"Dapat talaga makaligtas siya, dahil kung hindi lagot siya sa akin." Lumabas ang doctor kaya naman natigil sila sa pag –uusap.

"Ligtas na po ang pasyente, " marami pang ipinaliwanag ang doctor pero isa lang ang tumatak sa kanila ang ligtas na si Benjo sa bingit ng kamatayan.

"Thank God!" tuwang tuwa si Ren na muling yumakap sa kanya. Niyakap niya rin ito pabalik. She failed to see this side of him before, dahil siguro si Eunice ang nasa panganib noon? She dislike ang envy her yun ang totoo. Hindi niya talaga matanggap na kaya siyang talikuran ni Ren para kay Eunice, akala nya sa kanya na ito, pero dahil nangyari noon, naisip niya hindi pala. Kayang kaya siyang iwan ni Ren para kay Eunice, hindi siya sumama noon, hindi lang naman sa ayaw niyang iwan ang kanyang pamilya ang kanyang dahilan. She secretly tested him kung sino ang pipiliin sa kanilang dalawa ni Eunice, ang past ba? O ang present, kahit pa sinabi sa kanya ni Ren na siya ang mahal hindi siya naniwala.

Sinubukan niya pa rin ang pagmamahal nito.

And yet she failed and that hurted her big time.

Kaya matagal siyang nakabangon.

Kaya natagalan bago siya muling naniwala.

Dahil sa nangyari unti unti niyang nakilala muli si Ren, napakabuti ng puso nito, gagawin nito ang lahat para sa taong mahal nito, be his family, Eunice , or si Benjo na kakakilala lang nito halos. Sandaling panahon lamang kung tutuusin pero grabeng attachement ang nangyari sa dalawa.

Hindi naman siya darating sa punto na hihilingin niya na sana siya ang nasa panganib para sa kanya mag aalala si Ren, hindi ganoon. Hindi biro ang ganoon. She is proud of him.

Tuwang tuwa ang mga magulang ni Benjo, paulit ulit itong nagpapasalamat kay Ren. Ren assured them na hindi dapat ito mag alala sa kung ano. May bali sa kanang kamay at kaliwang binti si Benjo, hinhintay lang nila ang paggising nito. Nang masiguro na maayos na ang pamilya ay niyaya siya ni Ren na umuwi muna sa bahay nito.

...

"Ngayon ka lang ba ulit nakapunta ng Manila?" nakatanaw kasi sa labas si Candice, mukhang malalim ang iniiisip nito habang nakatingin sa mga ilaw sa labas. Magkatabi sila sa backseat habang binabaybay ng driver ang daan patungo sa kanyang condo , kung saan sila tumatambay noon. Gusto niya sana sa kanilang mansion kaya lang baka hindi maging komportable si Candice, at isa pa malayo layo rin ang kanilang byahe.

"Hindi naman, " ngumiti ito sa kanya, he wanted to kiss her, pero nagkasya na lamang siya sa paghawak at paghalik sa kamay nito. Kanina habang hawak niya si Benjo ay hindi niya alam ang gagawin, sobrang kaba at takot. Pero ng makita niya na parating si Candice, gumaan ang kanyang pakiramdam, feeling niya magiging okey ang lahat. He never thought that he will worry this much, pero kanina, habang iniisip niya kung ano ang naging parte ni Benjo para umayos muli ang kung anumang meron sa kanila ni Candice ngayon, ipinangako niya na gagawin niya talaga ang lahat para magising ito. Hindi man nito alam, hindi man niya tahasan na sabihin, malaki ang pasasalamat niya dito. Malaki ang naging parte nito sa buhay nila ni Candice at habang buhay nya yung tatanawin.

"Ok na ba ang damit na ito?Sorry ito ang ang damit ni Ran na naiwan dito, bukas magshopping na lang tayo ng damit mo." Alok niya kay Candice matapos iaabot ang damit dito. Bestida iyon na paboritong suutin ng kanyang kapatid.

"Salamat."

"Mauna ka ng magshower." Alok niya rito, pinasadahan naman siya nito ng tingin.

"I think, mas dapat kang mauna." May bakas ng dugo ang kanyang damit kaya naman hindi na siya nakipagtalo pa. Napapangiti siya habang nasa loob ng shower room, kung iba lang sana ang pagkakataon ay napakagandang pangyayari nito...Hindi rin naman siya nagtagal, sumunod na rin si Candice sa kanya. Naging abala siya sa pag aayos sa higaan. Naupos siya sa kama habang nagpupunas ng kanyang basang buhok.

Kinakabahan siya ngayon. Pero hindi sa takot.

Ibang bagay ang dahilan ng kanyang kaba.

Bumukas ang pinto ng banyo, awtomatiko naman siyang napalingon doon. Napalunok siya dahil iba ang suot na damit ni Candice, hindi yung damit ni Ran kung hindi isa sa kanyang mga paboritong tee shirt.

"Sorry, nakialam ako...hindi ko kasi gusto yung taste ng kapatid mo sa damit...saka baka magalit siya kapag nalaman niya na sinuot ko yun...kaya damit mo na lang, hindi ka naman magagalit diba?"

Parang uminit ang kanyang batok, maging ang kanyang tainga...bakit iba ang histura ngayon ni Attorney.

"Syempre hindi, hindi ako magagalit, hindi magagalit."

"Good." Napalunok siyang muli ng nakangiti itong lumapit ito sa kanya.

...

�m3�&9�

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon