata pa ang mga kapatid ni Ren, cougar ang labas mo dun." Pang aasar niya dito.

"Sayang naman," naputol ang kanilang usapan ng makarinig ng katok mula sa pinto. Dumungaw ang secretary niya doon para sabihin na mayroon siyang bisita.

...

"Hi!" bati sa kanya ni Greg, nakatayo ito malapit sa glass window, baon ang kanyang ngiti ay lumapit siya dito. Matagal na rin simula ng huli silang magkita at magka usap. Ang totoo , nahihiya pa rin siyang harapin ito. He was nothing but a good friend and companion. Nakakalungkot na hindi niya iyon kayang suklian, hanggang doon lamang talaga at malabong maging kagaya ng gusto nitong mangyari.

"Kumusta ka na?" bati niya dito, tumayo din siya malapit dito. Hindi niya talaga alam kung paano uumpisahan ang kanilang usapan o kung ano ba talaga. Pinapakiramdaman niya na lamang ang paghinga nito. She don't to be unfair to him. Ayaw niya ng magsalita ng kung anong mga bagay na posibleng magpagaan ng loob nito, kumbaga less talk less trouble.

"Your eyes is smiling."

"Hm?" napalingon siya dito, nakayuko ito pero may ngiti sa labi, hindi niya alam kung dinadaya lamang ba siya ng kanyang pandinig o ano.

"I guess he is the only one that can make you that happy."humarap na ito sa kanya, " I can see it in your eyes, I can see it in your smile." Natawa siya sa sinabi nito.

"Hindi ba lyrics yun ng isang kanta?" napakamot naman ito sa batok sa kanyang naging komento.

"Me and my failed attempt, ito siguro ang dahilan kung bakit wala akong chance sa iyo." Yung ngiti niya kanina ay napalitan naman muli ng lungkot. She is sad for Greg, she is sad for his feelings that she can't answer. Pero kung ito naman kasi ang pinili niya, habambuhay niya lamang lolokohin ang kanyang sarili. Lalangoy siya sa mga tanong ng what if's, gaya noong sa pelikula. Ayaw niyang mangyari iyon, ayaw niyang matulad sa naging love story ng kanyang mga magulang, ayaw niyang dumating sa punto na susundin niya ang kanyang nararamdaman kahit pa marami na ang nasasaktan.

Natutuhan niya na may mga sugat hindi basta basta naghilom, kahit na narinig mo na ang salitang pinapatawad na kita ay nandoon pa rin.

"Greg, Thank you." She said to him. Ngumiti naman ito matapos huminga ng napakalalim.

"That's a lot better than sorry, can i hug you one last time?" nagpaunlak naman siya.

Bakit pakiramdam niya matagal niya itong hindi makikita? Bakit pakiramdam niya na ang yakap na ito ay yakap ng pamamaalam?

"You will not commit a suicide right?" hindi niya mapigilan na sabihin. Kahit pa kilala niya bilang matatag na tao si Greg.

"I won't silly." And she hold that promise, aalis nga ito papuntang Australia. Hindi niya na tinanong kung kailangan ito babalik, she just wish him well, at sana sa lugar na pupuntahan ay matagpuan na nito ang pag ibig na para dito. Yung tatanggapin ito ng buong buo at susuklian ang pagmamahal nito.

Sorry Greg, dahil hindi ako iyon.

...

Natuloy sila sa SM Pampanga, with Ren of course as their driver. Mamatay siya sa katatawa dahil sa pinag gagawa ni Aimee, very vocal kasi ito na gusto si Ren, si Ren naman ay parang humihingi ng saklolo sa kanya. Nunka na tumulong siya, she is enjoying it actually. Nakakatuwa na iniilag ni Ren ang braso kapag gustong kumapit ni Aimee doon, si Aimee naman kasi ay makapal ang mukha na nakukuha pang kumindat sa kanya.

That little devil in her friend's head. She is testing Ren's patience as well getting her approval.

"Hay , sa wakas nawala na rin yung kaibigan mo, attorney ba talaga yun?" maktol ni Ren sa kanyang tabi. Nagpunta na sa Dental Clinic si Aimee, silang dalawa na lang ni Ren ang namamasyal sa gitna ng maraming tao. Nakanguso ito at nasasarapan siyang kurutin. Alam niya kung gaano ito nagpipigil, knowing Ren, marami itong gustong sabihin. Delikado ang bibig nito lalo na kapag nanlalait.

"You don't like her?" tanong niya dito. Pasimple naman ito sa paghawak sa kanyang kamay, pigil siyang mangiti. Nakasimangot kasi ito.

"She's your friend, she's important to you, that;s why i have to increase my patience meter."

"Bakit hindi mo gutsong magpalapad ng papel sa kanya?" tudyo niya dito.

"No need. I will still have you anyway, sa iyo na lang ako magpapalapad ng papel, bakit pa ako gagamit ng iba?" mayabang na sabi nito.

"Yabang mo!"

"I know," hinila siya muli nito." Halika sulitin natin to habang wala ang asungot mong kaibigan, i so wanna date you." Maarteng sabi nito, natatawa na lamang siya doon. They have no label yet, kuntento na sila na masaya sila sa isa't-isa.

Ren's an amazing boyfriend in the making, attentive, sweet, maarte at mayabang...he will say what he wants, honestly , walang preno. Hindi rin siya yung tipong hahayaan kang manalo sa isang argumento, hindi sila. That's how she likes it.

At ilang araw na lang ang kailangan nitong hintayin.

She's almost there, forgiving him.

....

_prou�<��8i

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon