Dahan dahan niyang pinihit ang pinto, nabungaran niya ito na nakaupo sa gitna ng kama habang nasa paligid ang isang box ng tissue, marami nga na nagkalat sa sahig. Pulang pula na ang ilong nito sa pag-iiyak.

"Boss." Tawag niya, medyo nakasanayan nya na boss ang tawag dito ngayon.

"Bakita ng tagal mo?" mataray na tanong nito.

"Nasaan yung pinabili ko sa'yo?" tanong nito habang ang mga mata ay nakatingin sa kanyang kamay na walang dala.

"Ha? Wala ka namang pinabili ah? Sabi mo lang umuwi ako."

"Nagtext ako, hindi ka nagbasa!" sigaw nito sa kanya. Kinuha niya tuloy ang phone sa bulsa, shoot meron nga, pero hindi niya napansin, nagpapabili ito ng cheese cake sa cakeshop na malapit sa kanilang opisina. He forward the message to Portugal, sinamahan niya ng konting pananakot para bilisan nito.

"Sorry na boss, inutusan ko na si Portugal, wag ka ng magtampo." Suyo niya dito habang lumalapit, tiniganan niya ang pinapanood nito. Korean movie iyon, na wiwirduhan na nga siya dahil nahihilig ito sa mga pelikula na may english subtittle.

"Kaya hindi kita pakakasalan sa simbahan." Banta nito sa kanya, natawa na lamang siya habang nauupo sa tabi nito, hindi naman umusog. Ilang beses na iyong pananakot iyon, nasanay na rin siya.

"Alam mo naman na kahit hindi ka pumayag, makakasal at makakasal pa rin tayo sa simbahan, " napalabi naman na ito, ang kamay niya ay humawak sa malaki nitong tyan, mukha na talaga iyong sasabog. Napako din ang kanyang mata sa mas malaki na nitong dibdib.

Paano kaya kapang lumabas na ang nasa tyan nito?

Mag-aagawan?

"Yung mga mata mo." Banta nito sa kanya, ngumisi naman siya dito. "Bawal ka."

He's guilty, bawal nga sya ngayon...gone were the days na hindi siya mapapaawat, konti na lamang naman at pwede na naman siyang mangalabit, pero ngayon si Maria muna.

Si Maria na akala niya ay iniwan niya, bumalik ito para muli siyang paligayahin sa mga gabing hindi niya makayanan.

"Sorry," umakbay na rin siya dito habang nakikinood. "What's the movie all about?" tanong niya habang nakikinood na rin.

"Two young girls na parehas may sakit, naging mag bestfriend sila sa hospital...they switch roles kaya nalito yung lalaki, akala niya namatay na yung babaeng mahal niya yun pala buhay pa pala yun."

"Baka maging iyakin mga anak natin." Pakarinig noon ay napaiyak si Candice, hindi niya talaga makakalimutan ang gulat sa mukha nito ng malaman nila sa doctor na hindi lang isa ang nasa tyan nito.

Pinaulit pa nga ni Candice ang sinabi ng doctor, baka daw nabibingi lamang siya, pero hindi talaga. He was like jumping out of joy, honeymoon babies nila yun eh, ikaw ba naman ang hindi tantanan, plano niya talaga na magka anak na sila. Swerte nga lamang talaga na hindi lang isa.

Hinampas siya nito ng tatlong beses.

"Aray!"

"Ikaw kasi napakalibog mo! Hindi ka nakaintindi ng timeout, yun tuloy sabay sabay silang lumangoy at nagpaligsahan sa loob ng ovary ko, nakakainis ka!" maktol nito, pero wala namang magawa, natatawa na lamang siya dahil asal baby ngayon si Candice, iniintindi niya lamang ito. Sa laki naman kasi ng bola na dala nito at dama niya ang hirap nito, pinagbawalan pa itong magtrabaho ng doctor kaya naman mas lalong na frustrate ang kanyang boss.

"Sorry, masarap kasi eh, masarap ka rin kaya masarap sunud sunurin!" nakakuha na naman siya ng tatlong kurot.

Battered husband ang labas niya pero kayang kaya niyang tiisin para sa babaeng ito.

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now